"How we met"
CHIARA'S POV
I still remember the first time I saw you. To be honest, ayoko sayo. Unang kita ko palang sayo nun mayabang na ang tingin ko sayo, tawa ka ng tawa para kang tanga tapos first day na first day ang ingay mo na nga late ka pa sa class at kung minamalas ka nga naman seatmate pa kita. Ughhhh >.<
Ang nasa isip ko noon "haaaay ang malas ko namaaaan po talaga oh sana lumipat tong lalaking to! -.- "
Hindi kita kinakausap kasi naiinis ako sayo nang hindi ko malaman laman ang dahilan. May mga pagkakataon na mapapatingin ka sakin sabay ngingiti pero heto ako iirapan ka lang.
Noong PE class natin basketball yung boys at volleyball ang girls at dahil ayoko mag laro nakaupo lang ako sa bench ng gym kung saan katapat ng mga nag lalaro ng volleyball.
Sabay sumingit ka nanaman sa peaceful life ko "uuuy wag ka jan. Baka tamaan ka ng bola. Dito ka ooh"
Napatingin ako sayo at buti nalang nakita mo yung paparating na bola at bigla mo akong hinila papalapit ng konti sayo.
"Aaah. Hmmmmm thank you" ayon lang ang sinabi ko sayo. Sabay lipat nalang ng pwesto. Unang pag uusap natin nun eh. Di ka nakatawa. Parang normal lang.
Ang cool mo pala tignan. Ang gwapo mo pala. Ang gaganda pala ng mata mo. Bakit ngayon ko lang yun napansin? Siguro dahil naiinis ko sayo kaya hindi talaga ko napapansin kung anong magaganda mong katangian.
---------------------
AN: hindi talaga ako marunong gumawa ng story. Sobrang random ng isip ko. Pasensya na po. I'm really trying
BINABASA MO ANG
May tayo ba sa salitang FOREVER?
Teen FictionMay forever ba para saating dalawa? O parehas lang tayo ng iba na umaasa sa salitang yan?