The Secret Coven Book 4: Remember The Urge

6.8K 90 31
                                    

“Stop saying I’m sorry. I don’t want to hear you apologizing to me ever again. I’m taking the blame, not you. I’m the one who’s supposed to say I’m sorry because of the tears that you’ve shed for my sake. Tama nang lumuha kang minsan for me dahil hindi ko na maipapangako na mapapatawad ko ang sarili ko kapag lumuha ka pang muli nang dahil sa akin.”

Chapter 1

 

Candy came out of the Director’s office with a smile, natapos na kasi kaninang alas otso ng umaga ang mga overnight shifts na ibinigay nito sa kanya. Magsisimula na ulit siya sa normal niyang shift dahil dumating na umano from vacation ang isa sa mga nurse na kasama niya.

 

She looked at her watch and found out that it was already eight in the evening, apat na oras lang ang shift niya ng araw na iyon na nagsimula ng alas kwatro ng hapon at mabilis namang lumipas. Now, it’s time to pack her stuff and head home, off niya ng dalawang araw kaya naman magpapahinga siya for the whole two days. She’s a full time nurse at St. John’s Hospital. It was quite near her apartment kaya naman napaka-convenient sa kanya ang maglakad nalang kaysa magdala ng sariling sasakyan. She went  to the locker room to get her stuff. Pagbukas niya ng bag ay napansin niyang may anim siyang missed calls at dalawang text messages mula kina Dhez at Rows. Mabilis niyang tinawagan ang huli para kumustahin.

 

“Ate Rows!” masayang wika niya.

 

“Oh, kumusta Candy?” anito.

 

“Okay naman, kumusta ang baby ninyo?” tanong niya. Isang taon gulang na kasi ang anak nitong si Keiffer. She sat on the sofa and continued the conversation, she forgot that she’s in a hurry to get home and rest.

 

“Okay naman so far. Ayun, hiniram ni Mama tonight. Dadaanan nalang namin iyon mamaya pag-uwi. Oo nga pala, Blue and Kei will accompany me and Dhez to your house later tonight, okay lang ba?” nag-aalangan na tanong nito sa kanya. After hearing the names of the two people who are coming over with her friends ay medyo tumaas ang mga balahibo niya sa katawan. Hindi kasi niya ma-imagine ang dalawang kaibigan na magiging parte ng pamilya ng mga lalakeng hindi ordinaryo ang pagkatao. “Candy… are you still there?” untag ni Rows sa pananahimik niya.

 

“Ahm… okay lang ate,” bigla niyang sagot. Hindi niya magawang tanungin kung bakit dadalaw ang mga ito sa kanya ngayong gabi.


“Don’t think too much okay? Bibisitahin ka lang namin dahil hindi kami pinapayagang umalis ng mga asawa namin ng hindi namin sila tangay,” anito sabay tawa. Nakitawa nalang din siya. She’s doesn’t feel at ease with her visitors tonight, lalu na sa dalawang domineering na lalake na pawang asawa ng mga kaibigan niya.

“Sige ate, I’ll just wait for you then. Nasa bahay na ako ng mga half past eight,” aniya bago ibinaba ang telepono. She sighed afterwards and grabbed her purse. This’ll be a long night.


Nagligpit muna siya ng ilang nakakalat na papeles at mga libro sa bahay. She made sure that her Fifty Shades Collection are out of sight dahil mapupulaan siya ng dalawang kaibigan. She immediately took a shower and changed into her favourite black sweat pants and pink rock and roll t-shirt. Nasa kusina siya at nagpapakulo ng tubig para sa tsaa nang mag-ring ang doorbell niya. Iniwanan niya panandalian ang ginagawa para pagbuksan ang mga bisita niya. Rows is the one who greeted her pagkabukas niya ng pinto, nginitian naman siya ng asawa nitong si Kei. Dhez hugged her and gave her some fruits na galing daw ng Hawaii, Blue gave her a hug as well. Pagpasok ng apat sa apartment niya ay natulala siya. Hindi niya alam kung anong gagawin.

The Secret Coven Book 4: Remember The UrgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon