LS ♥ Chapter #9 Beautiful Nightmare

62 4 4
                                    

Chapter #9 Beautiful Nightmare ♥

====================================================

Darren's POV

Two weeks have passed since that tragic like incident, happened. Walang ibang dapat sisihin, kundi si Sab. That weird best friend of Sofy. Sino bang may matinong pag iisip yung bigla na lang mamamatid? It's too obvious, na may crazy purpose sya kaya nya ginawa yon. What an effin night! I could still remember every single detail of that "disaster supposed to be Sleep over". 

"Ugh,Sh*t!" there it goes.

Everytime na maalala ko yung nagawa ko kay Sofy na hindi ko naman sinasadya.. Napapacurse at napapamura na lang ako. I can't help it! Para na nga akong baliw. Why am I acting like a typical girl .. who cannot forget the person who just stole her first kiss? I'm so handsome to be a gay. It's too cliche of me! 

"Hey Bro! Are u even listening?" - Arvi

Nakalimutan ko na kasama ko nga pala yung apat na ungas.. andito kami sa Golden Bar

syempre ano bang usual na gawain namin dito? edi BAR HOPPING!

"Too much Preoccupied about something, Darry babes?"- Cedric

I gave my usual blank face to cedric which means na hindi ako natutuwa. 

"You've been recently like that. Iniisip mo pa rin ba yung nangyari sa inyo ni Sunny?" -Derick

"First kiss nya kasi yon Dude! Haha!" - Cedric

"DAMN YOU CEDRIC!!"- ako

"What? bakit di ba totoo?- Cedric

"Bro! Isipin mo na lang kasi, quits na kayo ni Sunny! Parang nagantihan mo na rin sya sa nangyari na yon. Nahalikan mo pa." sabay taas baba ng kilay nya. -Derick

"And stop being feisty Darren. As if It will solve your problems." - Arvi

"Yeah, yeah. Kelan ba ako nanalo sa inyo guise?" Inubos ko yung shot ko at tumayo na.

"Saan ka pupunta? We're still at the middle of drinking." - Raviel 

Buhay pa pala yung isang yon.

"I'm done here." dumiretso na ako sa parking lot at sumakay sa Volvo ko. Gamit kasi ni Ethan yung Porsche. Mas gusto ko pa namang idrive yun.

------------------------------------------------------------------------------

Pagkarating ko sa bahay pinagbuksan ako ni Manang. Himala umuwi ngayon si Kuya Ethan sa bahay. 2 weeks na lang at uuwi na rin sila Mom at Dad galing sa business trip nila. Tapos na rin ang pasarap namin ni Kuya. 

Sabi ni Manang natutulog na daw si Ethan. Hating gabi na rin kasi. Kapag napapasarap yung inuman naming magkakabarkada, inaabot talaga kami ng madaling araw, minsan umaga pa nga eh. Ganyan namin kamahal ang alak. 

Umakyat na ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Nagshower muna ako saglit bago matulog. 

Pero sa tingin ko.. malabo na namang mangyaring makatulog ako. Siguro pinakulam na ako ni Sofy kaya ako nagkakaganito!

Nakita ko sa bedside table yung phone ko. Binuksan ko yung Images at agad na bumungad sa akin yung larawan naming dalawa ni Sofy nung gabing yon. 

"Ang ganda mo talaga Sofy."

==================================================

Sunny's POV

"Ano ba!!! gustung gusto ko na matulog!!" @______@ napabangon ulit ako sa maganda kong kama.

Halos madaling araw na pero di pa rin ako makatulog! Kanina pa ako pagulong gulong dito sa kama. Huhu. Kung ano anong paglilibang na rin ginawa ko pero wala talaga. T^T 

Ang sabi nila kapag di ka daw makatulog, napapanaginipan ka ng isang tao? o di kaya naiisip ka daw nito. Pero utang loob naman! bakit naman niya kelangan mag isip tungkol sa akin ng ganitong oras! 

