CHAPTER THREE
Read first before voting.
========================================================
Ano daw ang pangalan nya? Natawa si Avast. Oo nga pala, hindi ko rin alam iyong name nya. Naisip nya.
At gusto nyang sapakin ang sarili dahil ang pinakaimportante pa ang kanyang nakalimutan!
"Avast. Avast Razon." Sabi nya.
"Ako naman si Hale Nick Ochoa." Pakilala nito. "Oh wait, do you have anything to do with Enrique Razon Jr.?" Tanong nito. Teka...
Sandaling nagisip si Avast kung sasabihin ba niya rito ang totoo. Napakamot siya sa ulo nya. "Ahm... He is.... my father." Sa huli ay napagdesisyonan na rin nyang sabihin ang totoo.
"Oh..." Sabi nito, tila nagiisip. "Okay. So you're an heiress." Sabi nito, nakangiti sa kanya.
"Yeah, I guess you could call me that." Sabi nya, hindi makatingin ng diretso dito dahil nahihiya siya.
Marahil ay nagtataka ito kung bakit sumasakay lang sa isang pampasaherong jeep ang anak ng ika-8 sa pinakamayamang tao sa buong Pilipinas.
"Alright. Till we meet again..." Parang iyon din ang sinabi nito kanina ah. "... Heiress." Ay mai, may dinagdag na pala ito ngayon.