Alexa's POV
Nagising ako nang maaga. Mga 4 'o clock ata. Kasi 1st day of school. Kailangan maaga ka talaga sa school.
Anyway, hinanda ko na mga gamit ko, naligo ako, nagbihis ng uniform, kumain, nagsipilyo. Kinuha ko na rin ang cellphone. Ako lang mag-isa naninirahan dito sa bahay. Siguro para na rin mag paka-independent. Pero mga magulang ko nagbabayad ng kuryente at tubig. Weird ba? Sabihin niyo lang kung nawiwirduhan kayo. Hahaha.
*moments later*
Nasa school na ako. Buti na lang dito rin sa school na 'to lumipat mga kaibigan ko. Kundi lonely ako. Kasama ko sila ngayon sa school ground. Naglilibot kami. Ang lawak ng school. Ang ganda pa.
"Wah. Ang ganda naman dito. Alam niyo kung di lang kayo dito sa school na 'to lumipat, paniguradong lonely ako." sabi ni Steffie na katabi ko.
"Yan din naisip ko." - Andrea.
"Guys, malay niyo magka-boyfriend tayo dito. Naku sino kaya itinadhana sakin?" kilig na sabi ni Roshan.
"Oo nga. Sana ma-meet ko agad yung ka-meant to be ko." sabi naman ni Jen.
"Tsk. Ang daldal niyo." uh oh. Naiirita na ata si Amy. Pano kasi. Naging man-hater na. Dahil yan sa pinagpalit siya ng ex niya.
Habang sila pa ni Brandon, patagong nagde-date sila Brandon at nang kabit niya. Isang araw, nung nasa amusement park si Brandon at Amy, nasa food court sila at nagpaapalam si Brandon na magc-cr lang siya. Naiwan daw ni Brandon yung cellphone niya sa table. May tumawag kay Brandon. Tinignan daw ni Amy kung sino yung tumatawag. Pangalan Stacey.
Sinagot niya. Nung narinig niya yung sinabi nung Stacey, halos mabasag na daw yung glass na baso dahil sa higpit ng hawak niya. Sinabi daw sakanya ni Stacey na girlfriend siya ni Brandon. Umuwi siyang halos mangiyak-ngiyak na.
*kriiiiing*
Ok. Time na.
"Guys tara na." atat na sabi ni Jessa. Tumakbo kami papunta sa room. Wala naman flag ceremony. Nakapunta naman kami agad sa room. Ang gulo.
"Parang di tinuturuan ng leksyon 'tong section na 'to." iritang sabi ko.
"Oo nga. Aish. Hayaan niyo na. Umupo na lang tayo." sabi naman ni Andrea. Umupo na lang kami sa dulo. Eh, sa gusto namin sa dulo umupo, eh. Bakit ba? Pinagmasdan namin ang paligid. Maingay parin pero di na masyado. Mabuti naman. Natahimik ang lahat nang may pumasok. Bakit naman sila tumahimik, eh studyante lang din naman yung pumasok? Weird. May something ba sa school na 'to?
Habang naglalakad sila, sinundan namin sila ng tingin, hanggang sa makaupo sila. Napatingin yung isa sa akin kay umiwas ako ng tingin. Tingin ko ngumisi siya. Ano bang meron?
"Parang may something dito." -Amy.
"Napansin ko rin yun. Ang weird." -Jen
"Baka mali naman 'tong pinasukan natin na school." -Jessa
"Oo nga. I think we need to figure out what's going on." napatango na lang kami sa sinabi ni Steffie. Hanggang ngayon tahimik parin ang mga kaklase ko. Lahat nga nakaupo na sa mga upuan, eh. Kung kanina nakakabingi dahil ang ingay. Ngayon nakakabinging katahimikan naman. Wala kang maririnig sa buong klase maliban sa pagbagsak ng isang ballpen kanina.
Natalie's POV
Nawiwirduhan ako. Sino ba ang mga lalaking 'to? Ang lalakas ng tama, eh. Dumating lang sila tumahimik na buong section? Oh, baka naman may mga sayad lang etong section na 'to kaya baka trip lng nila tumahimik kapag dumating sila. Pero malabo 'tong iniisip ko, eh. Iniiwasan nga nila ng mga tingin tong mga lalaking 'to, oh.
BINABASA MO ANG
Promise to Love
Fanfiction"Nung una kitang makilala, akala ko hanggang enemies lang tayo. Pero dahil sa na-realize kong hindi maganda ang mga ginagawa ko sayo, tumigil na ako. Nang magtagal, nainlove ako sayo. Dahil maganda ka, mabait, masipag, matalino, at higit sa lahat ma...