Jessa's POV
Nasa school na kami. Kausap namin sila Ashley. Pinaguusapan namin yung tungkol sa pitong asungot.
Nakwento samin ni Amy yung unang pakikipag-usap sakanya ni Jude. Nasabi niya na napaka rude niya daw. Tamang-tama sa pangalan niya. Jude the rude.
*kriiiiing*
Nag-ayos na kami ng sarili namin. Tumayo kami at nagpaalam kela Ashley. Ganun din ang ginawa nila.
Dumerecho kami sa room. Pagkapasok namin, maingay. Natural na ata 'to.
Umupo na kami. Kanya kanyang gawain na naman dahil wala pa yung teacher. Ako, ayun lumabas. Nakaupo ako sa lapag sa tabi ng pinto. Nakasaksak sa tenga mga earphones. Nakikinig ako ng music habang naglalaro.
Maya-maya pa, nakita ko sila Drake. Patungo sila sa direksyon ko. Binalik ko yung attention ko sa cellphone.
Nung maramdaman kong malapit na sila, tumingala ako. Napadaan sila sa harap ko. Tumingin sila sakin pero umiwas din agad. Bago pumasok sa room, bumalik yung tingin ng isa sakanila sa direksyon ko. Si Yuan. Ngumisi siya sakin. Yung tipong evil smirk na parang may binabalak na masama. Kumunot noo ko. Sh*t. Kailangan kong malaman binabalak nun.
Tumayo ako. Pinagpag ang palda at pumasok sa room. Pagkapasok ko, pumunta agad ako sa pwesto. Pero bago pa ako umupo, naramdaman kong may malagkit sa kamay ko. Tinignan ko. WTF! MAY GLUE!
Naalala ko nung ngumisi sakin si Yuan kanina sa corridor. He must be the one who is responsible for this. I gave him a death glare. He just smirked at me.
"Hey Jessa. Samaha--what the hell happened to your hand?!" Natalie exclaimed the moment she saw my right hand filled with glue.
Tumingin ako sa direksyon ni Yuan. Napansin niya ata yun kaya sumugod siya pero agad kong pinigilan. She sighed.
"Samahan mo na lang ako sa cr. Para makapaghugas ka na din." sabi na nakatingin parin nang masama kay Yuan.
Nasa cr kami ngayon. Naghugas ako ng kamay para matanggal yung glue habang hinihinay si Natalie.
Naalala ko si Yuan at yung ginawa niya. Kabago bago ko lang dito sa school, nagkanda leche leche na.
Tsk. He wants war, huh. Then I'll give him war.
Lumabas na si Natalie sa cubicle. Naghugas siya ng kamay. Pagkatapos tumakbo kami dahil baka nandun na yung teacher.
Pagbukas namin ng pinto, nandun na nga yung teacher. Bumati kami, nagsorry dahil nahuli kami. Pero she said ok lang dahil kakapasok niya lang din naman.
Yuan's POV
Natatawa ako sa reaction ni Jessa. Parang ang sarap gawan pa ng prank.
Maaga kaming dinissmiss ng teacher. Mga 20 mins. pa bago next class. Pero lumabas na din kami at pumunta na sa room ng next subject. Sabi kasi ng teacher may gagawin daw sila sa faculty room kaya maaga kaming pinalabas.
Nasa room kami ng next subject namin. Nasa harap ulit namin ni Lance si Jessa at Natalie. Laging sila magkatabi.
Tumayo si Jessa na may hawak na gusot na papel at nakatutok siya sa cellphone. Papunta siya dun sa may trash can. Di niya napapansin na madadaanan niya ako kaya hinarang ko yung paa ko. Nung pagkadaan niya, napatid siya pero di tuluyan dahil napahawak siya sa desk na katabi niya.
Agad kong inalis yung paa ko, pero napansin niya ata yun kaya napatingin siya sakin nang masama.
"Pasalamat ka mabait ako dahil kung hindi, baka nasa punirarya ka na." she threatened me.
BINABASA MO ANG
Promise to Love
Fanfiction"Nung una kitang makilala, akala ko hanggang enemies lang tayo. Pero dahil sa na-realize kong hindi maganda ang mga ginagawa ko sayo, tumigil na ako. Nang magtagal, nainlove ako sayo. Dahil maganda ka, mabait, masipag, matalino, at higit sa lahat ma...