...that smile that always took me above the ecstasy, the smile to make my soul melt with delight...
[ Shane ]
"Talaga? Sinasagot mo na ako?!!? Di makapaniwalang tanong ko sa napakagandang nilalang sa aking harapan.
"Oo, sinasagot na kita" nakangiti niyang bigkas saken na mas lalo pang nagpatalon sa aking puso.
Di ko na napigilan pa ang pagsigaw kasabay ng pagsuntok sa ere ng aking kamao na wari'y nagtagumpay sa isang laban, "Yes!! Yes!! Woooo!!"
"Hahahaha. Hoy anu ba! Nakakahiya, itigil mo nga yan!" Banggit niya kasabay ng marahang pagpalo sa aking braso. Akin siyang dahan-dahang hinila papunta saken, hinawakan ang magkabilang pisngi at masuyong tinitigan ang bawat parte ng kanyang maamong mukha na wari'y kinakabisa ito. F*ck I can't contain my happiness anymore!!
Masuyo ko siyang hinalikan sa kanyang noo at matiim na tinitigan ang maluha-luha niyang mga mata. "Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayong oras na 'to Sam" at pinunasan ang kanyang mga luhang masaganang bumabagtas mula sa kanyang magagandang mga mata. "Mahal na mahal kita."
"Mahal na mahal din kita" that beutiful human replied with so much tenderness na ikinangiti ko sa sobrang saya. With that, unti-unti kong nilapit ang aking mukha upang siya'y masuyong hagkan... unti-unti...
Kring! Kring! Kring!
Aarrrrhhh! Dahan-dahang inabot ng aking kamay ang alarm clock na naging dahilan ng pagkasira ng aking napakagandang panaginip. Hayuf na alarm clock naman yan oh. Napasigaw na lang ako sa inis. "Aaaaahhhhh"
Knock knock. "Anak ok ka lang ba dyan?"
"Mom o-opo ok lang po ako!" Shet nakakahiya naman. Mag-isa lang ako but I know na namumula na ang aking mukha ngayon.
"Ah... Ok, sige bumaba ka na lang at ready na ang breakfast"
Nagmamadali akong tumayo at kinuha sa aking aparador ang aking tuwalya. "Opo mom susunod po ako" at dali-daling pumasok ng CR para maligo. After like 30 minutes doing my morning routine, pagsuklay ng buhok at pagpapagwapo sa salamin, oh bakit? Gwapo naman talaga ako ah! Hehehe. Isinilid sa aking bag ang bagay na binili ko kagabi para sa taong nagpapatibok ng aking puso. Finally bumaba na din ako to join my family for breakfast.
Napatingin ako sa aking nakababatang kapatid na may nakakalokong ngiti, "Oh anong problema mo?"
"Ayiiieeee! Si kuya japorms na japorms ah, mom may pinopormahan na po yan!" Na pinanlakihan ko ng mata. Eh sa ano naman sa kanya? Pakialamero! Joke lang, love ko yan.
Nakangiting napaharap saken si dad, "Aba, binata na ang baby boy ko ah" sabay gulo sa aking buhok.
"Ano ba dad!" I protested, "Kakasuklay ko lang oh ginulo niyo naman buhok ko!" Pagmamaktol ko. "And don't call me baby boy, I'm already 16!"
Napahalakhak si dad. "No matter what you say, you will always be a baby boy to me, just like Sky and your kuya Shawn" sagot niyang nagpapout saken.
"Hahahaha, ok tama na yan breakfast na at malelate pa kayo sa school" pagsuway ni mama samen. At tinuloy na nga namen ang aming breakfast.
..........................
"Bye mom!" As I kissed her in her cheek followed by my little brother and my dad."Ok you young man, ayusin mo ang pagdadrive huh?!?" I rolled my eyes. Oh gosh here we go again.
I replied. "Mom you're telling me that every morning for like 3 months!" I groan. Yes you heard it right, 3 months! After nila akong bilihan ng sarili kong sasakyan. Oh di ba rich? Hahaha. Joke lang. Di naman masyado.
Napatawa siya. "Hahaha. I just want to be my baby safe" Yan na naman tayo sa baby na yan. Napapout ako dahil dun na nahalata naman ni mama. "Haha, ok ok you're not a baby anymore" sabay yakap saken at sabing, "Hay, binata na talaga ang anak ko". Sabay baling kay Sky. "Kaya ikaw wag ka munang magbibinata ah!"
Sky groaned "Ughh! Stop it ma"
Kung itatanong niyo magkaiba kami ng pinapasukang school ng aking kapatid the reason kung bakit kay papa siya sumasabay. Ok na din yun para walang madaldal na ulaga. Joke.
"Oh and wait!" Mom exclaimed na napabalik ng tingin namen sa kanya as we approach our cars, "Nagtatampo ang kuya niyo, di daw kayo nag video call" Ooops! I forgot, oo nga pala!
"Oh sorry mom, tell him we will, when we get back from school" I replied "Bye ma!" As i made it to my car and skedadle.
.........................
"Hi Shawn""Hey cutiepie"
"Grabe ang pogi niya talaga"
"Sweetie!"
Ilan lang yan sa mga naririnig ko mula sa kanila at mga pagbati na sinusuklian ko na lang ng isang napakatamis na ngiti, Killer Smile! Hahaha, yabang eh no? Well wala naman akong magagawa, gwapo naman talaga ang kuya mo! Hahaha. Besides sa looks, di din naman ako papahuli sa Academics, see? Handsome and brain ang tropa mo. Come to think of it, kanina pa ako kwento ng kwento pero di pa pala ako nagpapakilala sa inyo.
Hi! Ako nga pala si Shane Nicholson G. Laxamana. Pangalawa sa tatlong magkakapatid na lalaki. Nagmula sa isang may kayang pamilya. Kung titingnan naman ang aking pisikal na mga katangian, eh talaga namang hindi ako papahuli tropa! Hehehehe yabang talaga eh no? Eh kung sa yun ang totoo eh. Haha. Maputi ako and I have blue eyes, yes you heard it right kaibigan! Asul ang kulay ng aking mga mata. Namana ko ito sa aking ina na isang Irish pati na rin ang kaputian ko well pati naman ang bunso kong kapatid pwera lang si kuya na kay papa nagmana. Nagtataka siguro kayo bat nagtatagalog mom ko, simple magsyota palang sila ni dad eh dito na siya nakatira sa Pilipinas, she is a daughter of an Irish businessman which is my grandpa. Lawit lang yata ang namana namen ni Sky kay dad. Hahahaha! Pagdating naman sa height, dito ako dehado siguro I only stood like 5'4 or 5'5 pero matinik pa din sa chicks. Pero kahit ganito ako NGSB ako and never pa akong nagkaroon ng karanasan sa sex. And also I am a consistent First Honor mula grade 1 hanggang grade 9, well anu pa bang aasahan niyo ngayong grade 10? Hahahaha. Sorry na ulit.
Pagkatapos ng mahaba-habang lakaran papunta sa aking klase, masaya na ako sa mga atensyong binibigay nila saken na mga pagbati pero wala nang mas masaya pa mula sa pagbati ng babaeng aking sinisinta.
"Hi Shawn, good morning" She greetd me smiling. Oooh, that smile that always took me above the ecstasy, the smile to make my soul melt with delight.
"Hi, good morning din Samantha" at dali-dali kong kinuha ang bulaklak na binili ko kagabi at inabot ito sa kanya, "Flowers for you" Yes, nililigawan ko siya.
"Aaaayyyyyiiiiieeee!!"
Sabay hiyawan ng aming mga kaklaseng mga babae kasabay ng lalo pang pagtingkad ng kanyang namumulang pisngi "Aahhmmm... Thanks Shane"
"You're welcome Sam" I replied with so much honesty and tenderness.
Nakaramdam na lang ako ng palo sa aking likuran. What the?? "Hanep tol! Iba talaga pag gwapings eh no?" Hush, si Peter lang pla. I just respond to him with a smile.
"Tsk" napatingin kami ng aking tropa kung saan nanggaling ang tunog na yun ng nakakunot ang noo. There at the farthest back nakaupo ang apat na ulaga. Sila James, Lester, Rico at Brandon na may ngiting mahahalatang may inis. Problema nito? Isinawalang bahala ko na lang ito't umupo sa tabi ng aking bestfriend na kanina ko pa napapansing tahimik.
"Oh anong problema mo, kay aga-aga nakabusangot ka!" Pagbibiro ko sa kanya.
She replied with bit iritation "Ano ba epal ka! Dun ka nga!" Sabay tulak saken.
Nagulat naman ako't napabungisngis sa kanyang inakto " Hihihihi, wag mo sabihing meron ka ngayon?" At sinamaan niya lang ako ng tingin na ginantihan ko naman ng matamis na ngiti.
"Ewan ko sayo"
So this what completes my day in school everyday, mga tropang sina Peter at Michael, bestfriend kong si Lizzie at siyempre ang babaeng nagmamay-ari ng ngiting kumukumpleto ng araw ko, si Samantha.
--------------------------------------
Hope you like the first chapter! Comment please so I know what's running through your mind ukol sa kwentong itong binabasa niyo. Salamat.
YOU ARE READING
BxB Series. Blue Eyes: Milk and Honey
SonstigesIt is a story of a high school achiever and how he suffered for the mistake he even never knew he made, a painful twist that led him to heartbreaks, betrayals, abuse and being broken. Only time tells when unseen wounds would heal. A story of how hat...