Your forever.

3 0 0
                                    

Mahirap ang buhay kelangan pang magtrabaho ng maigi para mabuhay, hay nako, kung bakit kasi di ko natapos pagaaral ko, pero wala rin akong magagawa dahil kulang ang pera ni inay kaya heto ako, highschool grad lang.

Hi! Ako si Jenna Grace! Pero Jen nalang tawag niyo sakin, masyadong mahaba yung Jenna eh. Hindi ako tunay na anak ni inay, ang totoo niyan inampon lang niya ako, nakita lang daw niya ako sa hotel na dating tintrabahuhan ni inay, janitor kasi dati si inay roon. Labingwalong taong gulang na ako ngayon at naghahanap ako ng trabaho para makatulong kay inay, dalawa kaming anak niya yung isa si Jenina pero totoo niyang anak yun kay tatay pero patay na siya, kahit na di ko tunay silang pamilya eh di naman sila nagkulang ng maganda pakisama sakin, sobrang bait nila sakin.

Saglit akong napadaan rito sa karinderya ni tiya Rita kasalukuyan ko silang naabutan na nagbabangayan ni tiyo Edgar, asawa niya.

"Rita naman, sayangang kikitain dun, Montemayor yun! Mayaman!, Bigatin!, Rita naman! Personal assistant ka lang naman ng anak niya." ani tiyo Edgar.

"Ano ka ba Edgar? Maayos na ang kita rito sa karinderya natin! Ano pa ba ang kulang? Napapagaral natin sina Kikay ayos na yun! Ayaw ko magtrabaho sa mga Montemayor lalo na't masyadong masama ang ugali ng anak nun!"

"Rita ayos sakin ang kita ng karinderya dito ngunit ako'y mapapahiya kay kumpare! Nangako ako na may ipapasok ako dun! Alam mong nagtatampo agad si Patrick pag binibigo siya."

Dahil sa pagka-curious ko sa pinaguusapan nila ay naki-singit na ako.

"Magandang araw ho, tiyo, tiya, ano ho bang problema ninyo at ke-aga aga ay may away agad kayo?" pambungad ko sakanila ng mat ngiti.

"Oh yan! yan si Jen ang ipasok mo roon tutal mas kailangan nila ang pera at masipag ang batang 'yan" tiya Rita.

"Ayun ay kung papayag siya... Teka Jen papayag ka ba?" tanong sakin ni tiyo.

"Ano ho ba ang gagawin roon?" tanong ko.

"Aba't magkakatulong ka lang naman sa mga Montemayor at ang alam ko ay nagpapaaral yun ng mga hindi nakapagtapos na katulong nila, mataas rin ang sweldo nun ija, alam ko namang kilala mo ang mga Montemayor, hindi ba? Kaso nga lang may pagka----" hindi na natapos ni tiyang ang sasabihin dahil pinutol na ito ni tiyo.

"Aba maganda yun pumasok ka na agad Jen hayaan mo at bukas ay isasabi agad kita kay komapareng Patrick" sabi ni tiyo habang pinandilatan ng mata si tiyang.

"Ah oo tama Jen, maigi na yan para makatulong ka na sa magulang mo at makakapagtapos ka pa, yun lang ay kung di ka maglilisik sa mga bagay bagay." sabi ni tiya.

"Akin na ang number mo Jen nang maitext ko sayo ang detalye ng papasukan mo." inilabas ko yung nokia 3310 ko at ibinigay ko naman agad kay tiyo ang number ko saka ako nagpasalamat at nagpaalam na umalis.

Isang malaking biyaya 'to! Mukhang di ko na kailangan magpainit para lang maghanap ng trabaho, uuwi na ako agad.

Mag-aalas singko na pala, nagsaing na ako at nagluto ng ulam dahil maya-maya ay uuwi na sila inay galing palengke at si Jenina galing paaralan, grade 8 palang siya.

Maya-maya ay nakauwi na rin sila at nagsimula na kaming maghapunan.

"Kumusta araw mo ngayon Jenina? Kumusta aral?" nakangiting tanong ko sakanya.

"Maayos naman po ate..." sagot niya sakin, ako lang ba ang nakakaramdam na parang ang lamya niya? Pinabayaan ko nalang ito at muling nagsalita.

"Inay, nakahanap na po ako ng trabaho, malaki raw ho yung sweldo dun at nagpapatapos sila ng mga katulong nila na di pa tapos mag-aral." nginitian ako ni inay at tumango.

"Hindi niyo ho ba ako tatanungin kong ano at saan ang trabaho ko na iyon?"

"Hindi na hangga't matino iyon at hindi pagbebenta ng illegal." sabi niya.

Tumango lang ako. Maya maya't nagsitayuan na rin kami at pumunta sa kanya-kanyang kwarto para magpahinga.

Nahiga na ako sa kama ko at nagisip. Ito na yung pangarap ko, makapagtapos at makatulong kay inay di ko na sasayangin ito.

--

Forever Yours.

Forever na di matuloy tuloy?!Where stories live. Discover now