LS ♥ Chapter #10.1 A Perfect Tutor to Learn!

88 4 1
                                    

Dedicated to JazzSorima07. Thankyou for reading my story ! :) Sorry for waiting! Always stay tune.

Chapter #10 

==========================================================

 

 Everything happens for a reason.

 

Two months na ang nakalilipas pero pakiramdam ko halos dalawang taon na yon. Sa dami ba ng nangyari at patuloy na nangyayari sa buhay ko, parang mga story lang na nababasa ko sa wattpad at asian fanfics. =__=

Si Darren, napansin ko may nagbago sa kanya.

2 weeks after nung nangyari sa mansion nila. >//< Oo, nang-aasar pa rin sya .. madalas, pero bumait sya ng konti sa akin. Konti lang kasi baka mas may ibabait pa sya don. Hehe.

And then lagi syang sumasama sa amin ni Sab. Para bang buntot? ganon. Hindi yung literal na buntot ng aso o anong hayop po ah? Ibig kong sabihin, kung saan nga kami nandun ng bestfriend ko, nandun rin sya. Hay.. medyo naiilang pa rin kasi ako sa kanya. Hindi ko maiwasang masagi sa aking beautiful mind yung bagay na yon lalo na kapag nakikita ko sya. 

Nadagdagan pa lalo problema ko paano..

First examination na namin next week!  T^T

Ngayon ko lang naramdaman na kabahan. Dahil nga lagi akong puyat, hindi ako makapagfocus kapag naglelesson na yung mga teachers. Ang hirap idilat ng mga mata ko... Pero kapag nasa kondisyon naman ako, kundi si Sab.. si Darren yung nanggugulo sa akin. Mga pasaway sila!!

Last year ko na bilang high school student so mas pagbubutihan ko na! at para magawa yon.. kelangan ko munang patahimikin yung dalawang asungot na gumugulo sa buhay ko. Kung kaya ko.. T__T

Eto nga ngayon, kinukulit na naman ako ni Sab. Hanap daw kami gwapo. -__- Dati ko pa sinasabi sa kanya na kung gusto niya makakita ng gwapo, punta na lang kami ng Korea! Andun sina Lee Min Ho, Do Min Joon, Taehyung at Sehun. <'3 Super handsome ng mga yun. >///< 

"Sab! Mabuti pa kung hanapin mo ngayon eh mga libro at reviewers! Mamaya, maiyak na naman sina tito at tita sa baba ng grades mo." 

 

"Sunny Girl, alam ko yon. Ang sabi pa nga nila kapag palakol na naman grades ko, papalayasin na nila ako. Saan naman pupulutin ang beauty ko nun! So ang hinahanap ko ngayon.. eh gwapo na pwedeng maging tutor. O diba ? " sabay taas baba ng kilay niya. Maloloka talaga ako sa bestfriend ko na to.

"Required talaga na pati tutor, gwapo? Hindi ko na alam kung ano bang meron yang utak mo."

"Ouch naman Sunny Girl! Eh sa gusto ko gwapo eh! Pano ako gaganahan mag-aral kung nakakawalang gana yung nagtuturo sa akin diba? Pagbigyan mo na lang kasi ako. Okay?"

"Hay. Whatever. Iisa isahin ba natin yung may itsura dito sa school tapos tatanungin kung pwede kang turuan? Hindi kaya abutin tayo ng gabi nyan? Isa pa, uhmm... napansin ko lang, hindi yata nakabuntot sa atin si Darren?"

"Ayieeeeeeeee namimiss mo lang pala si Darren eh. Stop worrying my dear Sunny. Magkikita rin kayo! tara dun sa garden!" sabay hila niya sa akin.

"A-ano bang sinasabi mo Sab! H-hindi ko sya namimiss."

"Defensive~"

"HINDI AKO DEFENSIVE!"

"Bakit ka sumisigaw? Yieeeeee. Nako!"

"AHHHHH! EWAN KO SAYO! IKAW NA LANG MAGHANAP NG MAGTU-TUTOR SAYO!" 

"Sunny binibiro lang kita!" tatalikod na sana ako ng..

"Hey Sab! Sunny."

"K-kuya ni Darren? I mean Kuya Ethan! Uhh, h-hello." 

"Sya yung magtututor sa atin Sunny! O diba? gwapo na matalino pa. Tuturuan ka din niya kasi alam kong kailangan mo rin sya. Ang ibig kong sabihin, kasi diba c----" tinakpan ko agad yung bibig ni Sab. Waaaaaahh! muntik na yon. Ang daldal talaga niya T___T

"AH! OO. KASI DIBA KAILANGAN NA KAILANGAN KO NGA RIN NG TUTOR?! KUNDI NAMAN DAHIL SA INYO NI DARREN, MAKAKAPAG-ARAL AKO NG SARILI KO LANG! NG M-A-A-Y-O-S!! DIBA SAB?!" kinurot ko sa likuran si Sab kaya napaiktad siya. 

"O-oo nga" pilit na sabi ni Sab. Sabay tingin ko naman kay Kuya Ethan habang nakangisi. Mukha siguro akong ewan. >__<

"If that's the case. I need to tutor the both of you nga. Pasensya na kung pasaway yung kapatid ko ha? mana kasi sa akin. Haha! biro lang.. So? let's find a perfect place para makapag-aral na kayo ng maayos." sabay ngiti niya. Ohmygash. nasilayan ko na naman ang killer smile niya ♥

"Sige. Diretso na tayo sa garden. Maraming bench dun. May tables ren." sabi ni Sab. Nakahawak pa rin sya sa likod niya. Napalakas yung kurot ko eh.

"Sunnyyyy~ ang sakit ng kurot mo ha! kung kinikilig ka kasi kurutin mo sarili mo~ wag ako. Ang sakit pa rin hanggang ngayon oh." mahinang sabi ni sab. Sabay pout niya.

"Kasalanan mo rin yan! Muntik mo na kaya akong mabuking. Sabi ko secret lang natin yon." pabulong ko ring sabi sa kanya. Tapos sinimangutan niya lang ako.

===========================================================

cut po muna :) 

Yung chapter #10.2, within these days ipopost ko rin po siya agad. 

Mianhae for the long wait! ^^ 

enjoy reading ^__^

Vote and comment na rin po!

▬∞CutieKpopLover∞▬

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Society ♥ (On going ☺)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon