Panimula

1.2K 20 1
                                    


Hi! Ehm, alam ko iniisip nyo. Ano ba naman to si MF di pa tapos yung #CWTF nya, tapos may bago pa siyang fic na ginagawa tapos ito nanaman? Masyadong pabida. Masyadong pabibo. Papansin. Epal.

Sorry na! 🙁

Pero.. Alam nyo ba yung mga pagkakataong maraming gumugulo sa isip mo tapos may maliliit na taong nagsasalita sa utak mo? (Di pa ko baliw ha... pero malapit lapit na) Yung mga maliliit na boses na yun, nagsisimula yun kadalasan sa mga kalokohan. Tapos masusundan ng isa pang kalokohan hanggang sa maging isang tunay na kalokohan na sya. Pero de seryoso talaga, nabubuo syang maikling kwento. Minsan masaya, minsan tragic, minsan madrama, minsan nakakairita (madalas pala), minsa tapos, minsan hindi (pa) tapos, minsan naman tapos na mukha lang hindi pa.

So anong point ko? Actually wala lang... dito ko ilalagay ang mga maiikling kwentong aking pansamantalang maiisipang isulat para naman.. wala lang din. Feel ko lang. Mahilig ako magkwento, mahilig rin ako magpakwento.

Abangan natin san ako dadalhin ng kalokohan kong ito.

Sa ngayon.. ang mga matutunghayang kwento ay pawang imahinasyon at kathang isip lamang.

Enjoooooy! 😌

MF

Kwentuhan tayo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon