Chapter 1

134 1 0
                                    

Steph's POV

"Girl!! Kamusta na ang lolo mo? Nabalitaan namin ang nangyari sakanya." Ang aga aga ang ingay ng bunganga ni Keith. Ang bakla kong bestfriend, hay..

"Ayun, ayaw sa hospital sa bahay lang daw siya. Pasaway talaga, sayang daw ang mga natitirang oras niya dito sa mundong ibabaw kung palaging puting kisame lang ang makikita niya."

"May pinagmanahan ka talaga girl." Sabi ni Rowena

"Hay tara na nga sa classroom, kaya na ni Lolo ang sarili niya. May quiz pa tayo kay Maam'Ruiz. First subject pa naman yun, mag-aaral pa ako." Sabi ko sakanila, pag-iiwas sa topic tungkol sa lolo ko.

"As if naman hindi mo ma-perfect yung quiz na yan. Kahit ata matulog ka sa klase ni maam wala siyang paki kasi napeperfect mo lahat."

"Whatever bakla, tara na guys!"

-

Pagkarating namin sa classroom, eto nanaman ang mga ka-klase kong walang pinagbago...

"Steph, ikaw ang pag-asa namin mamaya ah?" Sabi ni geena, ang isa sa mga ka-klase ko..

"Pwede ba? Anong akala niyo kay Steph? GOOGLE? Lahat ng sagot sakanya manggagaling. Hoy guys fyi, mag-aral naman kayo. Ilang beses na namin kayong hinayaan na ganyanin si Steffy ha? Nakakasawa na. Itigil niyo na yan." Si Rowena yan.. Parang ate ko na yan.

Natahimik ang lahat at nagsi upuan na lang.. Natahimik din ako sa sinabi ni Rowena.

"Ikaw naman kasi girl, sinanay mo sila na ikaw ang laging pag-asa. Hindi ka naman Google teh! Atsaka pwede ba? Kelan mo ba sasabihin ang totoo? Para hindi ka na inaapi ng mga yan."

"Naman keith, pag sinabi ko yun puro ka-plastikan naman ang matatanggap ko. Makikipag kaibigan dahil apo ako ng may-ari ng school na to? Wag na noh! Mas okay nang nerd ako at kayo lang ang mga kaibigan ko, kesa naman napaka dami ko ngang kaibigan halos lahat naman PEKE."

Hanggang sa pumasok na si Maam'Ruiz at nagpa quiz na. Pagkatapos ni Maam'Ruiz puro klase na at nakinig lang ako, ang tagal mag recess, gusto ko na makita si Vince.. Okay, kahit nerd ako may talande side pa din naman ako noh... At aminado ako dun.

Nag bell na at sign na yun na recess na nga. Pumunta na kami nila keith sa cafeteria. Oo cafeteria talaga dahil sosyal siya, pero may dahilan naman kung bakit sobrang bongga ng cafeteria namin, ito ay para sa mga nag HRM, dito sila nag o-ojt.

Bumili na kami ng pagkain namin at nang makaupo na kami ay nakarinig na kami ng tilian..

"Ang Tres Hunks!!" Sigaw ng isang estudyante.

"Ateng ang mga pantasya natin nandiyan na." Sabi ni Keith.

Napanganga kami sa pag dating nila, pag nandiyan talaga sila titigil ang lahat at sakanila naka focus ang lahat. Iba, iba talaga yung dating nilang tatlo..

Kung sana maganda na lang ako at hindi nerd edi sana may pag-asa ako kay Vince. Pero hindi, ayoko. Ayokong maging magulo ang buhay ko.

Ms nerd turned into Ms campus queen.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon