...everything will be alright...
[ Shane ]
Kita nang mga kung paano basagin ang mukha nang kaninag sumampal saken sa harapan ko. Bawat suntok ay masasabe kong malakas iyon. Alam kong masakit ang bawat sapak na pinapakawalan niya doon sa taong iyon, pero wala akong maramdaman. Sabi nang isip maawa ako pero di ako makaramdam. Tiim lang akong nakaharap kung saan unti-unting pinapadugo ang mukha nang taong yun kung sino man siya.
Pagkakalas nang mga kamay na nakahawak saken ay ang agarang pagbagsak ko paluhod. Shit. Ang sakit nang katawan ko.
Napapihit ang ulo niya papunta saken. Ano bang klaseng tingin yun? Mga tinging nag-aalala. Damn. Imposible dahil alam kong gustung-gusto niya itong nangyayari saken. Fuck. Lalong sumakit ang katawan ko dahil sa bigat nang dating ng mga isiping iyon. Ganito siguro talaga siya kademonyo.
Akmang lalapitan niya ako at iaabot ang kamay niya nang malakas ko itong tabigin. "Siguro naman masaya ka na?! O baka gusto mong mamatay pa ako para mas lalo ka pang sumaya?!" Kahit na nahihirapan ay sinubukan ko siyang suntukin dahil sa puyos nang galit na nararamdaman ko ngayon. Kahit mahina... kahit mahina ok lang. Makaganti lang ako.
Pansin kong napipilan siya sa sa sinabi ko. Nandun pa din ang pag-aalala sa kanyang mukha pero ngayon mas lumakas pa ito na para bang iiyak na siya. Damn! You can't fool me!
Akmang hahawakan niya ulit ako nang mas tabigin ko pa ito nang malakas. Di ko na kaya pa ang bigat na nararamdaman ko kahit hirap at masakit ay pinilit kong tumayo. Tumakbo. Malayo kahit na kanino, malayo sa kanya.
Takbo ako ng takbo kahit may mangilan-ngilan akong nakikitang pinagbubulungan ako. May mga nagtataka kung bakit ganoon ang itsura ko. Di ko sila pinansin. Haggang sa may nakabangga ako.
"Bro. Ok ka lang?" Puno nang pagtataka ang itsura niya. Di ko iyon pinansin at nagpatuloy pang tumakbo. Di alintana ang mga nakakabangga.
Hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa rooftop isang mataas na building na ito. Maging ako ay di ko alam kung bakit ako napunta dito.
Siguro dito ko makikita ang katahimikan. Mapait akong napangiti. Siguro dito nga. At muling tumulo ang matatabang luha kasabay ng sama nang loob.
Tinititigan ko ang mga nasa baba ng building na to. Kita ko din dito ang sasakyan ko. Mga estudyanteng masayang naglalakad habang nagkekwentuhan.
Lumakas ang ihip nang hangin kasabay nang patuloy na pagtulo pa nang aking mga luha. Dinama ko ito. Masarap sa pakiramdam. Ngunit hindi nito nagawang bawasan ang bigat na aking dinadala sa loob.
Matagal akong nalatulala sa kawalan. Sinusuntok ang dibdin hoping na mababawasan ito. Pero wala, ganun pa din, sinasaktan ko lang ang sarili ko. Mas lalong dinama ang malakas na hangin na bumabalot sakin.
Ganito na lang ba lagi? Ako na yata ang pinakamalas na tao sa mundo dahil mga nararanasan kong ito.
Hanggang mapatingin ako sa baba ng building. Mataas to. Sobrang taas. Siguro naman di ko na mararamdaman ang sakit dito. Ayoko na. Sobrang sakit na. Napapagod na ako. Sobrang pagod.
YOU ARE READING
BxB Series. Blue Eyes: Milk and Honey
RandomIt is a story of a high school achiever and how he suffered for the mistake he even never knew he made, a painful twist that led him to heartbreaks, betrayals, abuse and being broken. Only time tells when unseen wounds would heal. A story of how hat...