Chapter 2

110 1 0
                                    

Steph's POV

Tulad nga ng sinabi ko, lahat tumigil para lang tignan sila. Maririnig mo ang bulungan ng mga babae na katulad ko ay kinikilig din.

"Ang gwapo talaga ni Stephen.." Sabi ng isang babae

"Oo nga, pero gusto ko yung tulad ni Vince, mysterious type pero mabait at matalino." Sabi nung isang girl na konti na lang masasabunutan ko na.. Joke, pero kasi aking dapat si Vince.. Etchos!

"Basta kahit sino sakanilang tatlo okay na 'ko!! :">" Sabi pa nung isang babae.

Bakit nga ba umaasa kami sakanila kahit na malayong mapansin kami? Lalo na ako, di hamak na nerd lang ako, hindi kapansin pansin. Pero wala namang masamang umasa na baka isang araw mapansin kami. Na i-set aside nila yung itsura namin at mahalin nila kami sa ugali namin.

"Hello to earth 'teh!! Nakaupo na sila nag sspace out ka pa din sa pinto ng cafeteria!" Sabi ni Keith.

Napansin kong si Rowena ay nakatitig lang sa isa sa mga Tres Hunks.. Si Vaugn, ang playboy sakanila. Hay Rowena ayaw kitang masaktan sakanya kasi bestfriend kita. Pero ano nga bang magagawa ko diba? Puso niya yun eh, siya lang makaka tulong sa sarili niya, wala din naman akong magagawa..

Nakita ko si Vince, hay kahit lagi siyang tahimik ang gwapo niya pa din. I don't always see him smile, but by just a simple smirk, it could make me go head over heels for him.

"Teh, pumayag ka na kasing i-make over ka namin. Malay mo mapansin ka ni papa vince mo!" Si Keith..

"Ayokong magustuhan niya lang ako dahil maganda ako, atsaka wala akong balak magbago. Okay na 'ko sa ganito."

"Steffy, sayang ang ganda mo kung palagi kang magtatago sa lungga mo. Kelan ka ba matututong mag-ayos? Kahit hindi para magustuhan ka ni vince. Kahit sana para sa sarili mo lang. Ano ka ba naman, 3rd year highschool na tayo, mahihirapan kang mag-adjust pag nag college na tayo." Si Rowena

"Eh basta ayoko, kumain na nga lang tayo."

Pagkatapos kumain ay klase nanaman, boring as usual... Nung uwian na sabi ni Keith siya na daw ang maghahatid saakin. Oo, kahit na mayaman kami ayoko ng may body guard o may naghahaid sundo saking sasakyan. Kaya palaging nag papalitan si Rowena o Keith sa pag sundo sakin. Don't get me wrong, bawal pa kaming mag drive, they have drivers naman. 

"Osya thank you keith ha? Mwa mwa!" 

"Ingat ka papasok sainyo ha? Baka madapa ka, tanga ka pa naman." Kahit kelan talaga ang mean netong baklang 'to.

Pagpasok ko sa bahay nilapitan ako ng aking lola..

"Apo, pumunta ka sa kwarto ng lolo mo, kanina ka pa niya hinihintay." Kinabahan ako bigla, pero agad agad din akong nagpunta sa kwarto niya.

Nakita kong nanghihina na si lolo. "Apo" sabi niya, hirap siyang magsalita. Lolo, please stay strong kaya mo yan diba? Hindi mo ako iiwan diba? 

"Apo may paki-usap sana ako sayo."

"Ano po yun lolo? " Kinakabahan ako sakanya ah? Wag naman sana yung mag-asawa o magkaapo ako di ko kaya yun!

"Apo, gusto kong bumalik ka sa dati nung bata ka pa. Yung nag-aayos ka, simula kasi nung grade 3 ka at iniwan ka niya naging ganyan ka na. Apo, maganda ka wag mong itago. At gusto ko ding ipakilala ka na sa buong school dahil pagka nawala na ako apo ikaw na ang mamamahala sa school na yun." Wala akong maisagot kay lolo, gusto kong tumanggi pero baka masaktan siya. May lung cancer ang lolo at stage 4 na, critical na. Pasaway lang yan kaya wala sa hospital, ayaw niya daw dun. Mas maaga daw siyang mamamatay pag nagkataon.

"Sige po lolo, tutal weekend naman bukas, magpapasama ako kila Rowena at Keith sa mall."

"Salamat apo, alam kong makulit ang lolo pero gusto kong bago ako mawala sa mundo ay maging maayos ka na ulit. Matagal na panahon na iyon apo, kalimutan mo na siya."

"Lo, wala na siya sakin. Kinalimutan ko na siya. Hindi ko na siya kilala at wala na din akong pake sakanya. Masaya na ko ngayon lolo. Yun lang hindi pa din siguro ako handang buksan ulit ang puso ko, kasi yung gusto ko malabong magkagusto sakin."

"Walang imposible sa mundo apo, ako na ang nagsasabi sayo, baka bukas makalawa, magulat ka yung nagugustuhan mo may gusto na sayo. Maghintay ka apo, hindi magiging madali ang magmahal pero i-enjoy mo lang."

Nagmano ako sa lolo at lumabas na, paglabas ko ay nandun ang lola at kinwento ko lahat. Sang ayon siya sa gusto ni lolo dahil yun daw ay kailangan ko talaga. Nagpaalam na ako na pupunta sa kwarto. Pagka dating ko sa kwarto tinawagan ko agad ang dalawa at nagpasama ako sa mall. Sabi pa sakin ni Vince, "Bakla himala! Nagyaya kang mag mall, the last time I checked ayaw na ayaw mong nagpupunta sa mall ah?" Hay bahala sila, basta hindi ko pa naman sinasabi yung totoong dahilan eh.

Stephanie Mariz Ford, kaya mo yan! :)

Ms nerd turned into Ms campus queen.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon