Chapter 2

0 1 0
                                    

Chapter 2

"Sky! What are you doing!?" sigaw ko at nag-madaling lumapit para agawin kay Sky ang Barbie doll ko na nakita kong vina-vandalan nya using a permanent marker.

Pagka-pasok ko sa kwarto ko ay agad yun ang eksenang nakita ko.

Tiningnan nya ako ng masama sa ginawa ko. His eyes, his brown eyes are now staring at me with that intensity and that glare like he's really mad. And I don't understand why.

We were only 6 years old and that was the first time I ever saw him that angry, and the first time that he was mad at me.

Ni hindi ko alam kung anong nagawa ko. Para akong nanghihina sa mga tingin nya. That was the first time na natakot ako sa kanya.

"Akin na yan!" galit na galit pa rin sya at hindi ko pa rin maintindihan kung bakit.

Dahil sa sobrang gulat ko at takot sa kanya ay hindi ko nagawang hawakan ng maayos yung Barbie doll ko kaya na-agaw nya uli sa akin. Tapos ay nabigla ako nang bigla na lang...

"Sky! No!" I pleaded

Pero wala na akong nagawa. Ginupit nya ang napaka-ganda't mahabang blonde na buhok ng barbie doll ko.

Napa-luhod ako.

Maya-maya hindi ko na napigilan.

Napa-iyak na ako.

"B-bakit mo g-ginawa yun?" basag ang boses ko at hirap pa sa pag-sasalita dala ng pag-hahabol ko ng hininga sa bawat pag-hikbi ko.

Tiningnan ko si Sky na biglang nag-bago ang ekspresyon sa mukha.

Kung kanina ay mukhang nanlilisik sa galit ang mga mata nya sa di ko malamang dahilan. Ngayon ay kitang kita ko ang kalungkutan sa mga ito.

Sinubukan nyang lumapit sa akin pero lumayo ako.

"Sh-shanelle, I-I'm---" hindi ko na sya hinayaan pang mag-salita.

Tumayo ako at binuksan ang pintuan ng kwarto ko. Kung kanina ay galit na galit sya, ngayon ay para syang isang maamong tupa, para syang nanghihina at hindi makalapit sa akin.

"Umalis ka na! Hindi na tayo bati!" sigaw ko sa kanya habang pinagbubuksan sya ng pintuan.

Ni hindi nya ngayon magawang tumingin sa akin ng deretso.

Pero nung nasa may tapat ko na sya at bago sya lumabas ng pinto ay nagawa nya pa ring ibulong...

"Shanelle, I'm sorry"

May kalungkutan at pag-sisisi sa tono ng pananalita nya pero inirapan ko lang sya.

Hindi ko maintindihan kung anong nangyari kay Sky. Bakit nya sinira ang paborito kong laruan? At higit sa lahat ay kung bakit galit na galit sya. Pero bukod doon ay may isa pa akong iniisip. Paano na ngayon ako mag-papakita sa mga kalaro ko?

Ang favorite barbie doll ko na iyon ang kina-iinggitan ng lahat ng kalaro ko at lahat sila ay mabait sa akin para hayaan ko silang mahawakan at malaro ito saglit.

"Ewwww! What happened to your Barbie doll?" sigaw nung isa sa mga kalaro ko

"Gosh, it looks so ugly! You sure have some nerve showing up here with that!" dagdag pa nung isa

"Sorry Brenica but you can't play with us anymore, we don't play with ugly barbie dolls! So get lost!" sigaw pa nila at pinag-tulungang itulak ako.

Iniwan nila ako dun na umiiyak, hawak-hawak ko pa rin yung barbie doll ko. Nang biglang may isang kahon ang bumungad sa harapan ko habang patuloy ako sa pag-hikbi.

"Shanelle, I'm sorry"

Pag-angat ng mukha ko para tingnan ang nag-abot nung box ay bumungad sa akin ang malungkot na mukha ni Sky. Ang maamo nyang mga mata, at ang mamula mula nyang mga pisngi.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napa-yakap na lang ako sa kanya.

May ilang sandali nya muna akong hinayaang umiyak sa balikat nya pagkatapos ay ini-abot nya uli sa akin ang box na nasa harapan ko at sinenyasan akong buksan ito.

Pag-bukas ko ng box ay may laman itong isang kahon ng bagong Barbie doll. Isang napaka-gandang Princess Barbie, mas maganda at halatang mas mamahalin kesa dun sa Barbie na sinira nya.

Tiningnan ko sya tapos ay tiningnan ko uli yung mga kalaro ko na inaway ako kanina at ngayon ay masaya nang nag-lalaro ng mga barbie nila sa di kalayuan.

Tapos ay hinigit ko sya.

"Shanelle, san tayo pupunta?" tanong nya habang hinihigit ko sya para mag-tago sa may bushes ng park malapit sa kung saan nag-lalaro yung mga nang-away sa akin kanina.

"Shhhhhh!" senyas ko sa kanya at nanahimik sya.

Maya-maya ay narinig namin ang tugtog that means padaan na ang ice cream truck. Nang marinig yun ng mga kalaro ko ay binitawan nila ang mga toys nila at dali-daling tumakbo papunta sa ice cream truck.

"Dali!" sigaw ko kay Sky at hinigit sya papunta sa mga naiwang toys nung mga kalaro ko.

Tiningnan nya lang ako habang pinag-bababato ko ang mga toys na naiwan. When I realized he was only watching me, I gave him one of my playmate's barbie doll.

"Sirain mo!" utos ko sa kanya.

Tinitigan nya ako saglit.

Tapos ay pinag-masdan nya yung laruan.

Then pinugutan nya ng ulo.

He looked at me after that, and I smiled at him. An evil smile flashed across my angelic face.

Then he smiled back at me with a devilish grin.

At simula nung araw na yun.

Sinusunod na nya lahat ng utos ko.

Untitled ♡Donde viven las historias. Descúbrelo ahora