"Love is both strength and weakness"........
I'm a devil but she's an angel
I'm the Beast and she's my Beauty
I'm Romeo and she's my Juliet
She's my everything, My Queen, My Princess.
Magbabago ako ng dahil sa kanya.
.......
"Halika na Dude! Baka hinahap na ako ni Mommy. " sabi ni Kael. Sa gitna ng ingay na ito dinig ko parin ang sinasabi niya.
"Shete! Kelan ka pa naging bading?"tawa ni Kyle.Natawa nalang din kami ni Jasper sa usapan nila.
"Binilin kasi sa akin si Mika. Tss. Bahala nga kayo dyan"sagot pa niya at saka naglalad paalis.
Halika na 'Pre." Tapik ni Jasper sa likod ko. Nilingon ko na lamang sya at tinanguan.
"Oy! Oy! Di pwedeng magpaiwan, magchi-chicks ka lang e" sabi ni kyle sabay tulak sa akin palabas.
Akala naman neto, di ako katulad nya playboy. Tsk!
Nagpatianod nalang ako sa pagtulak nya.
"Bukas nalang sa school" paalam ni Jasper at saka nag fistbump sa amin.
"Ingat."
Sumakay nalang ako sa kotse at saka nag-drive patungong bahay. Nakahiwalay kasi ako ng sasakyan sa kanila.
"Mom" aniya ko sabay halik sa ulo nya.
"Saan ka galing? Anong oras na ha? Sino ang kasama mo?" Sunod-sunod na tanong niya.
Eto na naman tayo. Haayyy
"Kasama ko po sila Kael. Gumimik lang Mom"sagot ko
"Ayan na naman yan! Inom kayo ng inom! Wala na kayong ibang ginawa kundi iyan!" Sabi niya.
Nakita ko naman si Dad na bumababa galing sa office nya. May office kasi sya dito para sa mga paper works nya na hindi natapos.
"Trinity, malaki na iyang anak mo. Binata na iyan, alam nya na ang tama at mali" aniya ni Dad at saka nilambing si Mom
"Nako Ezekiel! Isa kapa! Kinukunsinti mo kasi ang anak mo, kaya ang baba- baba ng mga grades nyan e!" Pagduduro pa ni Mom kay Dad. Natawa nalang si Dad sa ginawa ni mom.
"Tulog na po ako" Iniwan ko nalang silang dalawa dun, tutal naglalambing lang naman si Dad kay Mom.
Binagsak ko na lamang ang katawan ko sa kama ko at saka ako pumikit. Inisip ko nalang ang mga sinabi ni Mom kanina.
Totoo naman si Mom, Mababa talaga ang grades ko. Pumapasok naman ako pero minsan cutting classes lang o di kaya ay tambay ang nangyayari kapag boring ang subject at teacher.
Hayyy
Bukas, panibagong taon na naman ng kalokohan namin. Panibagong taon na naman ng puno ng ka-boringan. Sana lang may magandang mangyari sa kinabukas. Magkaroon na sana ng Thrill ang pasukan.
Tuluyan na akong hinila ng kadiliman
-ImaAvantika💕
YOU ARE READING
Invisible Crown
Teen FictionSi Celestine Gail Rivera isang tipikal na Highschool student. Nagiisang Babae sa isang kilalang pamilya. Paano kung ang isang Happy Go Lucky, sweet at mapagmahal na Babae ay makilala ang isang Lalaki-si Tristan Kiel Alfonte na ang tanging hanap lama...