ang ending 1/2

107 6 6
                                    

Part 1/2 na po ito ng ending ng "Si Genella" -Short Short Story-. Lame po talaga akong author since first story ko po ito, pagpasensyahan niyo na po ako! Haha. Kung may gusto po kayong i-react diyan or kung feeling niyo po walang kagana-gana ang story na ito, imessage niyo nalang po ako para mapag-aralan ko pa po kung paano mag-write ng mas matino na story. Arghhhhhhhh! Ang hirap mag-isip. Nakakasabaw! Ha Ha.

Hanggang ending po, puro POV na ni Genella. Next time nalang si James, weak naman yun hahahahaha! <3

=df=

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

-isip ko bago ako ikasal. Sa tanging lalaking makakasama ko sa buong buhay ko. Si Edward.

Nagkakilala kami ng Edward noong nag-kolehiyo ako sa Maynila. Civil Engineering ang kinukuha niya at MasCom naman ang kinukuha ko. Nagkataon pang magkaparehas kami ng probinsyang pinanggalingan kaya naman madali akong naka-relate sa mga kwento niya, at dahil dito mas lalo kaming naging close ni Edward. Hindi ko na-realize na gusto ko pala siya since kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya, not right after graduation, kung saan naramdaman ko na iba na ang tingin ko sa kanya. He's not just a friend, he's just not a special friend, but he's the guy I love. Siguro rin na-stuck ako sa past dahil sobra ko talagang minahal si James, si James na isa lang palang puppy love. Akala ko rin kasi, siya ang makakatululuyan ko. Puro kasi ako akala noon kaya hanggang ngayon akala ko siya lang ang mahal ko, hindi ko manlang napansin ang mga taong nakapaligid sa akin at tunay na magmamahal sa akin.

I think, being with Edward is fate, is destiny. 3 years kaming hindi nagkita after siyang madestino sa Dubai, habang nandito ako sa Pilipinas, pilit kong hinanap ang sarili ko. I set my goals in life, yung mga kailangan kong matupad habang hindi pa ako natatali, in a formal way, hindi pa ikinakasal. Marami yung laman ng listahan, puro You Only Live Once rules. Yung iba, okay lang. Yung iba, wild talaga at extreme. Pagkabalik ni Edward mula sa Dubai, akala ko nagbago na ang pagtingin niya sa akin pero I'm perfectly wrong, mahal niya pa rin ako. Sinagot ko siya at nagtagal ang relationship namin as boyfriends and girlfriends for 5 years. After nun, nagpropose na siya sa akin. I guess its really the right time for us to get married, stable siya, stable na rin naman ako. At ngayon, nandito ako sa room ko, 1 and a half hour na lang at wedding ko na.

"Uy, kamusta na nga pala si James? James your ex-boyfriend?" Tanong sa akin ng isa kong abay, si Polly.

Si Polly naman, she became my bestfriend during those terrible moments of my highschool years. I remembered highschool tuloy, madalas si Polly ang kasama ko gumawa ng mga bagay bagay, mapa-assignment, mapa-seatwork, kahit sa pagpili ko ng dress for our JS Prom, kahit sa pagrereklamo sa teacher, nandoon si Polly. She never left me, kahit nahihirapan akong mag move on kay James after our break up. After highschool, I've never heard about her. Mabuti nalang at sobrang accessible na ng technology ngayon, nagkausap ulit kami. Now, she's happily married to Jake. They already have 2 kids and they're already based in California. Umuwi lang talaga siya dito for my wedding and I'm so grateful na nandito siya even though busy ang schedule niya.

"And your ex-boyfriend too!" Laughter spread all over the place. Napuno ng pag-aasaran dahil nabanggit ang pangalan ni James. 

"What happened with you and James nga pala?" Isang curious na friend ko ang nagtanong. College friend ko siya and surely she knew nothing about James.

"Very very very long story Jeanne." Nginitian ko na lang siya and the past popped up in my mind.

Ano nga bang nangyari sa amin ni James? Bakit nga ba hindi naging kami ang ending ng istorya?

Si GenellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon