#Uno
Isa akong binata na namulat sa kawalan. Katulad ng isang ibon na lumilipad ngunit walang namamasdan. Pinupuno ng tubig ang timbang butas naman; sa mundong ito'y walang pakialam.
-- Ashe F.
"Isa na namang patay ang natagpuan sa bayan ng Highness kanina umaga, alas-tres kwarenta'y otso, sa bahagi ng Brgy. Ulimog. Napag alaman na isa itong babae, batay sa suot nitong damit. Ayon naman, sa mga nag iimbestiga, ito ay namatay mga ala-una ng madaling araw dahil sa pagkatuyo ng dugo nito at ang ipinagtataka pa ng karamihan, mayroon rin itong dalawang butas sa bandang leeg na ikinasanhi ng pagkamatay nito. Sabi ng mga pulis, ito ay pauwi na ngunit siya ay napatay. May ilang sabi sabi rin, na ang pumatay o ang serial killer ay ang pinaniniwalaan nilang ASWANG na matagal ng umaaligid sa kanilang bayan. Ang mga pulis naman ay patuloy parin sa kanilang pag iimbestiga tungkol sa kasong ito"
Napahinga nalang ako ng malalim at napabulong.
"Tsk! Pang twenty-six na 'to"
"PAREEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!" Aw naman! Nakakarindi talaga ang boses nitong babae na ito! Nasa palengke pa naman kami, pero ayos lang pala at sanay na naman ang mga tao rito kay Janna.
Hinarap ko sya, at nakita ko sya na tumatakbo papalapit sakin. At sa wakas ay nakapunta narin sya sa harapan ko.
"Pare! *hingal* *hingal* May *hingal* Mayron *hingal* na naman raw na *hingal* napa *hingal*---"
"Tapusin mo nga muna 'yang paghingal mo bago mo ako kausapin!
"Para ka namang ewan dyan eh!" Sabi ko sakanya sabay higop sa straw ng coke ko. Tiningnan ko sya habang habol na habol ang hininga. Naman! Ano na naman bang kalokohan at kailangan pa nitong tumakbo papunta sakin??
"Haaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyy! Hoooooh!! E kasi nga tsong, may napatay na naman raw sa may Brgy. Ulimog! At ang nakakagulat pa nito, ay mayroon rin syang dalawang butas sa leeg---!!" Pinutol ko na ang sinabi nya dahil wala namang kwenta.
"Hindi mo na kailangang sabihin 'yan sakin. Anong palagay mo sakin?? Hindi updated??"
"E di alam mo na, pre?? o.o??" Gulat na gulat nyang tanong.
"Malamang naman!"
"Wow! Pare!! Nag aaprove ka!" Sabi nya sakin na may paghampas pa sa balikat ko. Sinamaan ko sya ng tingin.
"Pano ko ba namang hindi mapapanuod, e sumingit 'yung pesteng balita na 'yun doon sa pinanunood kong pelikula! Kaasar! Kala naman nila'y sobrang importante nung balitang 'yun! Kung ang inerereport nalang nila ay kung paano yayaman ang ating bansa, e di may pakinabang pa!" Pagmamaktol ko.
"Pero pareng Ashe! hindi ka ba natatakot na punong puno na ng mga kababalaghan itong bayan natin?"
"Bakit naman ako matatakot?"
"Eh kasi nga, marami ng namamatay! Pati ang karamihan ay dito sa Highness! Halos araw araw nga ay may namamatay dito na dalawa hanggang tatlong tao! At lahat sila ay namamatay ng madaling araw; may dalawang butas sa leeg; wala ng dugo! Grabe! Nakakangilabot na!" Sabi nya.
"Wag ka ngang umasta na parang bading ka! Araw araw naman ay may namamatay; hindi maiiwasan 'yun! Pati baka ganun lang talaga ang trip nung killer. Papatayin ng ganun 'yung target tapos nanakawan. Alam mo Janna, sa tingin ko'y baka mamatay pa kayo kakapaniwala dyan sa mga tsismis na 'yan"
"Ano ka ba naman, pare! Nang aalala lang ako na baka ako na ang susunod na targetin ng aswang! Nako!"
"Aswang aswang ka pang nalalaman dyan!" Nagtataka talaga ako dito kay Janna. Sa katagal tagal ng taon na mag bestfriend kami, ngayon pa naduwag. Sa totoo lang, kung inaakala nyo ay lalaki sya. Pwes, mali ka na agad. Babae sya, isang tomboy/tsismosa/bungangera/babaerong babae. Ewan ko ba kung bakit ko 'yan naging bestfriend.