36 - 12/07

1.6K 72 33
                                    

9:10 AM

Good morning, Sir Lexos! 😊

Habang maaga pa at walang ginagawa dito, cha-chat muna kita.

Nakakatamad din kasing magtrabaho sa umaga. Hahaha!

Na-feel mo na ba minsan na hindi ka productive sa umaga?

'Yun bang nakakapag-isip ka lang at ginaganahang magwork kapag after lunch?

Gano'n ako madalas eh. Hahaha! 😂

Pero sa mataas na posisyon mo sa kompanya, I doubt it.

Madalas ka pa ngang gabing-gabi na umuwi, eh.

Gano'n ba talaga ang mga kagaya n'yo?

Hindi ko kasi alam mga ginagawa n'yo dahil wala akong alam sa business at pagpapatakbo ng isang kompanya. Hahaha!

Okay na 'ko as web developer.

Mga apps and systems lang ang poproblemahin at iisipin namin.

Alam mo ba no'ng college ako, I'm not really good in Accounting subject namin.

Yung may balance sheet ek-ek. Tapos assets and liabilities.

Minsan ang ginagawa ko kapag exam, kapag hindi nagbalance ang total ng isang problem, either ililipat ko lang sa assets or liabilities ang isa para magbalance sila.

Hahaha!

Talagang sumakit ang ulo ko no'n sa Accounting namin. Jusko! 😰😰

Ikaw? Anong hate mong subject?

Hindi ko sinasabing hate ko ang Accounting.

Mas hate ko 'yung Multimedia Arts na subject namin.

Alam mo kung bakit?

Kasi tamad magturo 'yung prof namin that time! 😡😡

'Yung pinagawa niyang tao sa 'min using Maya app, pinasundan lang sa 'min 'yung tutorial kung paano gumawa.

Jusko! 'Yung na-render kong tao, mukhang mongoloid! 😭😭

One of my fave subjects before was Psychology! 😍😍

Kahit nakakaantok minsan ang subject na 'yon, ang galing magturo ng prof namin! Hahaha!

Teka. Later ulit.

May nag-email, eh. Check ko muna 'to.

Work mode muna ako.

Laters, Lexos. 😉

12:03 PM

Lunch time! ❤❤

Kain ka na rin! Wag kang pakagutom!

Sayang ang abs!

Teka, meron nga ba? 😦😦

Hindi ko 'yan tinatanong para ipakita mo sa 'kin at patunayan na may abs ka! 😡😡

True Love WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon