Julia Chang Point of View;Nandito na ako sa parking lot ng mall, kakarating ko lang din. He texted me na nandoon na rin daw sya sa loob.
Tumungo ako sa restaurant na sinabi nya kanina sa text. Nakita ko agad sya na kinakawayan ako, kaya pumunta ako patungo sakanya.
" Maganda parin.." He said.
"Hmm...S-salamat.." I said, he smiled.
" Oh by the way, I already ordered foods. No worries, libre ko yan. Lets dig in?" He said, tumango naman ako.
Habang kumakain kami, wala ni isang nag tangkang magsalita. Hindi ko tuloy maiwasang tumingin sakanya, he didn't change. Gwapo parin, tapos gentlemen and I hope hindi na sya gago.
" Why are you staring at me?" Nakangiting tanong nya sa akin, agad kong iniwas ang paningin ko.
" Ah ano..May tatanungin sana ako sa'yo. Hmmm, ano bang pag-uusapan natin? may problema?" I asked.
" Nope, I just wanted to see you and I want to invite you also sa party." He said.
" Oh really? kailan ang party?"
" Sa friday. You can bring your whole family if you want to." He said.
" I see. Susubukan ko opening kasi ng store ko dito sa mall. Mamaya ipapakita ko sa'yo ang store ko." I said.
" Oh. Congrats in advance." He said and smile, ngumiti narin ako. Dumungo ako uli para kumain na rin.
" Julia, can we still be friends?" Napatigil ako sa pagkain ng dahil sa sinabi nya.
F R I E N D S ...
Bakit friends lang?
Honestly, may parte sa akin na nanghihinayang ako sa sinabi nya. Maybe, hindi na nya ako gusto, gusto nya lang talaga akong maging kaibigan.
" S-sure.." Nasabi ko nalang
To be Continue..
BINABASA MO ANG
Book 2: Second Chance (Completed)
Teen Fiction#1: Stop Second chance to be with you again.. Second chance to sacrifice my heart again.. Mabibigyan ko ba ng second chance ang taong una kong minahal pero sinaktan lang ako?