#Dos
Nanggaling sa langit, nakarating lupa. Ang mata mo'y iyong ihubog. Ang mga gawain mo'y tanggapin. Sa bagong mundo na iyong masasalubong. Misyon mo'y nakaabang at naghihintay parin.
--- Kiura
>*Punto De Vista: Ikatlong Panauhan
Dahan dahan niyang iminulat nya ang kanyang mga mata pagkatungtong na pagkatungtong nya sa isang matigas na bagay. Mula roon ay namangha siya sa kanyang napagmasdan. Halos magning ning na ang kanyang mga mata. Bakas sa kanyang mukha ang saya na kanyang nadarama. Mula kasi sa kanyang pinanggalingan ay walang paligid na kasing ganda nito. Ngayon lang siya nakakita ng ganitong kapaligiran kaya ganito ang ipinapakita nyang ekspresyon, taliwas sa kanyang katauhan.
"Ito na ba ang dimensyon ng mga tao?" Naitanong nya ng walang kamalay malay.
Nagpalinga linga sya sa kanyang paligid. Maraming nagkikislapang liwanag na tila bituin sa bawat lugar, maraming halaman na matataas, kay lamig ng nadarama niyang hangin, napakapayapa ng kalangitan, namimilog at nanliliwanag naman ang buwan na tila ay nakatingin sa kanya. Napangiti siya; nagpapasalamat, dahil kahit papaano ay may natitira pang magandang dimensyon.
"Ito ang dimensyon ng mga tao, Zeia. Siguro nama'y hindi ka pa nakakatapak dito. Hahahaha! Pasalamat ka sakin dahil kung wala ako ay hindi ka makakapunta dito. Bwahahahahaha! >:D" Pagyayabang sa kanya ng kanyang kasama.
"Dahil nandito na tayo sa dimensyon ng mga tao, kailangan na nating simulan ang ipinunta natin dito para matapos na kaagad..." Pagpapatuloy nito.
"Pero una muna sa lahat, Bakit dito tayo nakatayo na taas ng punooo???!! Ang lamig lamig naaaa!!! Kailangan na nating bumabaaaa!!! Zeia!!" (binabanggit ang Zeia bilang 'zeya') Sigaw ng kanyang kasama. Kanina pa kasi silang nasa taas ng puno. Doon sila tumungtong pagkapasok nila sa dimensyon ng mga tao. Pero tila nama'y nabingi na si Zeia at hindi na narinig ang sinambit ng kanyang kasama. Nangingiyak pa kasi sya dahil sa mga nararamdaman niyang saya at lungkot.
"Zeia!! Nakikinig ka ba?!!" Tanong ng kanyang kasama kay Zeia. Walang sagot na dumating sa kanyang kasama kaya nagsimula na itong mainis.
"Zeiaaaaaaaa!!! Lutang ka na namaaaaaaaaaan!!!!!! RAAAAWR!!!" Kakalmutin na sana ng kanyang kasama si Zeia pero na out of balance sila at doon lang bumalik sa katinuan si Zeia.
"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhh!!!!"
///BLAAGG///
Bumagsak sila sa lupa. Kaagad namang umayos ng upo si Zeia at kinapa ang sarili.
"Buhay pa ba ako? Ha? Ha? Teka? Nasan naman kaya si Kiura?" Pagtataka nya. Kiura ang ngalan ng kanyang kasama kanina at ngayo'y ito'y nawawala na.
"Nasan na si Kiura? Nasan na? Baka bumalik na sya sa dimensyon namin at tuluyan na akong iniwan? Halaaaa! Hindi ko pa naman alam kung paano bumalik doon. Nasan ka na kasi Kiura? Ayokong maiwan dito. Kahit maganda ang dimensyon na ito ay ayoko pa rin maiwan ditooo!" Parang baliw na kinakausap ni Zeia ang kanyang sarili. Natatakot kasi siyang baka nga ay iniwan na sya ni Kiura.
"Pano na ako? Kiuraaa! Nasan ka na baaa??" Sigaw nya na tila tinatawag si Kiura.
"Na-nandito a-a-a-ko...." Si Kiura iyon. Narinig ni Zeia ang tinig ni Kiura kaya inalam nya kung nasan iyon.
"Nasan ka Kiura??"
"Na-nau-upuan m-mo a-ako..." Nabigla naman si Zeia sa kanyang narinig. Dali dali syang tumayo at nakita nya nga si Kiura na pirat na pirat at nakadapa sa lupa. Naupuan nya nga ito.