Humiga na ako ulit at nagtalukbong ng kumot at unan sa mukha. Okay Sunny,, kaya mo yan makakatulog ka rin. Basta magrelax ka lang at ipikit mo ang mga mata mo. 

Pagdilat ko ng mata ko nasa dreamland na ako! Ambilis diba? 

Pero nasan nga ba ako? 

Biglang may humila sa akin. Papasok dun sa palasyo. Isang batang lalaki. Napakacute nya. May naalala ako sa kanya.

"Munting binibini sumama ka sa akin! ipapakilala kita sa kapatid kong prinsipe!"

Kapatid nyang prinsipe? May prinsipe pa ba sa panahon ngayon? ay panaginip nga lang pala to.

"Matagal na akong naghahanap ng isang kagaya mo. Isang dilag na napakaganda! tiyak mapupusuan ka ng mahal kong kapatid."

Isang dilag na napakaganda? I feel so flattered. 

Nakapasok na kami sa loob ng malaking palasyo. Andaming tao! mga nakagown! mukhang may party. Andami ring pagkain! pwede ba akong makitikim ? 

"Dito tayo munting binibini! Halika na!" 

"Hindi ba pwedeng kumain muna?"  gusto kong matikman lahat ng yon.

"Hindi yan masarap! Dali na!" Ay ganon? Hmmp. Napaka nitong bata na to.

Hinila nya ako papasok sa isang kwarto. Andaming dyamante na nakapalibot sa silid na to! Ang yaman naman nila. Magpagawa rin kaya ako ng ganitong room? Kaso panglalaki yung style. Gusto ko girly tsaka color pink *u*

"Andito na tayo! maiwan na kita binibini! enjoy!" biglang nag english yung bata? nakakaloko ha. 

Anong enjoy ba ibig nyang sabihin? Enjoy lang ako sa pagkuha ng mga Diamonds here? Aba kung yun naman pala eh.. kukuha na ako!! Papalapit na ako sa isang parang malaking jewelry box ng biglang mamatay yung ilaw? 

Waaaaaaaaaaaahh! Baka may monster pala dito!! tapos yung bata, sinasabihan nyang mag enjoy yung mga monster na kainin ako!

"WAAAAAAAAAAAHHHH!" napatili ako ng may yumakap mula sa likod ko! Wala akong makita. T_T Yung halimaw ! niyakap ako. Pero wait! may mabango bang monster? ang bango ng isang to. Pamilyar sa akin yung amoy niya. Naamoy ko na to dati! 

"Ang ganda mo talaga Sofy." Seriously?! nakikita nya ako? eh ang dilim dilim. Nagkagusto pa sa akin yung halimaw! pano na ako makakatakas nito.

"Sino ka ba?! tsaka Sofy? As far as I remember, Sunny ang pangalan ko! Not Sofy! Kaya bitiwan mo na ako!" 

Kumalas na sya sa pagkakayakap sa akin. Pero may naririnig akong mga yabag! Shemaay tumataas yung mga balahibo ko. 

"A-andyan ka pa ba?! h-huwag mo akong takutin!" paatras yung hakbang ko. Papunta kung nasaan yung pintuan. 

May biglang humawak sa hita ko! Manyak na monster >.< nabigla ako sa nangyari, may bagay akong naapakan habang umaatras, nawalan tuloy ako ng balanse, ngunit may sumalo sa akin.

Pero sabay din kaming bumagsak sa sahig. Bumukas na ulit yung ilaw. At pagdilat ko...

Namalayan ko na lamang na magkadikit na yung labi namin. P-pero di sya monster.. sya si 

"D-DARREN?!!"

Hanggang sa panaginip ba naman? T^T

=============================================

Parehas pala nilang di makalimutan ang kanilang first kiss.Hanggang sa pagtulog tuloy. Tssk. XDNakapag update din sa wakas. Ngayon lang nakapag isip para sa new chapter eh. Mianhae :* 

Vote and Comment na kayo!! :))

▬∞CutieKpopLover∞▬

Love Society ♥ (On going ☺)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon