ang mahilig sa akala

295 20 12
  • Dedicated kay people who cannot admit their feelings
                                    

Ikaw, oo, ikaw.

Akala mo ba hindi ko nakita yung sulyap mo sa akin nung first day ng klase? Alam mo ba na ang ganda pala ng mga mata mo? Nakita ko na lumingon ka ulit, kaso umiwas ako. Siguro kaya mo ako tinitingnan noon kasi wala akong kaibigan. Oo, wala nga akong kaibigan. Paano ba naman? Inilipat ako sa section mo. Wala man lang nakikipag-usap sa akin dahil lower section ako noon, at kayo, nasa first section. Di ako sikat, ikaw sikat na sikat ka sa buong eskwelahan.

Akala mo ba hindi ko naramdaman yung kulbit mo sa akin nung Flag Ceremony? Alam mo bang gusto kitang kausapin noon, kaso nahihiya ako sa iyo at nagkunwari akong kausap ko ang kaklase natin, baka kasi akalain nila na feeling close ako sayo. Nung recess, alam ko rin na sinadya mong tapakan ang sapatos ko para malaman mo ang pangalan ko. Nasaktan ako at bigla mong hinawakan ang kamay ko para mag-sorry. Doon mo na tinanong kung ano ang pangalan ko, nung una, naghehesitate pa ako na sabihin sayo, pero napag-isip isip ko na pangalan lang naman ang itinatanong mo at yun lang talaga.

Akala mo ba hindi ko napansin na ginamit mo yung pangalan ko sa example sentence na ni-recite mo kay Ma'am? Alam mo bang nagkunwari lang ako na tulog para akalain mong hindi ko narinig ang sinabi mong sentence. Hindi yun napansin ng mga kaklase natin at hindi ka nila tinukso kasi hindi naman nila natatandaan ang pangalan ko. Naalala ko pa nga yung sentence na sinabi mo, "Genella is a girl with a perplexed thought.", hindi ko inaasahang ganon ka pala kagaling maghalungkat sa dictionary. Oo, James, alam ko rin na binuksan mo ng patago ang dictionary para maghanap ng eleganteng salita. Sa pagkakarinig ko sa mga kaklase natin, ikaw daw ang 3rd honors simula 1st year. Nakakatawa mang isipin na nangdadaya ka, pero, Matalino ka pa rin.

Akala mo ba na hindi ko nabasa yung note na pinasa mo sa buong klase kung saan may nakalagay na "Si Genella hindi namamansin."? Alam mo ba na ako yung naglagay ng "Oo nga eh, pero halata namang gusto niyang makipag-usap sayo.", kaso crinumple mo agad yung papel at itinapon kasi sinisimulan ka nang asarin ng mga katropa mo. Pinagtawanan ka pa nga nila dahil may pinopormahan ka na agad kahit first day pa lang. Alam mo ba na narinig ko yun at pinilit kong pigilin ang pagpula ng pisngi ko? Ang hirap mang aminin pero napaka-ganda talaga ng mga ngiti mo, nakakatunaw.

Akala mo ba na hindi ako nagselos nung nakita kitang kausap si Polly? Alam mo ba na alam kong ex-girlfriend mo siya? Nainis ako nang sinabi mong hindi mo siya makakalimutan kahit magkaroon ka na ng bagong girlfriend. Paano nalang kung naging girlfriend mo ako? Ibig sabihin di mo pa rin makakalimutan si Polly? Narinig ko na matagal-tagal din daw kayong naging mag-on. Totoo nga, bagay nga kayo ni Polly, maganda siya, gwapo ka. Nang papalapit na ako sa inyo, sinadya ko talagang ilaglag yung libro ko sa harap niyong dalawa para mapansin mong nandito lang ako sa tabi at oras na para kalimutan mo siya, ay hindi pala, oras na ng klase. Nakita kong iniwan mo si Polly para sundan ako sa hagdan pero tumakbo ako ng mabilis, ayoko kasing sabihin ni Polly na inaagawan ko siya, mabait ako, mabait ako.

