... it stings, my heart palpitates, so much it hurts...
[ Shane ]
Ansakit. Sobrang sakit pa din ng katawan ko nang alalayan ako ng mga kaibigan kong maupo sa aking upuan sa loob ng kwarto. Pero wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Ang sakit sakit. Di ko man sa hinagap kong mararanasan ko to.
Walang talab ang pag-aalo saken ng mga kaibigan ko. Patuloy pa ding umaagos ang luha ko dahil sa pangyayaring ito.
Bahagya akong napaangat ng ulo ng may mapansin akong nakatayong pigura sa harapan ko.
Si Sam. Lalo pang nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko sa tinging binibigay niya saken. Tinging nanunuya, nanlalait... nandidiri. Hindi ko kayang tagalan ang mga tinging iyon kaya muli akong yumuko. Tiniis ang sakit na aking nararamdaman. Muli akong napaangat ng ulo nag siya'y tumikhim at nagsalita, mga salitang lalong dumurog ng puso ko.
"Alam mo. Kung alam ko lang na ganyan ka, di na sana ako pumayag na ligawan mo ako" Ang sakit para akong sinasaksak ng mga salita niya. "Ang laki ng pag-asa mo saken eh, ikaw na ang nakikita kong magiging boyfriend ko, yun pala, boyfriend din ang hanap mo" Para akong nangangapusan ng hininga sa mga sinasabi niya. Lalo pang lumandas ang mga luha ko dahil sa mga masasakit na salita niya. Mga salita niyang nanlalait.
Nagulat na lamang ako ng may ihampas siya sa aking mukha, mga papel. Mga loveletters na binigay ko sa kanya. "Knowing na bakla ka naman pala, iyong-iyo na yan. Nakakadiri ka" Mga salitang kasabay ng mga tinging nandidiri.
Muli akong napayuko sa pinagsasabi niya. Ansakit, sobrang sakit lang. Sobrang sakit lalo na kung maririnig mo ito sa taong natuto mong mahalin, sa taong gusto. It stings, my heart palpitates, so much it hurts...
"Abat sumusobra ka na ah!" Rinig kong pagsabat ni Lizzie.
"Oh tama na Lizzie. Wag ka nang dumagdag!" Pagsabat ni Peter na waring inaawat niya ito.
"Eh sumusobra na yang babaeng yan eh! Sasampalin ko na yan!" Pagsigaw ni Lizzie.
"Eh bakit mo ba pinagtatanggol? Kambal mo ang na-agrabyado ng baklang yan ah? Ipagtatanggol mo pa" Ang sakit. Ang sakit lang talaga. Para akong pinupukpok pailalim ng mga salita niya, mga salitang panlalait at pangungutya.
Matiim lang akong nakikinig sa kanilang sagutan. Parang gusto ko na lang mabingi dahil sa sakit ng mga salitang naririnig ko. Parang gusto kong maglaho, parang gusto ko na lang mawala para di ko na nararanasan at nararamdaman ang sakit na ito.
Hanggang sa di ko na kayanin at nagmadaling tumakbo palabas ng kwarto.
"Shane!!" Di ko na pinansin ang pagtawag nila saken. Gusto ko lang mapag-isa.
Walang iba. Ako lang. Mag-isa.
[ Brandon ]
Di pa din ako mapakali. Bakit ko ba nagawa yun. What the fuck?!!? Anong bat ko ba nagawa yun?!!? Hell! Kaya kong gawin ang gusto ko at walang makakapigil saken! Pero bakit ganito.
Kanina habang lumuluha siya, di ko mapigilang hindi malungkot. Gusto ko siyang yakapin at patahanin. Gusto kong padaanin ang mga daliri ko sa pisngi niya para punasan ang matatabang luha niya. Bawat patak ng luha niya ay parang suntok sa puso ko. Masakit at di ko alam kung bakit. Pilit pa din ako binabagabag ng alaala niya, ng kaniyang hitsura kani-kanina lang.
Para na akong tanga! Para akong nababaliw! Di ko alam kung bakit ganito! Unang beses palang ako nakaramdam ng ganito. At ito ang una. Damn! Bakit ba ganito!! Fuuuck!
YOU ARE READING
BxB Series. Blue Eyes: Milk and Honey
RandomIt is a story of a high school achiever and how he suffered for the mistake he even never knew he made, a painful twist that led him to heartbreaks, betrayals, abuse and being broken. Only time tells when unseen wounds would heal. A story of how hat...