1

2 0 0
                                    


-1-

"Sikat na aktres natagpuang walang buhay kagabi sa sariling bahay. Motibo sa pagpatay inaalam pa ng mga pulisya"

Napalingon ako sa bukas na TV planning to just ignore the news dahil normal lang ang ganyang balita sa ngayon at wala akong pakialam sa ibang tao. But as long as I benefit from you may pakialam ako sayo. That's how society works. Thru Mutualism,It's a relationship where you both benefit from each other. Naniniwala akong may hidden agenda ang mga taong lumalapit sayo. Papatayin ko na sana ang TV nang lumabas ang pangalang di ko inaasahan.

"Bumuhos ang pakikiramay ng mga fans sa pagkamatay ng aktres na si Louise Rivera. Natagpuan umano ang katawan nito sa kanyang kama habang naliligo sa sariling dugo ng kanyang nobyo na si Zeke Robles. Hindi pa din malinaw ang motibo sa pagpatay sa nasabing aktres dahil kilala ito sa kanyang sweet image at mukha namang wala itong nakakaaway. Wala ring naitala na nawawalang gamit mula sa artista kaya tinitignan pa ang ibang motibo sa krimen"

My eyes widened after hearing the news. How come patay na siya? I just had business with her last week. I shook my head and sighed. Karma has it own ways eh? Parang kailan lang pinlano niyang pabagsakin si Zeke for her own career and now look siya ang bumagsak.

Literal.na.bumagsak. 

"M" someone called me.

"What?" sagot ko ng hindi lumilingon since alam ko na kung kaninong boses iyon.

"New project" maikli niyang sabi sabay hagis ng isang envelope na may nakasulat na Confidential.

"Ano to?" tanong ko.

"Envelope malamang. Buksan mo muna kaya bago ka magreklamo" sagot niya.

"D!" pagbabanta ko sa kanya

"Tss fine. Ayan yung new project NATIN" she said emphasizing the word natin.

"You can't be serious D!" I almost shrieked

"I'm serious." she answered

This case must be serious then. Hindi ako binibigyan ni boss ng project with a partner.

I prefer to work alone. Ayoko ng may taong naiinvolve sakin. I hate being attached sa kahit kanino. Ayoko nang maulit ang nangyari dati. Takot akong maiwan ULIT.

"Hey M! Are you alright?" D asked

"Yes. Iniisip ko lang kung gaano kaimportante ang trabahong to para bigyan ako ni boss ng kasama" palusot ko.

"Alam mo namang wala na tayong magagawa diba? It's an order from Boss. Hindi mo naman siguro gugustuhing kalabanin siya?" she added

"Of course not." I answered shortly habang binubuksan ang envelope na naglalaman ng misyon namin.

"What the?" sabay lumaglag ang panga namin ni D ng makita ang laman ng box.

What the f*ck? Anong ginagawa ng dalawang pares ng two-piece dito?!

I was about to panic when a small piece of paper dropped and it seems na galing din iyon sa envelope.

CALL ME.-BOSS

"Hey M nabasa mo ba yung nakalagay? Call me. Hindi titigan mo ang papel na ito"

"Tss. Fine akin na cellphone mo"

"Bakit sakin? Yung iyo na kaya gamitin mo"

"I SAID AKIN NA YUNG CELLPHONE MO" I said angrily

"Fine"

Tss. Iaabot din pala andami pang arte.

"Hello M" someone answered

"Hey how did you know it was me?"

"I know everything. Let's get straight to the point nareceive nyo naman na siguro yung envelope diba?" he asked

"Yes boss so anong ginagawa ng two-piece dun? Sa beach ba ang susunod naming misyon?"

"No. The next mission ay alamin kung sino ang tunay na pumatay kay Louise Rivera"

"What? You must be kidding me! Private investigators kami hindi detective"

"Ano bang ginagawa ng mga detective?" he asked

"Nag-iinvestigate" I said shortly

"Ano ka nga ulit? Private INVESTIGATOR so malapit na yun wag ka ng magreklamo at gawin mo na lang ang pinapagawa ko sayo. May ipapadala akong mini vault mamaya sa inyo at nandun ang listahan ng mga taong iimbestigahan nyo. The first in the list is Heidi Gomez, im sure you know her"

"That spoiled brat, anong kinaaman ng dalawang two piece na to sa pagiimbestiga kay Heidi?"

"You'll work with her"

"What do you mean?"

"You and D will be her co-model in her latest advertisement for a swimsuit brand"

"Hell no Z! I won't do that" D interupted

"It's final and you two can't do anything to change that so better work your asses and do as I say"

NO.WE'RE.DOOMED. 

AlluredWhere stories live. Discover now