Akala mo ba may partner ako nung first seatwork natin sa Algebra? Alam mo ba na ang tagal tagal kong inaantay na lumapit ka sa akin at itanong kung may partner na ako? Nung tumama yung mata mo sa akin at palapit ka na sa akin, bigla akong pumunta kay Ma'am at nag-tanong kung pwede ba mag-cr. Oo, ni-regret ko talaga yun habang nasa c.r. ako kaya napag-isipan ko na gusto ko na ring makipag-kaibigan sayo, kaya binilisan ko ang pagtakbo pabalik ng classroom. Pagdating ko sa classroom, nakita kong may kapartner ka na. Nahirapan akong pumili ng kapartner samantalang ikaw, pila ang gustong maging partner mo.

Akala mo ba na totoo yung sinabi ko sayo na susunduin ako ng papa ko nung dismissal nang itanong mo sa akin kung pwede mo akong ihatid sa bahay namin? Alam mo ba na patay na ang papa ko 5 years ago? Habang naglalakad ka, nakayuko ka pa rin, hindi ka yata nakakaranas ng rejection. Bigla ka pa ngang nabangga sa poste, gusto kitang lapitan at tulungan kang gamutin yang sugat mo sa noo pero lumapit ang tropa mo sayo, pinakamasakit pa noong dumating si Polly at ginamot niya ang sugat mo, dapat ako ang gagawa noon kaso andiyan na siya. Lumakad nalang ako papalayo sa inyo baka pa kasi makita ako ni Polly. Hindi ko naman siya mahihigitan sayo.

Akala mo ba na nakita ko ang facebook friend request mo? Alam mo ba na ang tagal kong brinowse ang profile mo pagkatapos kita i-accept? Mutual friend pa nga natin ang kuya ko kasi magka-team pala kayo sa basketball dati. Muntik na akong malaglag sa upuan nung nag-send ka sa akin ng message, kaso sineen zone kita, tinawag na kasi ako ni mama para kumain ng hapunan. Pagkabalik ko, ginagamit na ng kapatid ko yung computer dahil sa project niya. Pagkatapos niyang gumawa ng project, nag-online agad ako para sana sagutin ka kaso offline ka na. Nagalit ka yata kasi sinabihan mo akong "snob" sa chat. Siguro akala mo iniiwasan kita kasi ayoko sayo.

Akala mo ba hindi ko napansin yung text mo sa akin bago matulog? Alam mo ba na gustong-gusto kong mag-reply sayo kaso piso na lang ang load ko? Kapag nag-reply ako, magrereply ka pa ulit at aasahan mo pa akong magreply sayo. Natatakot akong sabihan mo ako ulit ng snob at mawala ang feelings mo sa akin kaya tinext na lang kita ng "Wrong send po.". Hindi ka na nag-reply siguro dahil nakatulog ka na rin sa tagal kong magreply o kaya naman nakipag-text ka nalang sa iba. Wala ka namang mapapala sa akin.

Akala mo ba hindi kita iniisip bago matulog? Alam mo ba na ang dami kong iniimagine na mangyayari pa sa atin in the future? Oo, alam kong isa akong dakilang pakipot pero gusto na rin yata kita. First day ng klase, first time kitang nakita, love at first sight ang nangyari sakin. Ikaw yata ang pinaka-maraming first, sana ikaw na rin ang last. Niyakap ko ng mahigpit ang unan ko at inisip na ikaw ang yakap ko.

Akala mo ba hindi ko naisip na makipagkaibigan sayo pagkagising ko? Alam mo bang excited na excited akong pumasok dahil sayo? Halos ipaligo ko ang pabango ni mama para kung sakaling lumapit ka sa akin at makipag-usap, magiging presentable naman ako sa paningin mo, para mahigitan ko ang sinumang babae diyan. Ayaw ko namang maging kawawa sa harapan mo diba? Halos perpekto ka, tapos ako, eto, wala lang, talampakan mo lang.

Akala mo ba hindi ako tumakbo para habulin ka papasok sa gate? Alam mo bang feeling ko tayo lang dalawa ang tao sa mundo? Ikaw lang yung ini --

Si GenellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon