New Friends
_____________
Celestine's POV
Nahihiya parin ako sa nangyari kanina sa laro ni Ma'am. Naman kasi eee! Pwede namang hayaan nalang nya kamaing makipagkilala sa mga classmates namin, hindi tuloy sana yun nangyari. Feeling ko talga namula ako dun! At si Van! Eto tinatawanan lang ako! Hmp! Kakainis! -_-
Nagpaalam kasi si ma'am na half day lang kami dahil first day palang naman daw. Bukas nalang daw magsisimula ang regular class at proper introduction per subject. Kaya eto kami papapunta sa Cafeteria.
"Van, sure ka bang alam mo ang pupuntahan natin?" Tanong ko. Malay mo naman kasi hindi nya pala alam kasi hindi naman namin to nalibot nung nag enroll kami.
"Oo nga! Celestine Gail! Napakakulit mo! Pang ilang tanong mo na ba yan?" Sabi ni Van na naiinis. Inis na nga yan, buo na pangalan ko e.
"Pupunta lang muna ako ng CR. Samahan mo ako." Aniya nito at saka ako hinawakan sa kamay upang sabay kaming tumungo sa Comfort Room.
Pagkarating naman namin sa loob ay agad syang dumiretso sa isang cubicle. Dumiretso naman ako sa sink at doon tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. Hindi nam kami ng tagal sa loob at pumunta na ng Cafeteria. Pumila agad kami ni Van para maka-kain na.
"Gail, anong gusto mo?" Tanong nya habang nasa counter.
Tingnan ko naman ang mga list ng pagkain nila. Masasarap at kumpleto rin. Kaya lang busog pa ako.
"Shake nalang ako Van, yung Chocolate" sagot ko sa kanya at saka inabot ang bayad.
"Treat ko." Napangiti naman ako. Ganyan talaga si Van, mabait, maaalalahanin, pero mataray yan. Kung minsan pa nga e, sinusumpong yan ng sakit nya!
"Thank you" sabi nya sa counter.
"Oh." Inabot naman nya sa akin ang Chocolate shake ko. Kaya kinuha ko nalang ito at nagpasalamat.Umupo kaming dalawa sa table malapit sa bandang dulo. Refreshing kasi yung view dito. Ang wall kasi jnito ay made up of glass kaya tanaw na tanaw mo ang kalawakan ng field at bleachers. Well-ventilated rin ito dahil sa pinakataas ay ng wall ay open, kaya malayang nakapapasok ang sariwang hangin.
I love the scene. Napangiti nalang ako.
Click!
Napalingon naman ako kay Van na ngayon ay nakatingin sa cellphone nya.
"Look at you, ang ganda. Stolen" pinakita naman nya sa akin ang picture ko. Yeah! Maganda nga ito dahil nakangiti ako habang nakatingin sa kalawakan ng field.
May bigla namana akong naalala.
"Van, nood tayo ng sine maya. Available ka?" Tanong ko.
"Great Idea! Pero umuwi muna tayo bago pumunta sa Mall." Sabi nya. Napatango tango nama ako.
Kinuha ko naman ang cellphone ko at tinext si kuya.
To Kuya Louisse:
Call me kuya when you receive this message :)))"Tinext mo si Kuya Louisse?" Tanong niya.
" Yeah. Para alam ni Kuya, sa kanya nalang ako magpapaalam" sagot ko.
Matagal-tagal din kaming nagusap ni Van about sa experience nya kela Tita Ivonne at Titi Ian. Nagakakatuwaan kami dahil sa mga kalokoha nila.
"Nako! Kung alam mo lang, Gail! Gusto akong lagyan ni Mommy ng make-up! Guato yata akong magmukang clown e" sabi nya na pinipigilan ang tawa.
YOU ARE READING
Invisible Crown
JugendliteraturSi Celestine Gail Rivera isang tipikal na Highschool student. Nagiisang Babae sa isang kilalang pamilya. Paano kung ang isang Happy Go Lucky, sweet at mapagmahal na Babae ay makilala ang isang Lalaki-si Tristan Kiel Alfonte na ang tanging hanap lama...