Chapter 3

209 2 0
                                    

Steph's POV

Kinabukasan maaga akong nagising at nag-ayos. Hay, sana maayos ang kalalabasan ng pag mamall namin nila Keith at Rowena mamaya. Sabi nila saakin maaga daw silang pupunta dito dahil kailangan ko munang i-kwento sakanila kung bakit nagyaya ako sa mall. Sobrang himala daw kasi..

Pagkatapos kong maligo, at magpatuyo ng buhok ay tinawag na ako ng lola para kumain ng breakfast kasama ang lolo. Pero pagka-upo ko, may maingay na biglang dumating.

"Goodmorning Lola & Lolo!!" Ang bakla kong bestfriend, ang aga aga ang ingay agad..

"Goodmorning din Keith at Rowena halina't sabayan niyo kaming mag breakfast." At nagmano sila kay lola at lolo at umupo na din para kumain..

"Apo, mamaya pag nag mall kayo kunin mo lahat ng gusto mo pero dapat puro pambabae at hindi ka na boyish tignan ha? Ipatanggal mo na din ang salamin mo at mag contact lens ka na lang. Tapos ang dulo ng buhok mo ay ipakulot mo okay? Dahil sa monday ay ipapakilala ka na sa Stanford University ng lolo mo.." Wow, grabe naman. Agad agad? Sunday na bukas oh. Di pa ako ready.. :(

"Pero lola."

"Walang pero pero apo ako at ang lolo mo na ang nagsabi." Nakita kong natahimik si Rowena at Keith sa nalaman nila, pano ba naman hindi naman kasi nila alam eh.

"Oh keith? Rowena? Bat natahimik kayo?" Tanong ni lola..

"Eh hindi naman po kasi sinabi samin ni Steffy na kaya pala siya nagyaya mag mall ay dahil magiging babae na talaga siya. Akala namin ay forever na siyang losyang at nerd. Pero bakit po ba parang biglaan ang pagbabago at pagpapakilala sakanya sa University?" Tanong ni Rowena.

"Kasi ang lolo niya, gusto na siyang ipakilala, dahil si stephanie ang hahawak ng Stanford University. Dahil wala naman siyang kapatid ang busy na sa mga iba't ibang trabaho ang mama at papa niya. Osya, bilisan niyo ng makapagtagal kayo sa mall. Keith at rowena, maaasahan ko ba kayo sa pag make-over ng apo ko? Pagandahin niyo siya ha?"

"Opo, kami na po bahala kay steffy. Maganda naman talaga siya konti na lang ang kailangan baguhin."

Pagkatapos kumain umalis na kami, as usual sasakyan ni keith ang gamit namin at nagdiretso sa mall para mamili ng mga damit.

-

After 6 hours na paikot ikot sa mall napagod din sila at naghanap ng makakainan. Dinner na nga eh, bumili na lang kami ng fries at burger para sa lunch dahil ayaw daw nilang mag-aksaya ng oras para sa make over ko. Grabe sila, kung anong mahawakan nila iaabot nila sakin at ipapasukat pag approve sila kukunin na nila. Jusko anim na oras akong ganun, hassle sobra! Pero infairness, maganda ang taste nilang dalawa. Nagustuhan ko naman dahil hindi revealing yung mga pinili nila pero ang ganda sa mata at elegante talaga. Nice job guys!

"San niyo gusto kumain?" Tanong ni Rowena

"Gusto ko mag yakimix, nakakamiss dun." 

"Tara! Gusto ni keith eh, alam mo naman yan pag di nasunod magtatampo pupunta siya kahit mag-isa siya." Sabi ko.

"Grabe ka naman steffy, ouch ha! Wala talaga ako dito." At natawa na lang kami ni Rowena.

After kumain sa yakimix, akala ko talaga uuwi na kami dahil pagod na pagod na ako pero hindi pa pala..

Dumiretso kami sa salon ng Friend ni Keith. At dun nga ipapa make-over na nila ako. Wala na yung mga gamit kaya di hassle, pinauwi na namin sa driver ni keith tas babalik na lang dito.

"Friend! Kamusta ka na?" Sabi nung bakla na kausap ni Keith, ang ganda niya kung hindi mo titignan ng mabuti ang features niya hindi mo malalaman na bakla pala siya. At kung hindi mo maririnig ang pagka-lalim ng boses niya masasabi mong babae talaga siya.

"Uy Maika! Namiss kita, okay naman ako. Ikaw?" Ah. So maika pala name niya. Mukhang clueless din si Rowena kung sino si Maika, hahaha!!

"Okay naman din, anong ginagawa mo dito?"

"Eto pala si Stephanie at Rowena." Nakipag kamay kami sakanya. "At nandito kami dahil imamake-over mo si Stephanie.

"Yun lang ba? Kayang kaya ng powers ko yan, pero dear akin na ang salamin mo."

"Ha? Bakit?"

"Basta akin na." At nang inabot ko sakanya nagulat ako sa ginawa niya, binali niya ang salamin ko. Binali niya!!

"Waaah, bakit?! Bakit mo ginawa yun?!"

"Kailangan mo ng mag contact lens steph, meron naman kami niyan dito sa salon kaya ako na bahala diyan mamaya. Bibigyan kita ng 1 year supply ng contact lens mo. Pero for now, umupo ka na at aayusan ka na."

Pinaupo nila ako pero tinakpan nila ng black cloth ang salamin para daw surprise yung magiging itsura ko mamaya. At sa tagal nilang gawin yun ay nakatulog nga ako..

"Steffy, steffy gising!" So Rowena.

"Ay grabe, nakatulog pala ako ang tagal naman kasi eh. Sorry ah?" Pinakiramdaman ko naman kung may tumulo ba akong laway at good thing, wala naman.

"Okay lang, osiya tumayo ka na diyan at magcocontact lens ka na.." Pumunta kami dun sa supply ko ng contact lens at ang dami!! May isang pinasuot sakin si maika. Transparent kang siya at nung nasuot ko yun nakita ko ng mas maayos ang itsura ko at ang masasabi ko lang? "Wow! Maika, napagmukha mo akong tao... Thank you talaga, thank you!"

"Sus, wala yun konti lang naman ginawa ko sa mukha mo, mostly sa hair nagtagal. Kasi naka permanent curls na siya. Sa mukha mo wala namang problema maganda ka talaga at nahihiya ang pimples na tumubo sa mukha mo, kaya simple make-up lang din ang ginawa ko sayo pero see? Lalo kang gumanda."

I was checking my whole face when suddenly nagsalita ulit si maika. "I gave you supplies of make-up & contact lens for free. Gift ko na yan para sa whole new look mo. Goodluck stephanie!"

"Steffy na lang, since friend ka naman na ni keith, friend ka na namin." She just nodded & gave me a smile. Ang ganda niya talaga kahit bakla siya.

"Osiya uwi na kami late na din eh, thank you talaga Maika! Bond with us ng madalas ha? I'll ask your number na lang through keith okay?"

"Sige, ingat kayo! Bye keith & rowena!" Nag wave kami sakanya hanggang makalabas kami ng parlor niya.

-

Hinatid na nila ako pauwi, nag beso at nag thank you ako sakanila. Sabi ko nga sa bahay muna sila kaso late na daw at may gagawin pa sila. Kaya text/tawag na lang daw kami sa isa't isa.

Pagkauwi ko tulog na sila lolo at lola kaya agad din akong umakyat ng kwarto. Pag harap ko sa salamin, oo ibang iba na nga ako. Hindi na ako yung stephanie na boyish magdamit at nerd. Naka-kulot na yung dulo ng buhok ko, naka contact lens na ako wala na yung salamin kong makapal. At bumagay na din sa ayos ko ang braces ko. Hindi ko akalain na may tinatago pala akong ganda sa katawan ko. 

Tinignan ko yung damitan ko, wala na nga lahat ng luma kong damit. Nandito na lahat ng damit na binili sakin nila Keith at Rowena at madaming dress na tingin ko si lola ang nagpadala.

Humiga na lang ako pagod na pagod ako, goodluck talaga sakin bukas. Ipapakilala na ako bilang APO NG MAY ARI NG STANFORD UNIVERSITY.

Stephanie Mariz Ford goodluck sa magiging bagong buhay mo. 

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ms nerd turned into Ms campus queen.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon