13 - 11/13

2K 77 9
                                    

8:20 PM

Bes!

😭😭😭

Seen, 8:28 PM

Majenta: Ano na naman?

Majenta: Ngumangawa ka na naman diyan.

Wow. Na naman? 😑

Kung makapagsalita ka akala mo lagi akong ngumangawa sa 'yo.

Anyway, ngayon ko napagtanto kung gaano ako katanga.

Jusko talaga! 😭😭😭

Majenta: Wow. Just now?

Majenta: Napagtanto mo na ba ang pagpapakatanga mo diyan sa boyfriend mong hindi gwapo?

Sira! Hindi 'yon. 👊

Majenta: Oh? Hindi iyon?

Majenta: Eh di hindi mo pa narerealize ang katangahan mong gaga ka!

Leche kang bruha ka! 😡😡😡

Akala ko ba kaibigan kita?!

Bakit mo ko ginaganito?! 😭😭😭

Majenta: Drama mo. 😒

Majenta: Magkwento ka na ng katangahan mo.

😡😤👊

Late ako kaninang pumasok sa work ko.

Majenta: Walang bago. 😒

Majenta: Katangahan na ba 'yan?

Grabe ka talaga sa 'kin! 😡

Intro lang 'yan! Huwag kang excited! Hmp! 😤😤

Majenta: K.

Majenta: Continue.

Iyon nga.

Dahil sa late ako pumasok, ngarag na naman ako sa pagmamadali sa pagpasok ng building.

Bes, humabol ako sa isang elevator na papasara pa lang!

Ang lakas pa ng sigaw ko ng 'Wait for me!'

Nakahabol naman ako.

I'm catching my breath inside the elevator.

Nang magsara 'yun, saka ko lang nagawang tumingin sa mga floor buttons.

Omg lang, bes! 😱😱😱

Walang button 26 sa elevator!

Hindi naman na 'ko makababa dahil umaandar na pataas.

Then, I heard someone speak behind me.

Jusko! Parang nanayo balahibo ko sa batok nang marinig ang boses na 'yon.

True Love WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon