Chapter 6:Break Up

83 1 0
                                    

Ralph's POV

"It's over.We're over.Ayoko na..."

Sa sinabi ni Samantha tumuloy ang pag agos ng mga luha ko.Maski siya umiiyak.Ibig sabihin nasasaktan siya ngayon.Pero bakit siya nakikipaghiwalay sa akin?"Samantha?Bakit?"tuliy tuliy pa rin ang agos ng luha ko."Hindi na mahalaga kung ano ang dahilan ko.Please leave me alone."

"Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganito ngayon.Kung dahil lang yun sa maling akala pwede namang ayusin yun eh.Hindi yung aayaw ka na agad.Ang sakit sakit ng ginagawa mo Samantha!"bigla siyang humagulgol ng iyak."Isang beses ko na lang itong sasabihin,Tapos na tayo.Kalimutan mo na ako."

"Sa tingin mo ba ganun lang kadali yun?!Minahal kita ng sobra sobra alam mo ba yun?O baka talagang ako lang ang nagmamahal sa atin.Ha Samantha!?"hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

"Sumagot ka!ako lang ba talaga ang nagmahal?"mukhang ayaw niya talaga aking sagutin.Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon.Mahal na mahal ko siya.Alam kong mahal niya din ako pero bakit niya ginagawa ito sa akin?sa amin?May nahanap na ba siyang iba?Mas sikat,mas gwapo,mas maalaga sa akin?Ang sakit lang!sobra.Hindi niya siguro alam na araw araw ko siyang iniisip.Full of effort pa ako sa kanya.Hindi ko lang lubos maisip na iiwan lang niya ako.

"Umalis ka na."

"Pero sandali Samantha ayusin muna natin to.Hindi ko kayang mawala ka sa akin.Samantha please lang."pagmamakaawa ko sa kanya."Umalis ka na!kapag hindi ka pa umalis tatawag ako ng guard."pero di ako nagpatinag.

"Hindi!hindi ako aalis hangga't hindi tayo nagkakaayos."pagpililit ko."Guard! Ilabas niyo yan!"maya maya dumating na yung dalawa nilang guard at dinampot ako."Ano ba!?bitawan niyo ako!"pilit kong kumawala sa mga hawak ng mga ugok na to.Pagbaba namin,nakita ko si Jenyang na nag aalala sa akin.Akala ko umuwi na siya."Teka manong guard bitawan niyo na po siya.Ako na po ang bahala."sabi niya.

Binitawan naman ako ng mga gwardya."Anong nangyari Ralph?Bakit ka umiiyak?Asan si Samantha?"sunod sunod niyang tanong.Hindi ko siya sinagot sa halip,hinila ko siya palabas ng bahay na yun.Hindi ko alam kung saan ako pupunta.Ang sakit talaga eh."Ralph ano ba?sagutin mo ako!?"sigaw niya.Napatingin ako bigla sa kanya.Huminga muna ako ng malalim bago magsalita."Wala na kami.Tinapos na niya lahat sa amin."

Nagulat siya."Bakit daw?Sayang naman yung relasyon niyo.Kahit isang linggo pa lang na naging kayo.Kitang kita sa mga sarili niyo na mahal niyo ang isa't isa.Tapos basta basta na lang yun mawawala?"nanghihinayang niyang sabi."Mamaya na tayo mag usap tungkol dyan.Halika sumama ka sa akin."aya ko sa kanya.Tumaas ang kilay niya."At saan mo ako dadalhin?"parang gusto kong tumawa.

Bakit ganon?kahit masakit ang puso ko napapatawa ako ni Jenyang?Sa simpleng ganyan lang natatawa ako sa kanya.Feeling ko mabilis lang ako makaka move on kapag lagi ko siyang kasama."Hahaha!basta sumama ka lang sa akin.Don't worry wala akong gagawing masama."natatawa kong sabi.Bigla namang kumunot ang noo niya."Tao ka ba?"tanong niya.

"Oo naman bakit?"

"Kasi ikaw lang ang taong nakita ko na broken hearted pero tumatawa.Yung totoo?Alien ka ba?"tanong niya.Di ko talaga mapigiliang hindi tumawa eh."Wag mo ng pansinin yun.Tara na kasi ohh malapit na maglunch."sabi ko.Aalis na ako pero nandun padin siya sa kinatatayuan niya at naka cross arms pa."Libre ko."dagdag ko."Ayun!sige tara na.Gutom na ako eh.Hehe!"asus!yun lang pala ang kailangan.Sumakay na kaming dalawa sa kotse ko at pumunta ng resto.Bakit parang ngayon sobrang gaan ng loob ko sa kanya?Broken hearted lang ako tapos naging ganito na!Abnormal na siguro ang sarili ko.Kung ano anong nararamdaman eh."Im so hungry na!!I need doof!"huh?doof daw?ano yun?Tumingin ako sa kanya ng nagtataka sabay tingin ulit sa daan."Hay!ang slow mo!!DOOF!it means FOOD!"

"Ahh."

>>>fast forward>>>

"Ralph tara na."pilit akong hinihila paalis ni Jenyang dito sa bar.Pagkatapos namin mag lunch pumunta ako dito para maglasing."Ayoko."

"Anong ayoko?!Ang dami mo nang nainom ohh!lasing kana kaya.Paano ka uuwi niyan?"pag pipilit niya sa akin.

Jenyang's POV

Nakakainis talaga to si Ralph!ang tigas ng ulo!Ang dami na kaya niyang nainom ohh!hayss!"Ralph tara na kasi."

"Hundi ka ba makapaghintay!?Mamaya na sabi e.Hindi ako titigil hanggat hindi nawawala ang sakit."sabi niya sabay inom ulit."Hindi nman mawawala ang sakit kung magiinom ka lang diyan.Dapat mag move on ka..."sabi ko.Bigla siyang napatigil tapos may luhang tumulo sa mga mata niya."Ang sakit pala...Ganito siguro ang naramdaman ng mga babaeng pinaglaruan ko...ang tanga ko talaga...Hindi nman ako pangit para iwanan na lang ng walang dahilan.Sana namatay na lang ako.Hidi ko kaya ang sakit eh.Kung akala ng iba na ang bad boy na katulad ko ay perfect..hindi totoo yun."

Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya."Ralph hindi totoo yan malay natin may mabigat siyang dahilan kung bakit niya ginawa yun."sabi ko sabay tap sa likod niya."Kung alam ko lang kung ganun ang mangyayari sa amin sana hindi ko na lang siya minahal para pareho kaming hindi nasaktan."

Nakaka sampung bote na siya ng red horse ayaw pa tumigil."Sana maging okay na lahat kapag gising ko bukas."sambit niya."Okay naman lahat eh.Ikaw lang ang hindi.Matagal na akong nagpakatanga sa yo Ralph.Hindi mo kasi iniintindi yung mga tao sa paligid mo eh kaya ka nasaktan ng ganyan."ang buong akala ko narinig niya lahat ng mga sinabi ko.Hindi pala.Nakatulog na kasi.Teka!?paano to uuwi?Wag mong sabihing!?...ayyy!!I have no choice!

Tinayo ko siya at inalalayan siya papunta sa kotse niya.Grabe ang bigat niya ahh!!ilang kilo ba ang six pack abs niya?Nasa bahay ang lisensya ko paano ako magdadrive?kainis naman oh!Kahit wala akong lisensya pinatakbo ko ang kotse niya papunta sa bahay nila.Ang bango ng amoy ng kotse niya...hmmm..😎"Samantha..."

Napatingin ako sa kanya."Samantha mahal na mahal kita,wag mo akong iwan..."sambit niya.Sa tono ng boses niya sobra siyang nasasaktan.Maya maya basa na ang pisngi ko.Umiiyak na pala ako ng hindi ko alam.Oo,aminado ako nasasaktan ako kasi umiiyak siya.Talagang wala akong pag asa sa kanya.Gustong gusto ko kasi siya eh."Ralph mahal kita..."sabi ko.

"Mahal na mahal din kita..."nagulat ako sa sinabi niya.Tama ba yung narinig ko!?Mahal niya din ako!?🙌

"Mahal na mahal din kita Samantha."parang nawasak ang pagkatao ko sa sinabi niya.Ang sakit!😔Pero kahit ganun mahal ko parin siya.

*beep beeeeeppp*

"Ayy!!"mabuti na lang naipreno ko agad kundi nabangga na ako ng truck."Hoy!!kung magpapakamatay kayo wag niyo na akong idamay!!"sigaw nung driver."Sorry po."paumanhin ko saka umalis.Nang makarating kami sa bahay nila,tinulungan ako ng mga yaya nila para akayin si Ralph.Ang laki pala ng bahay nila.Infairness!kaya pala siya sikat.Ang yaman nila sobra.

"Samantha?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Campus Heartthrob And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon