Chapter 1
Minsan lang ako mag mahal pero mukhang hindi pa sumasang-ayon ang tadhana.
Matatapos lang ba talaga ang lahat ng parang isang bula?
Haaaaay. Bakit kaya sa lahat ng problema sa buhay lovelife ang pinakang mahirap?
Pero teka ang drama drama ko na agad pero hindi nyo pa ako kilala. Pasensya na ha? Dyosa lang nag kakamali din.
Ako nga pala si Chiara Miel Rodriguez na humihiling ng WORLD PEACE. Hahaha joke lang. Gusto ko lang naman ng simpleng buhay. Kaya nga lang medyo malabong mangyari yun eh.
Ako'y 17 years old. 2nd year college na ako sa pasukan isang Economics student ng isang maganda at sikat na paaralan. Anak ako ng isang politician kaya nga diba ang sabi ko malabong mangyari na maging simple ang aking buhay.
Dahil bawat kilos mo laging may nakatingin na mga mata. Kailangan laging maganda ang ayos mo, mabait ka dapat sa lahat at dapat laging naka smile. Aba nakakangawit kaya yun. At mas importante sa lahat dapat wala kang gagawing ikahihiya ng pamilya mo. Nakakasakal diba?
Maganda daw ako (kailangan pahumble effect) pero hindi biniyayaan ng KATANGKARAN hahaha ewan ko ba siguro tulog ako nung nag paulan ang Diyos ng katangkaran.
Pero ano nga bang dinadrama drama ko kanina? Obvious ba? Malamang lovelife.
Hindi ako madaling mag mahal, Hindi rin ako mahilig makipag kaibigan sa lalaki, stick to one ang peg ko. LOYAL! Pero bakit ganun? Parang ang malas ko sa pag ibig. Mabait naman ako, halos lahat ng sabihin ng parents ko ginagawa ko.
Sabi nila ang ganda at ang swerte ko daw sa buhay. Aba kung alam nyo lang na gaano kahirap magpaka perfect daughter kahit sakal ka na gagawin mo padin dahil dala mo ang pangalan ng pamilya mo. Kaya pati personal kong buhay naapektohan na.
Sya na ang tinuring kong FOREVER. Yun nga lang ano ba ang nangyari sa amin at naging ganito? Nawala nalang bigla. Lahat nag sabi almost perfect na kami.
I'm still hoping na maayos pa namin ang lahat ng problema namin tulad ng dati. Posible pa ba? O imposible na?
BINABASA MO ANG
May tayo ba sa salitang FOREVER?
Teen FictionMay forever ba para saating dalawa? O parehas lang tayo ng iba na umaasa sa salitang yan?