Chapter 41

4.5K 86 0
                                    

*Kyle's POV

-------

Agad kaming bumaba ni Kaito sa Van. Andito na kami sa Resort nina Ivan. Sa di kalayuan ay nakita ko na nakatayo si Drake at mukhang may hinahanap.

"ASSHOOOLLLEEE!!! ANDITO KAMEEEE!!" Malakas na sigaw ni Kaito dahilan para mapatingin ang mga tao sakanya.


"Hindi ko sya kilala.." Sabi ko at lumayo sakanya. Nakakahiya ang ginawa nya. Para tuloy kaming baliw.

"Hoy! Anong di mo'ko kilal----"

"Kyle! Kaito! Ivan!" Napalingon kami sa tumawag sa amin. Agad kaming napangiti kung sino ito

"Drake! Kamusta! Sorry nga pala ah!" Paumanhin namin

"Ano ba? Okay lang! Haha na miss ko kabobohan nyo!" Natatawang sabi bi Drake

"Oh? Asan sina Claire?" Tanong ko. Napangiti naman si Drake at mukhang mang aasar

"Kasama si Marcus e.."

"Ahh. Alam mo yung plano diba?" Tanong ko sakanya. Mahirap na baka di sya nasabihan ng ugok na Kaito.



"Oo naman! Teka? Asan si Lance?" Tanong nya at inilibot ang paningin.

"Mukhang nasa loob pa ng van. Baka tumutulong kumuha ng mga gamit.." Paliwanag ko. Di rin nag tagal ay dumating din si Lance. Nag tanguan lang sila ni Drake. Batid kong nagkakailangan pa sila. Napalingon naman si Drake kay Veronica saka tumingin sa akin at nag tataka

"Ah Drake, Si Veronica nga pala. Veronica si Drake, kaibigan namin.." Pag papakilala ko agad namang ngumiti si Veronica


"Hi Drake! Future Wife ni Lance!! Nice meeting you!" Napakunot naman kami sa sinabi nya. Self proclaimed Girlfriend lang talaga si Veronica. Alam naman naming one sided love lang ang nagaganap. Sya lang ang Inlove kay Lance. Si Lance naman kahit hindi nya aminin ay alam namin na si Claire parin. Pero sadyang kinain na sya ng Pride nya. Lalaki din si Lance At may Ego at Pride din.


"Ah okay? Tara na nag hihintay na si babe dun!" Pag paparinig ko kay Lance. As usual naka poker face lang sya


Agad kaming nag tungo sa kinaroroonan nila Claire. Sa di kalayuan ay nakikita ko syang naka upo at naka white Shorts at crop top. Bagay naman sakanya. Ang sexy nyang tignan pano pa kaya kung bikini!

Pero pansin ko lang medyo tumaba sya pero sexy padin.

"CLAIREE BABESSS!!" Sigaw ko dahilan para mapalingon sya. Agad syang tumayo at ngumiti. Pero nawala ang ngiti nya ng makita si Lance sa likod ko. Aba! Kung umasta tong si Lance ay akala mo One year ng naka move on e halos isang buwan palang naman ang lumipas!

"K-kyle.." Naiilang nyang sabi

"Hi babe! Na miss kita!" Sabi ko at akmang yayakap ng biglang humarang ang isang tao

"Oy! Ikaw pala Marcus!" Napakamot tuloy ako sa ulo. Buset! Di tuloy ako makaka chansing kay Claire!

"Yeah.."

Let the show begin
*insert smirk*


*************
Claire's POV
*************

Napatingin ako sa babaeng kasama ni Lance. At sa totoo lang para syang higad maka kapit kay Lance. Maganda naman ang babae. Pero hello? Mas maganda ako. Ipaalala nyo sakin na ipalapa sa buwaya tong babaeng to huh?

"Ah Claire, Si Veronica nga pala.." Pag papakilala ni Kyle. Bumitaw muna si Veronica kay Lance at lumapit sa akin saka ngumiti ng plastik

"Hi! I'm Veronica! Girlfriend ni Lance!" Nakangiting sabi nya sabay abot ng kamay nya. Ngumiti rin ako. Tinignan ko ang kamay nya saka sya tiningnan at ngumiti ulit. Plastikan pala ah.


"Hello. But sorry, I don't do shake hands with trashy people.." Sabi ko sabay smirk. Nagulat naman sya sa sinabi ko at nanigas. Napahiyaw naman sina Kyle at parang sinosoportahan ang ka malditahan ko. Napatingin ako sa walang emosyong Lance, saka ako Lumapit kay Veronica at bumulong.

"You're bitch. But I'm bitchier than you. You're good but I'm best.. See the difference?" Bulong ko sakanya saka tinalikuran sya

"Tss. Bitch.." Narinig kong bulong nya

Yeah. You're bitch But I'm bitchier than you.

The Mafia Empress (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon