Chapter 1: In normal world
" Sunnnnnnnnooooooooggggg!!!!!
Anak may sunog!! "" Whaaaaaaahhhhh!!! San nay? Nay nasan? " Sa sobrang gulat ko di ko na alam kung ano ang mga isinisigaw ko.
" Anak joke lang yun. Gumising kana jan malalate kana. May hinanda pa naman akong masarap sa baba, maligo ka nalang at kumain pagkatapos. "
" Ano kaba nay akala ko totoong may sunog, halos mamatay kaya ako sa takot. "
" Anak tama na, sobra na yang imagination mo. Mabuti pa maligo kana nang makakain kana. Tignan mo yung orasan oh alas 7:48 na eh 8 ang pasok mo ah. Bihira naman tong batang toh. "
" Opo kamahalan, masusunod. " Sa sobrang daldal ni nanay, iniwan ko siyang nagsasalitang mag-isa. Kahit na ganyan yan si nanay, mahal na mahal ko yan dahil siya lang ang meron ako mula pagkabata hanggang ngayon. Mabilis akong natapos maligo at agad akong bumaba at kumain. Ganado akong kumain dahil adobo ang ulam, masarap kayang magluto si nanay.
" Anak bilisan mo jan malalate kana. O ito baon mo. "
" Thank you nay, ang bait mo talaga. "
" Anak naman, parang hindi ka naman sanay sa nanay. "
" Syempre naman nay sanay nako na sobrang bait mo."
Uminom agad ako at di na tinapos ang kinakain ko dahil talagang malalate na ako.
" Cge nay alis na ako. " Hinalikan ko si nanay sa pisngi at umalis.
" Cge nak ingat ka."
Mabilis akong nakarating sa school at tamang tama naman na pag pasok ko ay wla pa ang guro namin. Sobrang ingay sa room. Akalain mong busy lahat ng classmate ko sa pagchichismisan. Hay nasanay nalang ako habang tumatagal.
May napansin ako na parang may tumitingin sa akin. Pag lingon ko pakk! Meron nga. Pero hindi ko kilala kung sino.