Sinubukan kong tawagin si Sherley sa phone niya pero hindi parin sumasagot. Absent nanaman siguro yun at ako nanaman mag isang kakain ng lunch. Sherley bakit mo ito ginagawa sa akin *insert crying emoji*.
Pumunta ako sa cafeteria kung saan nag bebenta sila ng makakain. Amoy ko palang, alam ko nang spaghetti and food of the day nila. Isa sa mga paborito ko ang spaghetti kaya bibili ako ng dalawang plato.
"Hi ate, pabili naman po nang spaghetti" nakangiti kong sinabi sa nagtitinda.
"Ilan, ganda?" pabalik na tinanong saakin.
"Dalawa lang po" pagkatapos kong sabihin, kinuhanan ako nang dalawang plato ng spaghetti ni ate na nasa tray.
Napansin ko na humahaba na ang pila at buti nalang nauna ako sa kanila. Siksikan sa pila ng cafeteria kapag lunch kaya mahirap kang makakabili ng pagkain.
"uh excuse me" paulit-ulit kong sinasabi habang nag lalakad sa gitna ng mga tao para lang maka daan. Hindi talaga marunong mag bigay ng dadaanan ang mga tao, alam nang naghihirap akong makaalis tapos may dala pa akong pagkain.
Dumiretso ako sa dati naming pinaguupuan ni Shirley. Ngunit.
"Oh no!" sigaw ng lalaki. Patakbo siya sa direksyon ko pero hindi namin nakitang dalawa at nagkabungguan kami, nagkalat ang spaghetti sa damit ko at gumawa pa ng eksena.
"I'm so sorry, I'm so sorry, I'm so sorry' paulit-ulit na sinasabi ng lalaki habang nasa sahig lamang ako na tinatanggal ang spaghetti sa damit ko.
"Let me help you" pakiusap ng lalaki.
Hindi na ako nakasagot sakanya dahil inaatupag ko ang kalat sa damit pero kahit hindi na ako nakasagot, tinulungan parin ako. Gentleman siya.
Nagawa naming tanggalin lahat pero nag bakas ang sauce ng spaghetti sa akin. Binigay ng lalaki ang kanyang kamay para tulongan akong makatayo.
Pagtingin ko sa lalaki, doon ko na nalaman kung sino ang nakabanga saakin. Si Tanner. Isa sa mga matalik na kaibigan ni Braiden. Isa siyang full Canadian na kayang mag Tagalog ng diretso. Tanned din ang skin niya kaya halos magkakulay lang kami.
"I'm really sorry, are you okay?" tanong sakin ni Tanner, halatang kabado at nagaalala dahil sa nangyari.
Natagalan akong magsalita dahil ang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko na namalayan na nag hihintay pa si Tanner sakin. Pagtingin ko naman sa kaliwa, ang grupo ni Braiden ay patakbo samin.
"Bro, what happened here?" tanong ni Braiden kay Andrews habang pabalik-balik ang tingin sa nadumihan kong damit.
"I was running but I didn't see her so I bumped into her. I'm really really sorry" sabi ni Tanner kay Braiden, alalang-alala.
"I'm sorry for what happened. Do you want me to replace your food and maybe find you a new shirt?" dagdag ni Tanner sa sinabi.
Dapat sakanya lang muna ako tumingin dahil siya ang kausap ko pero hindi ko maiwasan tumingin din kay Braiden. Hindi pa kami naging ganito kalapit sa isa't isa, ang ganda lang ng feeling sa pakiramdam.
"Uhmm it's Karlee right?" tanong ni Andrews at para makuha ang atensyon ko.
"Uh-hhh y-yes" sagot ko pabalik naputol-putol. Muntik ko pang makain ang mga salita dahil sa mga mabibilis na tibok ng puso ko.
"So do you want me to replace your food and get you a shirt?" tinanong ulit ni Tanner.
"No, it's fine. I have an extra shirt in my bag" sinagot ko naman.
"Oh alright, at least let me buy you spaghetti. Come" dumiretso siya sa cafeteria para bumili ng bagong spaghetti habang tinatawag ako na pumunta sa tabi niya.
"You know you don't have to buy me food" sabi ko sakanya para hindi maging awkward ang paghihintay ng pagkain.
"Don't worry about it, I want to. Plus, it's all my fault for running onto you and ruining your shirt" sinabi niya ng tumawa ng mahina habang inayos at itinakbo ang mga dalari sa kanyang buhok para ayusjn.
Hindi na ako sumagot pagkatapos noon. Pumunta na ako sa aking lamesa sa cafeteria pagkatapos ibinigay ni Tanner ang biniling pagkain para sakin.
Bumalik at umupo nadin sila Tanner at dalawang lalaking hindi ko kilala sa kanilang pwesto. Pinuntahan naman ako ni Braiden at parang may gustong sabihin.
Ito na siguro ang isang nakakahiyang araw sa lahat ng araw ko pero ito nadin siguro and unang beses na kakausapin ako ni Braiden.
"Pasensya na sa kaibigan ko" sabi ni Braiden habang nilagay ang kamay sa likod ng ulo nang makarating sa akin.
"Okay lang yun" mahiyang sinagot ko sa kanya.
"Muna na ako, sorry talaga ha?" paalam ni Braiden.
"Sige sige" sagot ko pabalik.
Tumalikod si Braiden at pinuntahan ang mga kaibigan. Halo-halo ang mga emosyon na nararamdaman ko ngayon at hindi ko alam kung saan uumpisahan, pero yung feeling na nag sorry at nag-usap kami ni Braiden sa unang pagkakataon, buo na linggo ko.
Ang hiling ko nalang ngayong araw na ito ay sana'y wag akong takbuhan ng puso ko dahil O.M.G! Yan lang ang masasabi ko.
.
Don't forget to VOTE and feel free to leave a COMMENT, it would be highly appreciated.
BINABASA MO ANG
Go Into Silence
Teen FictionLove is something that is feared. Rejection is something that Karlee wouldn't be able to handle but what if not only her love towards one guy needs to be kept in silence? but also secrets that comes with danger. Ang pagmamahal ay isang bagay na kina...