Ang Pinaka Huling El Bimbo

289 2 1
                                    

ISA

   Kasagsagan ng migraine noon sa classroom nila Nato dahil sa pagsagot ng quiz nila sa math. May ibang nangongopya, may iba naman na todo-effort talaga, pero si Nato naghihintay lang ng sagot sa katabi nya. Labingpitong taon palang si Nato. Matangkad, malalim ang mata dahil sa pagpupuyat, mahilig syang mag gitara, pero ang hilig nya talaga ay ang mag-drowing. Isa nga sa kasabihan nya ay ang..."Mahirap mag Art pag Broke". Katabi nya naman ang matalik nyang kaibigan na si Miguel na kasalukuyang nag-dodrowing sa likod ng notebook nito. Magaling sya mag-gitara, pero nagpapaturo sya kay Nato mag-drowing at kapalit noon, tinuturuan nya rin si Nato mag-gitara. Labinglimang taon palang si Miguel. Nagmula sya sa isang Broken family---kagaya ni Nato. Marahil eto ang dahilan kung 'bat naging matalik silang magkaibigan. Katabi naman ni Miguel ang isa pa nilang kaibigan na si Jonatan. Sya ang pinaka matalino sa kanilang tatlo at sya rin ang pinaka mahirap. Galing din sya sa isang broken family. Di kagaya nila Nato at Miguel sya ang pinaka talentado sa kanilang tatlo. Magaling sya mag-drowing, magaling mag-gitara, kahit anong instrumento ang patugtugin mo sa kanya alam nyang tugtugin. magkasing edad lang sila ni Miguel at di katamtaman ang tangkad. Meron syang salamin sa mata na may scotch-tape sa kanang lente. Scholar din sya ng Kamares High School kaya wala na syang binabayarang tuition fee.

   "Dude...naka kopya kana?" sabi ni Nato sa katabi nyang si Miguel na nag do-drowing.

   "Wait lang..." tugon ni Miguel habang kinakalabit ang katabi nyang si Jonatan. "Pre answer...?" sabi ni Miguel sa pawis na pawis magsagot na si Jonatan.

   "Di ko masagutan yung sa 2 atsaka 3...ang hirap". sagot ni Jonatan habang pinupunasan ang pawis.

   "Kopya ka kay Gigi" biglang sumingit si Nato. "Geh!" pabulong na sagot ni Jonatan.

     Crush ni Nato si Gigi simula nung 1st year palang sila. Pero di nya masabi ang nararamdaman sa dalaga dahil sa sakit nya, palaging bumubilis ang tibok ng puso nito at bigla nalang magpapawis, Adrenaline rush daw ang tawag dito. kaya sa tuwing magkakasalubungan sila ni Gigi, ay umiiwas ito.

    Pasimpleng kumopya si Jonatan sa katabi nyang si Gigi. "Pre eto na.." pinakopya ni Jonatan si Miguel, at pinakopya naman nito si Nato. Palaging ganto ang ginagawa nilang tatlo sa time ng Math pag may sinasagutan. Sasagot si Jonatan, kokopyahin ni Miguel at kokopyahin naman ni Nato ang kinopya ni Miguel. Pero kung wala namang masagot si Jonatan, nangongopya nalang sya sa mas matalino sa kanyang si Gigi, kokopyahin ni Miguel ang kinopya ni Jonatan at kokopyahin naman ni Nato ang kinopya ni Miguel kay Jonatan na kinopya nya kay Gigi. Gawain na nila 'to. Parang orasyon pag may Quiz.

     Abalang abala si Sir Frederico sa pag compute ng grades ng mga estudyante nya. Dalawang taon nang nagtatrabaho si Sir Frederico sa Kamares High School, Isang Semi-private na eskwelahan sa Cavite. Parang unfair din ang pagbibigay ng grades sa eskwelahan na ito. Gumawa ka ng tama, di nila matatandaan. Gumawa ka ng mali, habangbuhay ka nilang pag-iinitan. Mas kilala si Frederico sa tawag na Sir Fred, Yun ang tawag sa kanya ng mga estudyante. Maamo ang muka nito at mabait sa mga estudyante. Crush din sya ng mga ibang teachers pero mas maraming nagkakagusto sa kanyang mga estudyante. Masipag ito at walang reklamo sa mga gawain.

    "Sir! Sir!", sigaw ng isang binatilyong estudyante.

   "O? baket?..." mahinahon na tugon ni Sir Fred.

   "May nanakawan na naman po sa room namen!" nag hihingal na sagot ng pawising estudyante.

Napahawak sa batok si Sir Fred na parang dismayado,"Hay...nanaman?..."

   Talamak ang nakawan sa Kamares High School, kaya di na nagulat si Sir Fred sa narinig nya. Ibat-ibang uri ng mga gamit ang nananakaw sa Eskwelahan na ito. Minsan pera ang nananakaw sa mga estudyante, pero mas mainit sa mga mata ng mga magnanakaw ang mga Gadgets, Kagaya ng PSP, Cellphone na QWERTY pad, Ipod, Ipod Nano, Nokia na 3310,Samsung galaxy, Alcatel ot-710d, Cherry Mobile na QWERTY pad at  pati bolpen di pinapatawad. Pati nga yung Water Dispenser ng Canteen nila ninakaw, Isama mo narin yung tig-pi-pisong MAXX Menthol Candy.

Ang Pinaka Huling El BimboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon