Chapter 1

11 1 0
                                    

Dati palagi kong naiisip na paano kaya kung magkagusto ako sa nakakatanda sakin. Mas matured kaya silang mag isip? Magkakasundo kaya kami?  Sa edad kong bente singko, hindi ko aakalain na magkakagusto ako sa nakakatanda sakin ng limang taon. 30 years old na siya. Nagsimula iyon ng magchat siya sakin nung gabing nagmumuni muni ako.

"Musta? Akala ko asawa ka ni kuya Darren mo?"

Yan ang kauna-unahang chat namin ni Euwan.

Si Euwan kaklase ni kuya Darren nung highschool sila at nasa elementarya ako. Naalala ko lagi akong nasa room nila kapag nag bebreak time kami. Nakikigulo at pinapayagan naman ako ng adviser nila na makigulo. Hindi naman ako nagtatagal. Sadyang makulit lang talaga ako nung mga panahon na iyon.

"ok naman ako. Kamusta? Pinsan. Pinsan po ako ni kuya Darren. Hahaha"

Ayan ang unang reply ko kay Euwan. May PO dahil kuya kuyahan ko na sila kung tutuusin.

"yeah! Pinsan ka ni ren."

Ako nga pala si Ivana. Makulit. Go with the flow lang ako parati. Kung saan man yayain ng barkada sige lang ako. Kung anon meron, doon lang ako. Maingay kung minsan at higit sa lahat sobrang kalog. Masiyahin ako kaya madalang akong makita ng mga kaibigan ko na malungkot. Mahahalata mo na sa akin kung may problema ako.

"Ako yung makulit na bata na palagin nagpupunta ng room niyo." Masayang sabi ko kay Euwan.

"naalala kita pero promise akala ko talaga girlfriend/asawa ka ni ren. Balita sayo?"

Si kuya Darren kung tawagin ay Ren ng mga kaibigan niya. Pinsan ko. Madalas napagkakamalan kaming mag jowa dahil sa closeness namin dalawa. Madalas rin na kasama ko siya sa mga lakad ko at party na inaattenan niya. Yung mga tropa niya kasi nagiging kaibigan ko na rin.

Si Euwan. Classmate niya nung elementary to highschool. Kaibigan ko sa facebook. Hindi naman talaga kami nagkakausap sa facebook pero hindi ko lang alam kung bakit mapaglaro ang tadhana.

"hala! Bakit mo naman naisip iyon?" Tanong ko sa kanya.

"hindi ko rin kasi namemeet yung girlfriend ni ren. Basta akala ko talaga ikaw yung girlfriend niya. Kanina ko lang nakita yung picture mo."

"aah. Masyado akong maganda para maging girlfriend ni panget. Hahaha 😂 kamusta po? Palagi kang naikwekwento sa akin ni kuya ren. Palagi raw siya sa inyo noon. Nag iinom hahaha"

"ok naman ako. Napag iiwanan na. Lahat sila may anak na. Lol 😂 parang kapatid ko na yan si kuya ren mo."

"mukha ngang magkapatid na kayo. Kulang na lang sa inyo na siya tumira. Hahaha palagi siyang pinagsasabihan ng mom ko. Like saan ka na naman galing? Nag inom ka na naman? Hahaha mga lines ng mom ko."

"hahahahahaha 😂 wait ha. Natawa ako sa sinabi mo. Hahaha langya ren yan. Hahaha sinusumbong mo naman yata si kuya ren mo eh."

"hindi no. Hahaha sasabihin kasi ni kuya ren na kala euwan. Nag inom. Hahaha o kaya kala euwan birthday ni ganito tapos sasabihin ng mom ko. Parang palagi na lang may birthday doon ha. Hahaha"

"seryoso? Ako talaga ang tinuturo niya na kasama niya?"

Natatawa ako habang binabasa ko reply niya. Pakiramdam ko kasi nakikinita ko yung reaction ng mukha niya.

"oo nga pero hindi naman galit si mom kasi alam naman niya na dyan talaga siya galing sa inyo." Pagpapalusot ko.

"gagi. Kakahiya baka kasi isipin ni mommy mo na bad influence ako."

"hahaha hindi ha. Buti nga iyon para hindi siya nakatambay sa shop magdamag."

"yun na nga eh. Baka everytime na pinagagalitan ng mommy mo si ren, sinasabi niya na ako kasama kahit hindi." Pag aalala niyang sagot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BAKIT BA IKAW?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon