UNEDITED >.<
~~~.~~~'~~~.~~~'~~~
Vaughn's Point Of View"Hmm.." Narinig kong gumalaw na yung babae at umungol. Mukhang nagigising na sya.
By the way, I am Vaughnrie de la Cuesta.. Or that's what they call me. Nakita ko 'tong babae sa gitna ng kalsada habang nagmamaneho ako kanina. As in, sa gitna talaga ng kalsada! Imagine that? Ugh. Napano kaya sya? Eh, unang tingin ko pa lang sa kanya, eh, yayamin na. Maputi. Yung kasingputi ng mga koreana, in short alaga ang skin. Tapos yung eye lashes nya parang nilagyan ng fake lashes sa taas at sa kapal nito. Yung ilong nya tama ang pagkakatangos, di gaanong matangos na halos pangit nang tingnan at syempre hindi pango. Tapos alam nyo yung lips nya? Red lips sya. Akala ko naglagay lang ng kaunting red matte lipstick pero nung pinahiran ko wala naman. Pero may pinakanapansin ako, eh. Yung kilay nyang siguro araw-araw inaayusan ng make up artist sa ka-perfekan. Kilay is lyf sya, mga teh. In short, dyosang gusgusin. Kasi naman yung suot nya.. She was in rags back there!
"Bakit nandito ako? Anong ginawa mo sa 'kin?" Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang makarinig ng boses ng babae. Malamig at pawang pagod."Ahm.. Hello. Kaya mo na bang maupo?" Pag-iiba ko sa usapan. Para kasi syang naguguluhan at hula ko ring maraming nakatambak na tanong sa isip nya. Hindi ko man lang sya nabakasan ng pagkatakot at pagkaparanoid. Syempre, ikaw ba naman ang mapunta sa isang napakagandang kwarto at makakita ng isang dyosa, aakalain mo sigurong patay ka na.
Bigla syang naupo at napasapo sa ulo.
"Why am I here, again? What did you do to me?" Wow, English. Hmp! Sana manlang nagka-utang ng loob sya. 'Di nya ba alam na ako yung supergirl nya? Ansama. Pero wala siguro syang maalala kaya nagkakaganito siguro sya.
"Nandito ka kasi ako lang naman yung tumulong sa 'yo dahil nakita kita na nakahilata nalng sa gitna ng kalsada. Alam mo bang kapag hindi ko yun ginawa baka mapahamak ka na? At wag kang assuming na may ginawa ako sa 'yo. Straight ako, 'no." Mahabang paliwanag ko dito. Sya naman napakunot noo lang.
"Sino ka?" Tanong pa nito. Taas noo ko naman syang tiningnan at nginisihan. Dapat ganito para alam nyang isa akong kataas-taas. Muwahahahahaha!
"I am Vaughnrie de la Cuesta--"
"Do you know who I am?" Napatigagal ako sa kanya. As in napatigagal talaga! Kasi naman! Hindi nya na nga ako pinatapos sa pagpapakilala tas itatanong nya pa sa 'kin kung sino sya? Oh my Vaughn, "I guess you don't, either." Wait, either? Ibig bang sabihin nun ay hindi nya rin kilala kung sino sya? Kaya nya ba tinanong kung kilala ko sya?
"Wala ka bang maalala?" Tanong ko rito. Tiningnan nya lang yung kamay nyang nakakurot sa kanyang isa pang kamay. Maybe she's trying to completely wake herself up so she can remember something. Ang cute nya lang!
"I can't remember anything." Diretsong sagot nito matapos ang ilang nakakabinging minuto. Hmm.. Ipapatira ko ba sya dito sa bahay? Eh kasi naman, eh! Nakakaawa, "I'll go, now. Nakakahiya na dito sa pamamahay mo." Rinig ko mula sa kanya saka sya nakitang bumaba na sa kama ng guest room namin.
"Ah, sandali." Tawag-pansin ko rito nang akma na nyang bubuksan ang pinto para makalabas. Tiningnan nya naman ako. Grabe, kanina ko pa napapansing wala syang emosyong pinapakita. Para syang robot, "Kung dito ka nalang kaya magpalipas? Gabi na, oh. Maaari rin kitang tulungan na hanapin yung mga magulang mo." Nakangiting sambit ko pa rito. Kumunot yung noo nya na parang inaanalyze pa yung sinabi ko.
Mabait ako, I know. Haha thank me!
*Blag!*
"Oh my Vaghn! Dana! Dana, come here this instant!" Natatarantang sigaw ko tsaka nalng bigla sumulpot si Dana sa gilid ko. She's my helping fairy. Sa susunod ko nalng ipapaliwanag, yung babae kasi biglang nahimatay!
"Lady Vaughnrie." Saka pa ito yumukod. Pinakarga ko kagad sa kanya yung babae at pinabalik sa kama. Ano ba yan! Palagi nalng syang nahihimatay, "Lady Vaugnrie. Mas mabuti po siguro kung ako nalng po muna yung magbabantay sa kanya. Mukhang may malubha po syang karamdaman kaya susubukan ko iyong alamin." Mahabang litanya nito na ikinatango ko naman. Lumabas ako ng kwarto at napabuntong hininga.
Isa lang ang masasabi ko, she's so mysterious that I wanna know more about her.
"Vaughn! Mabuti't narito ka na!" Narinig ko ang boses ni lola na natataranta kaya agad ko syang binalingan. Gamit ang bilis ko, tumakbo ako papalapit sa kanya.
"La, ano 'yon? You look frightened." Alala kong tanong rito. Bumuntong hininga sya bago nagsalita.
"Kiel, again. Ayaw nanaman nyang sumunod sa akin. Anong oras na ngayon ng gabi at 'di pa sya nainom ng dugo. Nag-aalala na ako dahil baka humina ang batang iyon." Pagsusumbong ni lola sa akin habang napapasapo sa noo. Naku, kapag siguro may dugo 'tong lola ko nuon pa 'to na-highblood! Yung batang 'yun talaga!
"Sige na po, La. Ako na dun sa pasaway na batang 'yon." Sabi ko rito na ikinatango lang rin nito.
"Magdidilig lang ako ng mga halaman kapag may kailangan kayo, ha." Tinanguan ko lang si lola nang ginamit ko nanaman ang bilis ko para makapunta sa rooftop. Kung saan palagi nagliliwaliw ang bunso kong kapatid.
Nagtataka ba kayo kung bakit nagdidilig ng halaman sa gabi ang lola ko? Kasi para sa amin, umaga ang gabi. Pero umaga pa rin naman para sa amin ang umaga. Yun nga lang pinakamalakas kami pagdating ng gabi. Siguro alam nyo na kung ano kami, 'no? Yep, we're vampires. At kami ng pamilya ko ay usual na natutulog tuwing 3:00am na ng madaling araw, at nagigising ng para mga tao sa tuwing mag-a-alas singko. Lol, 2 hours lang yung tulog namin pero ni hindi pa kami nakakaranas na magka-eye bags.
"Kiel? Kiel." Tawag ko rito nang makita ko ito sa pinakagilid na ng rooftop nakatayo. Palagi lang syang nandito, pati nga rin sa pagtulog dito pa rin. Ewan ko ba kung ba't naging ganito ang bunso naming kapatid. Dahil siguro ito sa pagkamatay ng mga magulang namin, na dito rin sa rooftop nila dinanas.
"Hay, Kiel. Miss mo na ba sila?" Tawag-pansin ko parin dito at lumapit sa kanya. Pero ang nangyari, umalis tuloy sya sa pwesto nya ng walang imik at bumaba na ng rooftop. Kahit alam ko kung anong hinanakit ang pinagdadaanan ng maliit kong tukmol na kapatid, ang sarap nya paring ibalibag! Wag kayo, ha. Baka 'di nyo lang naranasang magkapatid kaya ganyan kayo kaawa sa kapatid ko.
Pinoproblema ko na ngayon si Kiel. Sa ka-limang taong gulang nya pang bata ay naranasan nya na ang maging ganun sa ibang tao. Maging malamig sa mga ito na sa puntong hindi nya kailanman kami kinilalang pamilya, kami ni lola. Except lang dun sa isa ko pang kapatid na tukmol rin na pinagmanahan siguro ni Kiel sa lamig. Pero trust me, mas halimaw yun.
Bumaba ako ng rooftop. Dumaan ako sa kitchen at tama nga yung hinala ko, uminom na ng dugo si Kiel. Mabuti naman. Siguro iche-check ko na rin ang babaeng nakita ko sa daanan kanina.
Though, may isa pang bumabagabag sa akin tungkol sa kanya, she's definitely not a human, pero sa tingin ko hindi rin sya bampira. I don't know! Feel ko talagang hindi sya tao, pero yung hinala ko sa kanyang bampira rin sya ay hindi naman rin tama. Hm..
![](https://img.wattpad.com/cover/127640682-288-k898934.jpg)
BINABASA MO ANG
Vampire's Tale: Reawakened
VampireBampirang pinakaunang nabuhay. Ngunit hindi pinagpala ng malakas na kapangyarihan kagaya ng kanyang pamilya, ang kanyang mga kaibigan na noo'y nakasabay nyang nabuhay sa mundong kanilang ginagalawan. Taglay ng mahinang kapangyarihan, nagnais syang m...