CHAPTER 1

13.4K 271 8
                                    


Julia Chang Point of View;



After so many many years ito na ako. I am finally okay, naka move on na kay Ryan at nandito na rin kami sa Philippines at sinama ko na rin si Renxel, bumalik kasi siya sa dati niyang lugar, kaya isinama ko uli siya at si Desiree rin.

" Best, talaga bang naka move on kana?" Tanong agad sa akin ni Renxel.

" Of course, naka move on na ako, uuwi ba naman ako dito kong hindi ako naka move on!." Sagot ko.

" Sabagay. Nga pala insan, nakita mo naba si Ryan?" Tanong naman ni Desiree.

" Hindi pa. At wala akong balak na makita siya uli." Sagot ko naman.

Hindi nalang nagsalita ang dalawa, nagpatuloy nalang sila sa pagliligpit nila. Aalis na kasi kami sa bahay, dahil marami ring mga alaala dito.





Habang nagliligpit ako ng mga gamit sa kwarto ko. May nakita akong isang kahon sa ilalim ng kama ko at binuksan ko naman ito, at nakita ko ang isang kwintas na may pendant ng pangalan ko.

Bigla nalang tumulo ang mga luha sa mga mata ko at parang ang sakit ng nararamdaman ko, parang ang lahat ng sakit noon ay bumabalik na naman. Pinunasan ko kaagad ang luha ko ng pumasok si Mama.

" Hindi mo pa rin siya nakakalimutan no?" Bungad agad sa akin ni Mom.

" Y-yes Mom, I don't know why. Pero ang nararamdaman ko kakaiba para bang ang lahat ng sakit noon bumalik." Sabi ko, habang tumulo na naman ang mga luha ko.

" Ganyan talaga ang pagmamahal anak, akala mo naka move on kana pero hindi pa pala." Mom Said.

" Gusto ko siyang makita Mom, I miss him." Biglang sabi ko.

" Balang araw mag-kikita din kayo, but this time enjoy your life muna." Sabi ni Mama at niyakap ako.

Dapat hindi ko na nararamdaman 'to, dapat hindi na ako umiiyak ngayun. Dahil naka move on na ako.

To be continue..




A/N: Kung napapansin niyo na ang common na ng title ko na SECOND CHANCE. Pasensya na po, pero hindi ko po ninakaw ang ibang title. Tini-tle ko po ito dahil bagay po sa istorya. SALAMAT!

Book 2: Second Chance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon