Chapter 1

14 0 0
                                    

CHAPTER ONE

Read first before voting.

========================================================

 Talagang mainit na ang panahon ngayon sa Pilipinas kahit umaga at kaliligo lang nya.

Nasa kalagitnaan na ng school year ng mga panahong iyon. Nakasakay na siya sa jeep noon upang pumasok na sa school nya.

Ngyunit heto ang driver ng sinasakyan niya at wala yatang balak umalis hangga't hindi sumasakay ang estudyanteng hinihintay nito.

Kumuha nalang siya ng walong piso sa kanyang bulsa at nagbayad na.

Sa wakas, pagkaraan ng mahabang dalawang minutong paghihintay ay sumakay na ang estudyante. Hay, at least makakaalis na rin ang jeep kahit papano!

Pero, tumigil na naman ang jeep at naghintay na naman ng isang estudyante na sumakay. Ano ba naman yan! Ba't ganun?

Haaay nako. Nakakainis na ang driver na to! Kulang nalang magwala na si Avast. 

Pero nawala ang inis nya ng marealize na ang hinihintay pala ng driver ay ang crush nya. Matagal na nyang crush and lalaking iyon dahil lagi nya itong nakakasakay uma-umaga.  At tumabi pa ito sa kanya!

Maghahyperventilate na ata sya! Oh my God! Huminga sya ng malalim, pilit na pinipigilan ang sariling ngumiti ng maluwang. 

Ang pagkakaalam nya, nag-aaral ito sa school na malapit lang din sa pinapasukan nya! At kahit pa mas madalang pa sa ulan ng tag-init sila magkasabay tulad sa araw na iyon, maituturing pa rin nya iyong swerte. 

Pasimple niyang tiningnan ang lalaki. Lihim siyang kinikilig dahil ang gwapo talaga nito! Nako, walang tatalo sa kagwapuhan nito kahit na ang escort nila sa room!

Nasa kalagitnaan na sila ng biyahe ng magpasya itong magbayad. Syempre, nakasunod syang tingin dito. At dahil magkahilera sila, siya ang nag-abot ng bayad nitong one hundred pesos.

Kulang na lang ay magtatalon sa tuwa si Avast pero pinigilan nya ang sarili. 

Ngunit sa kasamaang palad, ibinalik ng driver ang pera nito. Ngee, patay.

"Boy, wala ka bang barya?" Tanong ng driver sa kanyang crush.

"Wala po eh." Sagot naman nito. Hindi na ulit nagsalita ang driver at ipinagpatuloy ang pagmamaneho. At dahil katabi ko si "crush", nakita ko ng ilabas nito ang wallet nito at nagtingin kung may barya ito. 

Mayroon nga itong nakuha pero pitong piso lamang. Kulang pa ng piso dahil walong piso talaga ang bayad ng mga estudyante sa jeep. 

Tinitigan nito ang hawak na barya at siguro ay nagiisip kung magbabayad pa o hindi na.

Hindi mapigilan ni Avast na mapangiti. Ang cute kasi nitong tingnan, problemadong problemado ang gwapong mukha nito at talagang nakaconcentrate ang mukha sa hawak na pera.

At dahil din mabait sya at sa utos na rin ng kanyang kagandahang asal ay kumuha sya ng piso sa kanyang wallet at iniabot dito ang piso.

"Ah eh, ito oh... hiramin mo muna iyong piso ko para makapagbayad ka. Kawawa ka naman eh." Sabi nya sabay ngiti ng matamis.

Kahit halatang nag-aalangan ay kinuha na rin nito ang piso at nagbayad na.

Natuwa naman sya at kinuha nito ang piso nya. Shucks, pinansin sya ng kanyang crush! This is her day! 

"Salamat ah. Hayaan mo, babayaran ko nalang sayo." Sabi nito, na para bang napakalaking kawalan sa kanyang kayamanan ang pisong iyon.

Natawa siya sa naisip nya. "Naku wala iyon. At wag mo na ring bayaran dahil hindi naman iyon kabawasan sa aking kayamanan." Biro nya dito saka tumawa.

Hindi na rin sya nakatiis na sabihin ang nasa isip nya.

Ngumiti naman ito. At ngayon lang nya napansin na mas gwapo pala ito kung ngingiti lang ito ng ganoon! Sa ilang beses na nagkakasabay sila eh, puro blanko lang ang expression nito.

He's like a mysterious genie that had been punished by some kind of magic. Naisip nya.

==================================================================

==================================================================

Hello po mga readers! I hope nagustuhan nyo ang unang Chapter ng pangalawa kong story!

Ang ONE PISO po ay maikli lang at sana po magustuhan nyo.

Pasensya na po kung ung Chapter one parang kapareho ng chapter one ng Project: Making You Mine. Mahilig lang talaga ako sa ganoong eksena. Hahaha!

COMMENTS?

ANY VIOLENT REACTIONS kung may ayaw kayo or something?

SUGGESTIONS? go lang din po!  

Sige lang po! Just leave comments and such kasi bago palang po talaga ako.

And I'm still trying to improve myself. 

Since bago pa lang naman ako, I'm open to anything. 

Please watch out for the next chapter po! 

One Piso (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon