Chapter Two

206 6 0
                                    

UNEDITED



~~~.~~~'~~~.~~~'~~~




Vaughn's Point Of View

*tok tok tok*

Kinatok ko ang pintuan pero ang tagal bumukas kaya ako nalng ang bumukas. Siguro naman tapos na si Dana sa pinaggagagawa nya.


"Lady Vaughnrie, gising na po sya. Sinubukan kong basahin ang kanyang memorya ngunit merong pumipigil sa akin para gawin yun." Nakayukong saad nito na ikinatango ko lang. I flicked my hands at bigla nalng syang nawala, creating little pink smokes in th air. Binalingan ko 'yong babae.


"Hello. Okay na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko rito. Hindi ko rin maiwasan na mag-alala para sa kanya. Hindi naman kasi ako isang taong parang hindi isang tao. Gets nyo? Ganun kasi yung isa ko pang kapatid. Bampira pala, hehe.


I was starstrucked. Napakaganda nyang ngumiti. Nakakatibo, "Uh, oo. Pasensya na talaga sa abala, ah?" Saka ko sya nakitang umupo. Malamig ang boses nya pero masarap pakinggan, "Tsaka.. Totoo ba 'yong sinabi mo? Yung papatuluyin mo 'ko dito at tutulungan mo 'kong hanapin yung mga magulang ko?" Tanong pa nito. Tumango ako pero ramdam ko pa ring nakanganga ako. Dun lang ako natauhan nang tumawa sya. Anghel 'to, mga tol!


"Sorry hehe. Ang ganda mo kasi, eh!" Di ko na napigilan ang bibig ko at naibulalas 'yon. Sya naman parang wala lang. Ay, sanay?


"Ah, haha. Ikaw si Vaughnrie de la Cuesta, 'di ba?" Tumango ako. Kumunot yung noo ko nang makita ko syang nag-abot ng kamay sa akin.


"I am Vincenth Whyte." Todo nganga pa rin ako habang nagshe-shake hands kami. Abugh! Akala ko ba hindi nya maalala yung pangalan nya?! Eh yung memorya nya, bumalik na ba? Successful siguro si Dana sa pagpapagaling sa kanya, "Mali ang iniisip mo. I just named myself. Hindi pa naibabalik ang memorya ko, unfortunately." Malungkot nyang pagkakasaad. Hm..


"Nice to meet you, Vincenth-- Teka, teka. Ang boyish naman ng Vincenth! Wag yun! Iba nalng, ako mag-iisip." Nilingon nito ang both sides nya na parang nag-aayaw, "Sige na nga lang. It's your life." Naka-pout kong sabi. Sya naman napatawa lang.


"Salamat, Vaughnrie--"


"Nu-uh! Just call me Vaughn for short. Hihi." Putol ko sa kanya. Binigyan ko naman sya ng sign na, 'go-na-pagpatuloy-mo-pasasalamat-mo'.


"Salamat, Vaughn. Dahil hinayaan mo akong patuluyin rito. Tapos may plano ka pa talagang tulungan ako. Ano bang pwede mong pagawin sa 'kin para masuklian ko ang pagiging mabuti mo sa 'kin?" Nag-isip ako. Wala naman akong planong pagbayarin sya tutal ako rin naman ang nagdesisyong tulungan sya. Pero.. Hmn..


"Okay lang ba na papabantayan ko sa iyo ang bunsong kapatid ko? Pasaway kasi 'yun, eh. Kinakailangan pa ng bantay hehe. Pero wag kang mag-alala, I'm not taking advantage of you. Papatuluyin kita dito, sabay tayong mag-aaral sa paaralang pinapasukan ko, free yung pagkain mo, tuition mo, and more." Mataas kong sabi rito. Totoo yon. Atsaka di ko rin naman kailangang mag-alala sa pera dahil piso pa lang yung tulong ko sa kanya.


"Totoo ba 'yan, Vaughn? Are you really serious?!" Masayang wika nya sa 'kin. Tinusok-tusok ko naman yung tagiliran nya. Kasi naman, grabe maka-English. Parang galing ibang bansa dahil sa kanyang accent.


Vincenth's Point Of View

"Totoo ba 'yan, Vaughn? Are you really serious?!" Masayang wika ko sa kanya. Bigla nalng nyang tinusok-tusok yung tagiliran ko kaya napapaiwas ako sa kanya.


"Ikaw, ha. San ka ba kasi galing, babaita ka? Yung English mo kasi parang pang-ibang bansa. May accent ka rin." Napaisip ako sa sinabi nya. Ewan ko ba! Wala akong maalala tungkol sa past ko. Mukhang yung ala-ala ko ay nagsimula lang kanina dito, "Ay, sorry hehe. Wala ka pa palang alaala." Naka-peace sign nyang paumanhin. Nginitian ko lang sya.


"Okay lang. Sana maibalik sila. Nga pala, Vaughn. Paano pala kung.. Hindi na sila mababalik?" Malungkot kong saad dito. Napapitlag ako nang bigla nyang tinama ang braso nya sa braso ko. Ansakit, ha!


"Ang nega mo, girl! Tara pakilala kita sa labas!" Tumayo sya at bigla nya nalng akong hinila sa kamay. Kaya ang resulta, napabalikwas ako sa kama at napatayo rin. Hayop 'tong babaeng 'to. Ang sadista, "Teka, kaya mo na ba?" Tumango ako at napatingin sa suot ko. Mukhang ky Vaughn ata 'tong damit.


"Dyan ka pa nagtanong, eh nahila at napatayo mo na 'ko." Taas-kilay kong reklamo kaya napa-peace sign sya ulit. Bigla nanaman nya akong hinila kaya nagpaubaya nalng rin ako. Lumabas kami at hindi ako magkamayaw sa kahabaan ng hall sa labas bago ka pa makababa sa hagdan.


"Oh, Vaughn? Sino 'yang dala mo?" May nakita akong matanda pagkababa namin. Nakasuot ito ng bestidang puti pero ang breast out paring makatayo.


"Lola, meet Vincenth Whyte. I wanna welcome her to the family." Sagot ni Vaughn. Lola nya pala ito? Nakakahiya naman.


"Vincenth, apo. Welcome." Tanging sinabi nya at hinawakan ang kaliwang mukha ko. Para syang totoong lola ko. Ang sarap sigurong magkaroon ng pamilya, ano?


"Sige, La. Ipapakilala ko sa kanya si Kiel." Kiel? Sino naman 'yon? Baka naman yung sinasabi nyang bunsong kapatid nya? Siguro yun na nga. Excited rin akong makilala ang aalagaan ko. Siguro ang cute nun! Sabi rin kasi ni Vaughn na pasaway, bata, at nangangailangan pa ng bantay. Kaya sigurado akong bata nga 'yon.


"Kiel? Kieeel. San ka ba?" Rinig kong tawag nitong si Vaughn. Para rin syang bata kung tutuusin. Haha, "Ah, ayun." Sabi nito sa sarili at tinuro gamit ang isa nya pang kamay. Sinundan ko naman kung saan sya nakaturo at nagulat sa nakita.


May batang nasa pinakagilid nitong rooftop! Baka mahulog, patay tayo nito!


Tumakbo ako papunta dito, not minding what Vaughn is screaming. Jusko, napapabayaan na nga 'to!


"T-teka bata, okay ka lang? Mahabaging Diyos, wala ka bang yaya or something?" Dada ko rito habang pinupunasan yung mukha nya kahit wala namang pawis. Napakalamig nya na halos para na syang bangkay! Siguro dahil ito sa takot.


"Vincenth? How, amazing! Nakayanan mong ganyanin si Kiel!" Sigaw nanaman ni Vaughn habang nakaturo sa mga kamay kong ang kaliwa ay nakahawak sa kaliwang braso ng bata na tinatawag nyang Kiel, at ang kanan naman ay patuloy sa pagpupunusan sa noo nito. Para lang akong nanay.


"Jusko naman, Vaughn! Yung kapatid mo, oh! Walang bantay na nakatayo rito sa gilid ng rooftop! Napakababaw pa naman ng railings nyo rito!" Sermon ko. Teka nga, para namang nagnananay-nanayan ako sa dalawang magkapatid na ito.


"Hehe, sorry. Tara, dun tayo sa loob." Aya nito. Tumango naman ako, "Kiel, tara. Sa loob tayo." Aya naman ni Vaughn ky baby Kiel. Ang cute nya kasi, eh. Hihi. Pero nakita ko lang itong tinitigan si Vaughn. Parang walang balak pumasok at sundin ang ate nya, "U-uhm, Vincenth? Tulong naman, oh."


"Kiel, baby. Tara pasok tayo sa loob? Samahan mo ako." Umupo ako at punantayan sya. Nakita ko naman syang tumango kaya tumayo na rin ako at hinawakan ang kamay nya, "Pumayag na ang bata." Saad ko ky Vaughn na nakanganga pero nauna namang pumasok. Problema ng babaeng yun?

Vampire's Tale: ReawakenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon