at Si James

181 13 6
  • Dedicated kay every torpe guys out there
                                    

Ten, Ten years old pa lamang ako noong una ko siyang nakita. Limang taon na ang nakalipas, miyerkules iyon, araw ng palengke. Halata sa mukha niya ang pagkalungkot, pero bakit kaya? Gusto ko sana siyang lapitan at makipag-kaibigan ngunit anong magagawa ko sa kalungkutan niya? Eh isa pa lamang akong sampung taong gulang na bata noon? Umiiyak pa nga ako sa mama ko kapag inaaway ako ng kaklase ko tapos siya pa kaya, pagagaanin ko ang loob? Imposible. Noong araw na ring iyon nalaman ko ang palayaw niya, Neneng. Pero bakit kaya Neneng? Mapahanggang ngayon eh iniisip ko pa rin kung bakit neneng iyon. Malakas ang tibok ng puso ko noong nakita ko siya, hanggang ngayon, malakas pa rin ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko siya.

Nine, section nine. Iyan ang section ni Neneng. Sayang lamang dahil hindi ko pala siya kaklase. Akala ko pa naman ay makakapagpakilala na ako sa kanya. Pilit ko talagang inalam ang pangalan niya, sa sobrang pilit ko ay hindi ko pa rin nalaman. Tinanong ko na lahat ng kaibigan ko pero wala, wala pa ring nakakaalam kung sino siya. Misteryoso siya, misteryoso si Neneng, hindi siya palakaibigan, hindi siya ganoong kaaktibo sa eskwelahan. Nakakainis mang isipin pero pagdating kay Neneng, hindi ako makapagsalita, ni hindi nga ako makalapit. Kung sa magnet man ay North siya at North din ako kaya kami nagrerepel, kaya kami nagkakalayo.

Kalagitnaan na ng unang taon ko sa highschool pero hindi ko pa rin nakikilala si Neneng. Siguro nga'y tadhana na hindi kami magkakilala. Isang araw, naglalakad ako mula sa gymnasium ng aming eskwelahan, nakita ko na maraming tao ang nagkakagulo sa may gilid ng gym. Naglapitan ang mga kaklase ko kaya sumunod na rin ako, para lang makiusyoso. Nagitla ako nang malaman ko na si Neneng....... ay hinaharana ni Jake. Si Jake na kaklase ko, si Jake na kaibigan ko, si Jake na pinagtanungan ko ng pangalan ni Neneng ngunit ay hindi naman ako sinagot. Nililigawan ni Jake si Neneng, ay hindi pala, si Genella Cortez. Bwisit, naunahan na ako, ang bagal bagal ko kasi. Bakit ba ako natotorpe kay Neneng? Ay Genella pala. Sarap umuwi ng umiiyak pero ano ako bading? Di ako weak! Kaya ko ‘to! Noong gabing yon, hindi talaga ako makatulog. Yung akala mo matutunaw na yung kisame sa kakatitig ko? Wala na akong pag-asa kay Genella, halatang-halata naman na kinikilig siya kay Jake. Oh sige na nga, bahala sila.

Eight, eight hundred pesos ang baon kong pera noong una naming date ni Polly, ang ex-girlfriend ko na naging rebound ko lamang dahil nasaktan ako kay Genella. Pero habang kami ni Polly, ginusto ko na rin siya. Iba siya sa mga ibang babaeng nakilala ko, mabait, matalino, sikat, maganda, at athletic talaga ngunit hindi pa rin ‘yon sapat para mapalitan ko si Genella sa puso ko. Hindi ko ba alam, hinding-hindi ko alam kung bakit taling-tali ang puso ko kay Genella. Habang hawak ko ang kamay ni Polly, si Genella ang iniisip ko. Habang kausap ko si Polly at nakatingin sa mga mata niya, akala ko mata ni Genella ang nakikita ko. Mali ‘to, sabi ko sa sarili ko, pero ayokong saktan si Polly dahil naging malapit na rin siya sa puso ko at itunuring ko na rin siyang best friend. Oo, tawagin mo man akong gago pero ayoko lang talaga manakit, yun lang yun. Ang hirap makita si Polly na umiiyak dahil sa akin ngunit lahat ng ito ay isang kahibangan na kailangan kong itigil. Kaya matapos ang anim na buwan ng pagiging kami, nakipag-hiwalay ako sa kanya. Hirap na hirap ang puso at isip ko pagkatapos ng oras na ‘yon, akala ko nga hihimatayin ako pagkatapos ko sabihin ang lahat sa kanya. Kahit ngumiti siya noong natapos ang usapan namin, ramdam ko, ramdam na ramdam ko ang pagkamuhi niya sa akin. “Ang tanga ko!”, sabi ko sa sarili ko, “Ang tanga mo!”,sabi pa sa akin ng lahat ng tao sa mundo. Edi sinaktan ko rin pala si Polly sa huli, wala eh, bobo ‘tong si James Purificacion.

Seven, seven medals ang nakuha ko noong sumali ako sa mga contests sa eskwelahan. Gustong-gusto ko kasing mapansin ni Genella, si Genella na mukhang pag-aari na yata ng iba. Lahat ng contest sinalihan ko, ultimo slogan making sinalihan ko na rin, para lang mapansin ako ng buong eskwelahan, ay hindi pala, kahit ni Genella lamang. Gawa dito, puyat doon, pati lunch break ko, okyupado na rin, wala na akong pahinga, pero lahat ng iyon ay para sa magagandang ngiti ni Genella. Intramurals noon, malapit nang matalo sa finals ang team namin, pagkatapos, bigla ko siyang nakitang nag-chi-cheer sa team namin. Ginanahan ako at nag-feeling Michael Jordan ako sa buzzer beater na ginawa ko! Siyempre kailangan kong kindatan ang aking only one, pagkatingin ko sa lugar kung saan nandoon si Genella, wala na siya, umalis na siya. Pakshet! Bakit wala na siya doon? Nabadtrip talaga ako noon pero nawala lahat ng pagod ko noong nalaman ko na Rookie of the Year pala ako, galing ko! OO NAMAN, para yun kay Genella. Si Genella na wala man lang ka-effort effort, well, di ko naman siya masisi, bulok din kasi ako sa damoves. Wala ako nun, di pa uso sa akin. Recognition day, napaka-init, pati ulo yata ng principal namin, mainit din. Binulyawan ba naman ako? ‘Di daw ako pumipila ng maayos? Hoy excuse me ho, 3rd honors po ito! Naks, oo, narinig niyo, tama yan, 3rd honors ako!!! Hahahaha! “Kuya, bakit ang yabang mo po?” tanong sa akin ng isang batang pakialamero sa tabi pagkatapos kong magsisigaw sa labas ng gymnasium namin. Hinahanap ko si Genella pero wala naman siya. Baka wala siyang award, bwiset naman oh, para pa naman sa kanya ang award ko ngayon tsaka plano ko na sana umamin sa kanya. WALA NA, WALA NA.

Si GenellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon