Chapter 4

5 0 0
                                    

CHAPTER FOUR

Read first before voting.

========================================================

Uwian na nina Avast. Nagiisa siya ngayon pauwi dahil ang dalawa niyang kaibigan ay may pupuntahan at napag-iwanan na naman siya.

Kaya heto siya, no choice kundi umuwi magisa. Pero bago pa siya makalabas ng gate, narinig nya ang boses ni Tommy.

"Avast! Are you going home already?" Tanong nito. And as usual, nakangiti ulit ito sa kanya.

Medyo nailang sya dahil ang mga tao ay sa kanila nakatingin. Ngumiti siya rito, pinipilit ignorahin ang mga tinging ng tao.

"Tommy. Yep, pauwi na ako. Palabas na nga sana ako eh." Sabi nya, motioning for the exit.

Tumango naman ito, halatang nagustuhan ang sagot nya. " Talaga? Hatid na kita sa inyo. Pauwi na rin naman ako eh." Yaya nito sa kanya.

Ha? Ano daw? Ihahatid nya ako? Kelan pa nangyaring hintaid nya ako? Tanong nya sa sarili nya, medyo nag-aalangan kung papayag o hindi. 

"Ah eh.. Kasi Tommy----" Natigil sya sa pagsalita ng may magsalita sa kabilang gilid nya.

"Avast! Kanina pa kita hinihintay. Hinihintay ko un text mo eh." 

Lumingon sya at nakita nya si Hale. 

Ha? Si Hale? Anong...?

Napatingin siya rito at nagtataka kung bakit ito nandito. Pero hindi ito nakatingin sa kanya, kundi kay Tommy.

Napalunok sya at napatingin naman kay Tommy.

"Siya pala sundo mo." Sabi nito, nakangiti pa rin sa kanya. Mukha namang balewala lang dito ang pagdating ni Hale kaya nakahinga siya ng maluwag. 

Wew. Buti nalang... ayaw ko ng away...

"O sige, Avast. Una na ako." Kumaway pa ito sa kanya good naturedly before walking towards the parking lot. 

Ngayon naman, binalingan nya si Hale. Pero bago pa sya magsalita ay nagsalita na ito.

"We meet again, Heiress." Kaswal na sabi nito na parang walang nangyari.

Sa totoo lang, nagulat siya sa biglang pagsulpot nito. Paano ba naman, hindi naman niya inexpect eh. 

Ngumiti sya ng tipid dito. "What are you doing here? At ano ung mga sinabi mo kanina kay Tommy?" Tanong nya, kumunot ang kanyang noo dahil doon.

"Ah... Tommy pala ang name nya..." Tumatangong sabi nito. 

"Tommy nga. Now, answer me. What are you doing here?" 

"Hindi ba obvious? Sinusundo kita..." Nakangiting sabi nito. Parang lumukso ang kanyang puso dahil sa sinabi nito. It was the first time a guy waited for her.

"B-bakit mo naman ako sinusundo?" Nagsstammer na tanong niya. Kinakabahan kasi siya eh. Naman! Sino bang hindi?

"Ihahatid sana kita sa bahay nyo. I won't ask for your permission anymore because as I can see it, you're alone and t's dangerous for a lady to go home all by herself." Mahabang litanya nito samantalang tinatanong lang naman niya kung bakit siya nito sinusundo.

Napangiti siya. "As you can see, Mister, hindi sana ako uuwi mag-isa kung hindi ka lang dumating. Ihahatid na sana ako ni Tommy." 

Natawa naman sya ng makita nyang nakasimangot ito. 

Pero nonetheless... natuwa siya. "Fine" Kahit na arogante ito, pumayag na ri siya for two reasons. One, totoo naman ang sinabi nito. Dangerous na talaga... especially for somoene like her. 

And two, gusto nya itong makasama. Uuuuy.

Nagpatiuna na siyang lumakad papunta sa sakayan ng jeep. Sumakay sila sa dulong upuan ng jeep malapit sa akyatan. Magkatabi sila. 

