Chapter 9

2 1 0
                                    


The usual Him

____________________________________

Kyle's POV

Pagkamulat ko ng mga mata ko, akala ko nasa langit na ako, or even sa ospital?

Ang clichè. L*ch*ng buhay to.

"Ang liwanag naman." Reklamo ko.

"Nasaan ba ako? Kinukuha mona ba ako Lord?" Nagulat nalang ako ng mawala ang liwanag.

"Tapos ka na sa pagpapantasya mo? G*ga hindi ka kinukuha ni Lord at lalong hindi si Lord ang kukuha sayo." Sabi nito.

"Ate naman, ang epal mo parin." Aniya ko sabay tawa.

"Anong epal? Kinima pa kita ginigising! Anong oras na Kyle! Baka gusto mong bumangon mahal na prinsepe?" Sarkastikong sabi nito.

"Oo na, oo na." Pagsuko ko.

Nakakaisang galaw palang ako, naramdaman ko na agad ang bigat ng ulo at katawan ko. Lalagnatin pa yata ako.

"Uh! Ang sakit."

"Inumin mo to." Sabi ni ate. At binigay ang paracetamol sa akin. "Iinom ng marami, hindi naman pala kaya."

"Kaya ko kaya!" Bulalas ko.

"Oo, kaya pala nagpasundo pa ako sa driver natin para buhatin ka dahil hindi kita makausap sa kakaiiy-" bitin na sabi ni Ate at napaiwas ng tingin.

Ba't ganon? Ang weird.

"Luto na yung pagkain, bumaba kana pagkatapos mong makapaglinis ng katawan." Sabi nito at diretsong lumabas ng kwarto ko.

Teka kwarto ko?! Paano?

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuhan ng hinihigaan ko. It's my room. Paano ako nakarating dito? E diba nasa bar ako kasama sila-

'F' kagabi pala yun nangyari.

Napabuntong hininga nalang ako at dahan-dahang naglakad patungong banyo. Hinayaan ko namang dumaloy ang malamig na tubig sa katawan ko.

***

"San punta mo Kyle?" Tanong ni Ate ng makitang bihis na bihis ako.

"Dyan lang." Sagot ko at nagtungo na sa pinto.

"Umuwi ka ng maaga!" Narinig ko pang sigaw ni Ate bago ako pumasok ng sasakyan.

Pagkarating ko sa 'Hard Rock' kung saan parati kaming tumatambay, ay agad ko naman silang natanaw sa second floor.

Dali-dali naman akong nagtungo roon. "Dude! What's up!" Bati ko sa kanila at isa isa silang inapiran.

"Kumusta?" Bati ni Kiel.

"Gwapo parin." Sagot ko bay pogi sign.

"Upo ka muna." Abot ni Jasper ng upuan. "Anong nangyari kagabi?"

Sabi na e, ito talaga ang dahilan kaya nila ako pinapunta dito.

"Di ko alam na chismoso pala kayo." Ngisi ko.

"Come on, Dude!" Aniya ni Kael.

Napabuntong hininga naman ako at kinuha ang inabot na 'shot' ni Jasper bago ko sinimulan ang kwento ko sa kanila.

"Kagabi, nag-away kami, tapos-"

"Cut it Bro. Alam namin yang part na yan." Singit ni Kael.

"Nagsigawan at nagkasagutan. Alam nyo naman ang nangyayari pagnagaaway kami e." Sabi ko.

"Tapos?" Tanong ng kanina pang tahimik na si Jasper.

"Tapos? Tapos." Sagot ko sabay ngisi.

"Wag kang pilosopo." Sabi ni Kiel saka ako binato ng shot glass. Buti nalang nasalo ko. Kung hindi magbabayad pa ako. Naknang!

Invisible CrownWhere stories live. Discover now