#Tres
Kapilyuhang walang kupis, ang magpapahamak sa'yo. Ang mabagsik na lalaki ang tutunggali sa'yo. Kung nakabasag ka ng pinggan ay lutasin mo. Dahil walang bahagyang tutulong sa'yo.
--- Kiura
>* Punto De Vista: Kiura
Naglalakad na kami ni Zeia, papunta doon sa bahay ng natagpuan naming lalaki. Malayo rin kasi ang distansya ng bahay na iyon, doon sa kinatatayuan namin ni Zeia kanina.Yakap yakap ako ni Zeia, at mabuti naman at hindi na sobrang higpit.
Nandito na kami sa dimensyon ng mga tao. Pangalawang beses ko na ang pumunta dito. Pero bakit naman sa tuwing papasok ako sa dimensyong ito ay nag iiba ang itsura ko? Nakakairita na. Ang hirap hirap gumalaw kung ganito ang katawan ko! Sobrang gaan at sobrang liit kumpara sa orihinal kong katawan. Mahirap tuloy gumamit ng mahika kung kinakailangan at ang masaklap pa, ay hindi nabubuhay ang isang tulad ko sa dimensyong ito!
E si Zeia, mabuti nalang at katawang tao ang anyo nya kung hindi ay pagkakaguluhan sya. Pero, kahit mukha syang normal, kailangang hindi na niya mailabas ang kanyang katauhan. Kailangan nya itong itago bago mag isandaang gabi para bumalik na muli sa normal ang lahat.
Teka.
Ang gamot!
"Zeia!" Tawag ko kay Zeia.
"Bakit Kiura?"
"Tumigil muna tayo sa paglalakad"
"Bakit naman?"
"Sumunod ka na lang!"
"O, sige" Tumigil naman siya, mabuti naman. Tumalon ako patungo sa lupa para maisagawa ko ng maayos ang gagawin ko. Medyo malayo pa naman ang destinasyon namin kaya ayos lang.
Kinampay ko ang aking mga palad kahit na hindi totoo ang mga ito. Kumislap ang mga mumunting ilaw mula dito at may bumagsak na isang maliit na bilog at pulang pula na bagay; sinambot ko iyon. Mula sa aking pagkakahawak, amoy na amoy ko ang aroma nito.
Nakakasunok! Ngunit kahit na hindi kaaya aya ang amoy nito. Maiituring na ito'y mabango kay
Zeia.
"O!" Ibinigay ko iyon kay Zeia at agad naman niya itong tinanggap.
"Ano itong bagay na ito? Kiura?" Tinitigan nya itong mabuti tsaka inamoy.
"Ang bango.." Pagpapatuloy nya.
"Kainin mo iyan"
"Hah? Bakit naman?" Bakit ba ang dami niyang tanong?!
"Pampalakas 'yan ng katawang tao mo! Kahit naman malakas ang katauhan mo, mahina rin naman ang pansamantalang katawan mo"
"Ganun ba?" Kinain nya naman iyon at nginuya.
"Tapos mo na bang kainin?"
"Kiura.. Anong mahika ang ginamit mo para mabuo ang bagay na iyon? Napakasarap! :)"
"Sikreto ko na iyon"
"Mayroon ka pa ba?"
"Heh! Kada araw ay isa lamang ang maaari mong kainin, at ako lang ang magbibigay noon sa'yo"
"Ano ba 'yung binigay mo sakin? Anong klaseng bagay iyon?" Tinitigan ko sya.
"Pagkain 'yon" Sambit ko sa kanya sabay iwas ng tingin. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya kung ano talaga iyon dahil siguradong mabibigla sya. Hindi pa naman nya alam kung ano talaga ang nangyari sa kanya.
"Pagkain?" Hindi nya nga pala alam kung ano ang pagkain!
"Tama na nga ang mga tanong Zeia! Sa dimensyon na ito ay madali lamang ang oras kaya kailangan na nating magmadaliiiii!!" Ayoko ng magpaliwanag e. Baka mapalayo lang ang usapan.