Chapter 18

6.1K 115 3
                                    

Kyle's POV

Nasa room na ako at napansin kong hindi nagpapansinan sina Claire at Lance. Ano kayang problema nila? Ayy sabagay minsan nga lang pala sila nagpapansinan.

Simula bata pa lang kami ay magkakaibigan na kami nila Lance, Kaito, Ivan at Drake. Ewan ko nga at hindi man lang nasabi sa amin ni Drake na may kakambal pala sya. Pag tinatanong namin sya kung may kapatid ba sya ang sinasabi nya 'Its none of your bussiness' kaya hinahayaan lang namin sya.



Si Drake ang parang middle sa amin. Sya ang umaawat pag may gulo sa sarili naming gang. Kumbaga sya ang peace maker. Chic boy pero walang girlfriend, habulin sya ng mga babae.


Si Kaito naman ay maypagka manyak pero mabait yan. Babaero at maraming girlfriend! Ngayon nga ay mag tatlong girlfriend na pinagsabay pero hindi alam yun ng mga girlfriends nya. Playboy siya at mahilig magpaiyak ng babae


Si Ivan naman ay medyo seryoso at may isang girlfriend at yun ay si Mitch, isa sa mga pinakamagagandang babae sa university. Ewan ko nga ba at nagkatuluyan sila. 6 months na nga pala sila. Loyal naman si Ivan sa kanya at kapag gumagawa kami ng kalokohan o nang-bababae ay hindi sya sumasabay. Simula kasi ng maging sila ni Mitch ay naging anghel na sya hahaha!


Si lance naman ang leader ng gang namin. Walang pakealam sa mundo at palaging blanko ang ekspresyon ng mukha. Hindi sya mahilig sa babae at ni isa wala pang girlfriend! Bading yata eh. Pero sya ang habulin ng mga babae at halos magkandarapa ang mga babae sa kanya. Kinakakatakutan sya sa University. Si Claire lang yata ang may lakas ng loob na bwesitin at awayin sya.


At ako naman ang pinakagwapo sa lahat! habulin ng mga babae! Sabi nila Chic boy daw ako pero dati yun ah! May ex nga pala ako si Cindy kaibigan ni Mitch. Nag break kami dahil basta! Wala na kayong pake, samin na lang yun.


Ngayon si Claire na ang gusto ko. Sya na nga yata ang pinakamaganda sa university eh! Maganda, sexy,matalino at amazona! Naalala ko pa nga nung tinalo nya ang Phantom gang. Kami nga na isa lang ang kalaban ay maraming pasa at sugat pero sya na halos lahat ng phanton ang sumugod sa kanya ay natalo nya ito ng walang kahirap-hirap,wala man lang pasa! Amazona talaga! Tsaka palagi nya lang akong nirereject! Kung ano-ano na ngang ginagawa ko rejected parin pero hindi ako susuko! Kylaire kaya tayo!loveteam namin ang ganda diba? Haha sige libre lang naman mangarap.

"Hoy ngiti-ngiti ka dyan?!" Sabay batok sa akin. Napabalik ako sa realidad dahil dun si Kaito pala ang bumatok sa akin. Magkatabi kasi kami.

"Che! Wala kang pake dude!" Sigaw ko sakanya. Ngumisi lang sya ng nakakaloko at dumating na ang prof namin.

Discuss

Discuss

Discuss

Discuss

Lunch break! Yes!

Agad akong lumapit kay Claire at ngumiti

"Hi love!" Bati ko sakanya pero inirapan nya lang ako! Lupa! Kainin mo ako now na! Nakakahiya! Hindi nya pinansin ang isang gwapong tulad ko?!

"Baby, sabay tayong kumain sa cafeteria please??" Sabi ko sakanya sabay puppy eyes. Ayan tatablan na yan ng charms ko

"Itigil mo nga yan, tsaka may kasabay na ako kyle" paliwanag nya ng hindi man lang ako tinitingnan. Nakita ko naman ang katabi nitong si Lance na napakunot ang noo sa sinabi ni claire

"Sino naman yan sweetie? Ipagpapalit mo na ba-----" hindi na natapos ang sasabihin ko dahil may biglang sumigaw kaya napalingon kaming lahat

"Claire!"

Tawag ng isang lalaki sa baby ko. Teka? Bakit nya tinatawag ang baby ko?

Ngumiti naman ng matamis si Claire dun sa asungot na lalaki at lumapit sa kanya.

"Marcus! Ikaw pala!" Masiglang bati nya sa asungot. Ano daw pangalang ng tuko na yun? Kuskus daw??ewan ko pero nagseselos ako dahil ngumiti ng matamis si Claire sakanya! Naglakad na sila palabas ng room

"Wow ang gwapo naman nung lalaki" malanding sabi nung isang babae

"Oo nga boyfriend yata yun ni Claire eh! Ang swerte naman niya sobrang gwapo ng boyfriend nya"

Ano?? Boyfriend ba yun ni Claire sino ba yun? Si kuskus? Eh kung e kuskus ko yang mukha nya sa sahig! Mang aagaw ! Napapout na lang ako

"Pwede ng sabitan ng kaldero yang nguso mo hahaha!" Pang aasar ni Kaito at tumawa ng malakas

"May lahi yatang pato" pang aasar ni Lance sabay tawa rin. Mga kaibigan ko ba talaga to? Parang hindi eh!

"Eh kasi yung lalaki kanina, boyfriend ba yun ni Claire?? Sino ba yun? Si Kuskus daw? Ewan?!" Sabi ko sabay pout ulit

"BWAHAHAHA! HAYOP KA PRE--- HAHAHA LAKAS NG TAMA--- BWAHAHA" tumawa nanaman ng malakas ang baliw na Kaito samantalang nakapoker face ulit si Lance

"Tse! Yun nga yun eh!" Reklamo ko sakanya

"Marcus pre hindi kuskus! Bwahahaha!!!'at tumawa nanaman sya ng malakas pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao

"Tara na sa tambayan" sabi ni Lance at sumunod naman kami. Nauna na sa tambayan ang ilang gangsters at sina Ivan at Drake.

"Oh? Nandyan pala si Mitch, may loveteam pala dito" pang aasar ko kay Ivan at namula naman silang dalawa

"Hi kaito,Asan na yung mga girlfriends mo?"pang aasar ni Mitch kay Kaito

Inirapan nya lang si Mitch at humagalpak naman sa tawa si Drake. Ayan kasi si Kaito maraming girlpren!

Nakita ko naman sa di kalayuan si Claire kasama yung lalaki kanina, sino bayun?kuskus?marcus?ewan ko. Sabay silang kumakain at palagi namang nakangiti si Claire sa asungot. Napakunot tuloy ang noo ko

"Hoy kyle! Parang binagsakan ng langit ang mukha mo ah?' Pang aasar ni Drake

The Mafia Empress (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon