Chapter 2:Rumors

78 1 0
                                    


So ayun nga naikwento ko na kay Lisyang.Ang totoo pong pangalan niya ay Zhaine Clarisse Romero.Lisyang ang nickname niya kasi idol niya si Lisa ng blackpink.

Kilig na kilig siya kagabi e.Its another day na naman.Makikita ko na naman si Ralph ko.Hehe!joke.Ang landi mo Jenyang!!tumigil!

Naglalakad ako sa hallway ng marinig ko ang mga tsismosang babae na pinaguusapan ako.Ano na naman ba ang ginawa ko!?

"Diba yan yun babaeng kasama kahapon ni Ralph?"

"Oo nga grabe!umalis lang si Samantha kahapon kasama ang mga kaibigan niya.Nilandi na niya si Ralph."

"Ang landi niya!kahit may girlfriend na si Ralph nilalandi niya parin."

Ako?malandi? ko sila sa aso e.Lumapit ako sa mga babaeng matatabil ang dila."Hoy!mga babaita!para sa inyong kaalaman hindi ko nilalandi si Ralph.Yung kahapon?humingi si Saman..."hindi pa tapos ang sasabihin ko kasi dumating si...Ralph at Samantha.

"Anong nangyayari dito!?"tanong ni Samantha."Kasi itong babaing ito kahapon nung umalis ka nilalandi niya si Ralph.Sumama pa nga siya sa tambayan ni Ralph at ni Enzo."sabat nung babaeng naguusap kanina.

"Hindi totoo yan.Sa totoo lang,ako ang nagsabi kay Jenyang na bantayan at samahan ai Ralph habang wala ako.Kaya wag kayong gagawa ng tsismis!!"sabi ni Samantha.

"From now on,Jenyang is our friend so treat her nice.If we hear rumors,I will drop you to this school."sabi ni Ralph.Teka?paano niya idadrop yun?Siguro siya may ari nitong school.Haha!nice.

"Ok."sabi nung mga babae sabay alis."Jenyang!!"sigaw ni Lisyang.Agad naman kaming napatingin sa kanya.Habang papalapit siya,bumulong si Samantha sa akin."Jenyang sino yan?"

"Ahhh,friend ko."tipid kong sagot."Jenyang?good morning!ayy!good morning po Sir Ralph and Miss Samantha."sabi ni Lisyang."Goodmorning."sabi nila.

"Uhm..Samantha and Ralph,this is Lisyang my friend."sabi ko."Nice too meet you.Lisyang.Lisyang?Ikaw Jenyang tapos siya Lisyang.Bakit?"nagtatakang tanong ni Samantha.

"Kasi ganito yan,Ako Jenyang kasi Idol ko si Jennie ng Blackpink dinagdagan ko lang ng yang.Sa kanya naman Lisyang kasi Lisa dinagdagan ko lang din ng yang."sabi ko.

"Ahhh!how cute naman.hahaha.By the way, let's go na baka malate tayo eh.Wait anong section ka Lisyang?"sabi ni Samantha.

"Classmates tayo Samantha."sabi ni Lisyang."Hahaha!ayos to babe ha!classmate kami ni Jenyang babantayan niya ako kung mambababae ako.Tapos kayo ni Lisyang classmate din edi babantayan ka ni Lisyang kung manlalalaki ka.hahaha!"natatawang sabi ni Ralph.

*kriingg*

"Oh tara na time na."aya ni Samantha.
Naglalakad na kami papunta sa room namin ng may lumapit sa amin na teacher."Samantha and Ralph ngayon na yung math quiz di ba?come on pupunta tayo sa division office we need to win this."sabi nung teacher.

"Oh uh!"sabi ni Samantha."Sorry ha maiiwan na namin muna kayo.Bye!punta na kayo sa room niyo.Ipaalam niyo na lang kami sa teachers ahh.Pakisabi excuse kami.Thanks!"dagdag niya.Umalis na sila kasama yung teacher.

Waa kaming nagawa kundi pumasok na lang sa kanya kanya naming room.Pagpasok ko wala pa yung teacher namin absent daw.Siguro alam ng lahat ng umalis sina Samantha at Ralph kasi tsismis na naman ang naririnig ko.Ang sakit sa tenga.

"Oohhh,ayan na naman siya masyadong sip sip kila Ralph."

Kanina malandi ako tapos ngayon sip sip!?ano isusunod nila PLASTIK!?nakakainit na sila ng dugo!!!akala nila hindi ko sila kayang labanan!?Pumunta ako sa harap ng blackboard at tiningnan ko sila ng masama.Akala ko matatakot sila sa akin pero hindi ehh sa halip mas lalo pa silang nagbulungan.

"Papansin siya haha!anong felling niya takot tayo sa kanya?!in her dreams!"nakakabanas na sila!?"Kung wala kayong magawa sa buhay niyo wag ako ang pakialaman niyo.Anong akala niyo iiyak ako dito sa harap kasi pinagpipyestahan niyo ako!?in your dreams."ganti ko sakanila.Umupo ako sa upuan ko.Nakakatamad na tuloy mag aral.

"Okay class!"nagulat ako sa sigaw ni maam.Bakit ba kasi siya sumisigaw?"Lahat ng SSG officer dito pinapatawag kayo ni Mr.Principal."dagdag niya.Nung lumabas na yung dalawang SSG(Supreme Student Government) nag salita ulit siya."Sa friday, acquaintance party natin.Ngayon simula ngayon wala kayong klase kasi merong kompetisyon ang bawat grade tayo ang napiling gagawa ng mga designs ng damit at may isang student na magmomodel para maipresent yung nagawa nating design."sabi ni maam.

"Ang kailangan ko yung magaling magmodel at higit sa lahat fashionista."pumintig sa mga tenga ko ng marinig ko ang salitang fashionista.I like fashion.Itataas ko na sana ang kamay ko para inominate ang sarili ko na magmodel kaso naalala ko baka pagtsismisan na naman nila ako na kesyo papansin daw ako at pasikat.Ako nalang ang iiwas sa gulo.

"Maam!ako magaling magmodel!"
"Maam ako nalang!"
"Kapag ako maam ang pinili mo mananalo tayo!"

Yan yung sabi ng mga kaklase ko.Ang ingay nila.Kitang may teacher sa harap nila oh.Walang galang."Shhht!stop!wala akong gustong piliin sa inyo because I prefer Miss Lacuesta to be our model on friday cause I've heard that she's a fashionista."Mas lalong pumintig sa tenga ko sa sinabi ni maam."Really maam?Kanino niyo po yun nalaman?"di makapaniwalang tanong ko."Nalaman ko lang naman ito kay Ralph."sabi ni maam sabay ngisi.Hala?sinabi siguro ni Ralph.

"Ohhhh,kay Ralph daw nalaman ni maam."

"Sabi na e...umeepal siya sa relasyon ni Ralph at Samantha e."

And there tou have it!tsismis na naman.Nagsasawa na ang ear drums ko sa mga naririnig kong TSISMIS."Sige na mag usap usap na kayo kung aning designs ang gagawin niyo."sabi ni maam sabay alis.Yung mga kaklase ko nag uusap na sa malapit sa teachera table.Ako naman naiwan lang dito sa upuan ko.Para saan pa ang pagpunta ko don?ayoko nang mkarinig ng tsismis e.Atsaka aki naman ang magmomodel e malaki na ang maitutulong ko nun.

*beep*

From:Ralph

Congrats!I know naman na mananlo tayo dahil ikaw ang model natin.Haha!Makikita na ng buong campus ang talent mo sa pagmomodel!werpa!!Goodluck!

Hahaha!natatawa ako kay Ralph.Pero kung tatanungin niyo ako kung gusto ko pa ba si Ralph?ang sagot ko oo.Gusto ko pa din siya kahit may Samantha na siya.Wala naman akong balak na agawin si Ralph kay Samantha ehh.I just want na kahit friends lang kami okay na sa akin.Masaya na ako kapag masaya siya.

*kriiinnnggg*

Hayys uwian na!lumabas ako ng room.Pupuntahan ko si Lisyang sa room niya para sabay kaming uuwi."Oh Jenyang bakit parang ang lungkot mo?may problema ba sino may gawa niyan sayo?tara upakan natin?"maangas na sabi ni Lisyang kahit nakakunot ang noo ko,natawa parin ako sa sinabi ni Lisyang.Eh paano ang angas ng dating niya as if naman kaya niya yung mga tsismosang yun.

"Kasi ngayong umaga puro tsismis lang about sa akin ang naririnig ko.Na kesyo pasikat daw ako,malandi,sip sip,epal."sabi ko.Hinila ko na siya palabas ng school.Sa bahay na lang kami mag uusap tungkol dito.

The Campus Heartthrob And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon