MUNTIKAN na siyang atakihin sa puso dahil ilang ilaw lang ang umaandar sa floor na iyon at kung may mga studyante sa mga dorms, siguradong tulog na ang mga ito. Mabuti nalang at tao pala ang tumawag ng kanyang pansin.
“Anong ginagawa mo dito?” Si Sam.
“I think Devon’s lost. I’ve been looking for her everywhere and I still can’t find her,” labis ang pag-aala sa kanyang boses.
“Hindi, andoon pa siya sa dorm ko,” biglang nawala ang kaba sakanyang dibdib, “pero parang sober na siya.”
“Oh my gosh…” she quickly rushed to the party. Sumunod naman sakanya si Sam. Baka kung ano ng ginagawa nun, hindi pa naman ito sanay uminom.
Naabutan niya nga itong natutulog na sa couch. Hindi niya alam kung magaalala siya o matatawa sa kalagayan nito.
“You want me to take her down to her room?” offer ni Sam.
“Yea, that’d be great.” Ngumiti siya.
Inalsa ni Sam si Devon papunta sa dorm nito habang nakasunod siya sa likod nito. Ng mailatag na nila ito sa kama at masiguradong maayos na ang sitwasyon nito ay umalis na sila.
“C’mon, let’s head back to the party.”
“Oh no thanks, matutulog na muna ako.”
“Okay, hatid na kita.”
Inaasahan niyang kukulitin siya nitong bumalik sa party ngunit mabuti nalang at hindi yun ang nangyari. Siguro’y isa ito sa mga lalaking hindi makulit kapag nalalasing pero hindi naman ito lasing eh.
“You don’t look drunk,” sabi niya rito habang papataas sila ng kanyang floor.
“Wala sa mood uminom, but I’m a bit tipsy though. How bout you?”
“Naka-tatlong shots lang ata ako,” nakarating na sila sa dorm niya, “Well, here my stop. Thanks by the way.”
“Anytime,” ngumiti ito. Ilang segundo pa itong tumayo sa harap niya parang ayaw pang umalis. “I hope nag-enjoy ka sa mini party ko.”
“You thrown a good one don’t worry.”
“Thanks,” tila natotorpeng hinalikan siya nitp sa pisngi, “I better go now. Good night,”
“Night,” sabi niya sabay pasok sakanyang kwarto.
THE NEXT day, binalak niyang pumunta ng garden to get some fresh air pero hindi iyon natuloy ng makita niyang pinagkaka-isahan si Devon sa may hallway. She tried to squish in through the crowds.
“Hindi ako ang nagsumbong!” narinig niyang protesta ni Devon.
Linapitan niya ang kaibigan na halos mangiyak-ngiyak na sa kapapaliwanag. Sigurado siyang hindi ito ang nagsumbong dahil ayaw nitong makasali sa anumang gulo. Besides, what’s the point of telling? Lahat naman nakisali sa party.
“Okay people, listen up! Do you guys even have proof that she’s the one who did it?” pagtatanggol niya sa kaibigang tuluyan ng umiyak.
“Kase sipsip yan!” sigaw ng isang tao sa na mas lalong nagpaingay sa crowd.
“That wouldn’t be allowed in the court. I need more evident answers people!”
“Julia, tama na. Umalis nalang tayo dito,” bulong ni Devon.
Hinatak niya ito palayo sa mga studyante at dinala sa garden. “I heard it’s more peaceful here,”
Tumango lang ito. Nalulungkot siya sa kaibigan dahil mali naman ang ibinibintang rito. Ginawa niya ang lahat para icomfort lang ito.