Naglabas siya ng wallet at kukuha na sana ng paasahe nilla nang bigla na lang siya nitong hawakan sa kamay upang pigialn sa pagkuha.

Napatingin siya sa kamay nitong hawak ang kamay nya. Lumunok siya. Parang may kuryenteng dumaloy mula doon papunta sa buong katawan nya?

Ba't ganun? Ano un? 

"Ako na ang magbabayad. I still owe you." Sabi nito ngunit hindi pa rin nito binibitawan ang kanyang kamay.

Nagkibit na lang siya ng kanyang mga balikat. "Okay. Pero sana bitawan mo na ang kamay ko, no?"  Naiilang na sabi niya pero hindi siya nagpahalata. 

Parang saka lang nito naaalala na hawak pala nito ang kanyang kamay. Binitawan na nito iyon.

Nakaramdam siya ng panghihinayang. Sayang naman. His hand fits into mine so perfectly! 

Nakatingin lang siya sa labas ng jeep habang bumibiyahe sila. Traffice dahil Friday at naiinip na siya. Naisipan na lang niyang magtanong dito upang hindi siya mainip.

Tumingin siya sa direksyon nito at nagulat siya ng makita niyang nakatingin pala ito sa kanya.

Bigla naman itong ngumiti. "Ano iyon?" Kaswal ang boses nito. Samantalang sya, halos matunaw na!

"Ahm..." Ano nga ba sasabihin ko? Ahm.... "Ano...."

Napakamot siya sa ulo nya. 

"Ano iyon?" Ulit nito.

Ayun! Alam ko na. Syete, bat nalimutan ko?! Eh kasi naman, kung makatingin wagas!

"A-alam mo ba bahay namin?" Tanong niya.

"Hindi." Simpleng sagot nito.

Ngee? Ano daw? "Ano? Hindi mo alam? Tapos ang lakas ng loob mong ihatid ako sa amin?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Kaya nga ihahatid lang kita eh. Parang escort mo lang ako. Para if ever may mangyari sayo, na sana wag namang mangyari, eh nandito ako para ipagtanggol ka." He said while grinning.

"So you're telling me you're my knight in shining armour?" Tanong niya habang nakataas ang isang  kilay.

Naaaliw na pinagmasdan siya nito. "No. Not knight in shining armour. But handsome guy in shining armour." Nakangiting sabi nito. 

Napangiti siya sa sinabi nito dahil nagsasabi naman itong totoo. Kanina, habang nagaabang sila ng sasakyan, ang lahat ng babae at kahit mga lalaki ay tumitingin dito ngunit parang dead lang sila rito. Para bang sanay na ito.

"Sa wakas, ngumiti ka rin." Sabi nito.

Hindi na naalis ang ngiti sa kanyang mga labi dahil sa mga sinasabi nito. May pagkamakulit din pala ito kung minsan.

At malaks ang sense of humour nito!

Nang mapansin nya na malapit na sila ay nagpara na siya. Hindi niya namalayan na nandito na pala sila dahil kay Hale. Halos isang oras din silang nagbiyahe.

"Para po!" Sabi nya. Sa pagkakataong iyon, nauna na itong bumaba at inalalayan siya. Naglakad sila papunta sa main gate ng Vinta Blend Subdivision na isa sa mga pinakasikat na subdivision sa buong Pilipinas.

"Good evening Mam Avast, Sir Nick." Bati sa kanila ng nakadestinong guard na si Mang Topet. 

Nagtatakang tumingin siya kay Hale. Paanong kilala ni Mang Topet si Hale? "Hale?" Nagtatanong ang kanyang mga mata ng tumingin siya dito. 

==================================================================

==================================================================

Sana po nagustuhan nyo!!

COMMENTS?

ANY VIOLENT REACTIONS kung may ayaw kayo or something?

SUGGESTIONS? go lang din po!  

Sige lang po! Just leave comments and such kasi bago palang po talaga ako.

And I'm still trying to improve myself. 

Since bago pa lang naman ako, I'm open to anything. 

Please watch out for the next chapter po! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Piso (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon