“JULIA, bat ka pumayag!?” problemadong tanong ni Devon sakanya ng maikwento niya na rito ang lahat.
“I wanted you to stay,”
“Kahit na,” napabuga ito ng hangin, “hindi mo naman kasalanan kung bakit ako napaalis eh.”
“Kasalanan ko rin yun dahil hindi ka malalasing kung hindi kita pinilit na pumunta. C’mon Dee, napapayag niya na ako. The good thing is hindi ka na aalis,” yinakap niya ito, “ You know what, let’s celebrate!”
“No need. Pero thank you talaga,” ngumiti ito, “and sorry din dahil napilitan ka tuloy na sagutin yung ungas na yun.”
“Don’t worry, kaya ko to and besides kailangan ko rin ng pet para hindi ako masyadong mabored sa school nato.”
“Pilya ka talaga,” humagikgik ito. “So anong plano mong gawin sa relasyon niyo,”
“I dunno, maybe pede naman nating patagalin ng one week. Ewan. Bahala na si batman.”
ALAM na sa buong campus na sila na ni Sam. Kung anu-ano ang naririnig niyang comment ng mga girls tungkol sakanya na kesyo easy to get daw, tas blah blah blah. Trumiple ang pagiging popular niya, pano ba naman she’s dating the president of school’s son.
“Hey baby,” hinalikan siya nito sa pisngi at inilapat ang kamay sa kanyang beywang. Parang gusto niya nga itong tadyakan.
Inalis niya ang kamay nito, “I have to go. Malalate na ako,”
Linagay ulit nito ang kamay sakanyang tagiliran at ngayo’y mas mahigpit, “Ihahatid na kita.”
Pinagtitinginan sila ng mga studyante hanggang sa makarating sila sakanyang klase, kumalas ito at hinawakan nalang ang kanyang kamay, “Sabay tayong maglulunch sa dorm ko, okay?”
Kahit ayaw niya, there’s no point in arguing kaya pumayag nalang siya. May karapatan na ito sakanya dahil girlfriend na siya nito. Nang magbell na ang ring, nagpaalam na ito sakanya at pumasok na rin sila sa kani-kanilang klase.
“Hey Dee,” walang ganang umupo siya sa tabi nito.
“What’s wrong?” nag-aalalang tanong nito.
“Ugh, he is so bossy. Sabi niya sa dorm niya daw kami maglulunch ngayon,”
“On the bright side, pinag-uusapang kayo ng buong school.” Sabi nito,
“Yun nga talaga ang tanging positive effect ng relasyon namin,” natawa siya.
“You know I’m curious, nakailang boyfriends kana Jul?
“I’m very picky when it comes to boys, kaya isa lang ang sinagot ko sa lahat ng nagcourt sakin.” Tumawa ng malakas si Devon, “I’m not joking.”
“Okok,” pinigilan nito ang pagtawa, “bakit ano bang hinahanap mo sa lalaki?”
“Simple, gusto ko yung maabilidad.”
“At sa lahat ng nagcourt sayo wala kang nahanap na maabilidad?” hindi makapaniwala ang tono nito bago tumawa.
“Wala, you know how lazy rich boys are.”
“So mas prefer mo pa ang poor, ganun ba?”
“Well… kind of,” nahihiyang inamin niya.
Hindi napigilang bumitaw ni Devon ng isang malakas na halakhak. Nagblush tuloy si Julia dahil parang pinagtatawanan siya nito.
“May sayad ka rin ano? Ang iba nga diyan kahit matanda pinapatulan basta mayaman tapos ikaw mas gusto mo pa ang mahirap.” Andoon ang pagkadismaya sa boses ni Devon.
