Chapter 1

3.1K 44 8
                                    

I chose to be silent. Mananatili akong tahimik. Yan lang ang masasabi ko sa sarili.

Dear Braiden, I choose to love you in silence, because in silence I feel no rejection.

Saglit lang, Saglit lang. Ano ba itong iniisip ko. Hay nako Karlee, kalma, kalma, kalma. Aral muna tayo mamaya nalang yang lalaki sa kabilang silid-aralan, may isang oras pa naman bago mag tanghalian.

"Karlee!" sigaw ng isang tao sa klase.

"Ha?! Anong meron? sinong tumatawag sa akin?" sigaw ko pabalik ng walang kamalay-malay kung sino ang tumawag sakin.

Tumitingin ako sa paligid habang nilipad ang aking buhok pagtingin ko sa kaliwa at kanan ng mabilis upang hanapin yung boses babae na nag sabi ng aking pangalan.

"Hey, can you pass me that textbook on top of the shelf beside you?" dugtong ni Shanyza habang itinuro ang libro na nasa taas ng kabinet.

Nahanap ko nadin ang tumawag sakin. Si Shanyza. Ang asong babae sa aking accounting class. Pinapaalam ko lang sayo, sa lahat ng babae sa klase ko, siya ang hindi ko gusto.

"Oh, kaya pala familiar yung boses. Ikaw pala" sinabi ko sa kanya habang inaabot ang kanyang libro, inirapan ko at bumalik sa aking inuupuan.

Nag aaral kami sa isang internasyonal na paaralan, kalahati ng tao ay Canadians, kalahati naman ay Pilipino. Purong dugong Pilipino ako, si babaeng aso naman ay half-Filipino and half-Canadian at si Braiden, ang aking asawa, ay half-Filipino and half-Canadian din pero kalahati ang pagmamahal ko sa kanya, buong-buo... Ako nga lang ang nagmamahal saaming dalawa.

"Matutulog na nga lang muna ako" sinabi ko sa sarili nang ibinaba ang ulo sa lamesa. Wala naman kaming ginagawa sa ngayon. Sana naman pumasok si Sherley dahil yang babaeng yan palaging nasa bahay at hindi pumapasok, matalino pero ubod ng katamaran.

Wag sanang sayangin ang kakayahan na gumawa ng magagandang bagay at umasenso sa buhay kapag ang ibang tao ay pinagsisisihan naman dahil binalewala lang.

Lumipas ang ilang minuto nang makatulog ako.

"Karlee, wake up. Time for lunch" sabi ng kaklase ko na si Derek habang niyugyog ang aking balikat . Isa siyang punong Canadian, grabe ang puti niya pero nakakaintindi ng Tagalog.

"Uhhhhh thank you" pabulong kong sinabi kay Derek habang tinataas ang mabigat ng ulo sa lamesa at inayos ang buhok palikod, umaasa na walang laway ang tumulo.

Kung sanang palaging may gwapo na gigising sayo bawat tulog mo, palagi nalang siguro akong matutulog. Hay Braiden, kailangan mo ba ako gigising sa aking pagtulog at gawing realidad ang aking mga panaginip sayo.

Kinuha ko ang gamit ko at madaling umalis ng silid-aralan. Paulit-ulit akong dumadaan sa harapan ng klase ni Braiden na nasa kabila lamang dahil palagi silang huling pinapaalis. Ito lang kasi sa mga ilang pagkakataon na makikita ko siya sa eskuwelahan.

"Karlee, dadaan na tayo sa harapan ng klase nila" sabi sa sarili habang huminga ng malalim. Bigla nalang bumibilis ang pag-tibok ng puso ko kapag dumadaan sa klase niya. Parang ang laki ng epekto niya sakin kahit alam kong nakatingin siya sa kanyang pinag-aaralan. Alam ko din na hindi naman niya ako napapansin kapag dumadaan. Pero bakit?

Wala akong magawa dahil ang puso ko at ang buong katawan ko ay ganito ang reaksyon. Sana sa ibang tao ko nalang nararamdaman itong nararamdaman ko sakanya, dahil alam ko sa ibang tao may pag-asa pa ako.

Taas nuo akong nag lakad sa harapan ng klase ni Braiden na may konting pa sulyap sa kanya at sa kanyang mukha. Kapag palagi ko siya nakikita, parang binibigyan akong enerhiya at kapag tinitignan ko ang mukha niya, parang nagdidilim ang buong paligid at ang kanyang gandang mukha lamang ang aking nakikita sa maliliit na segundo.

Kahit sa maliit na oras akong nakatingin sa kanya, maaaring ibaliktad ang masama kong araw. Pakiramdam ko ay bigla nalang giginhawa sa munting pagkita ko lamang sakanya. Mahal na mahal ko talaga ng lubos si Brai-

Tumunog ang bell bago natapos ang aking iniisip.

"Hala, ayan na" alertong sinabi sa sarili nang makitang lumabas si Braiden.

Natapos nadin na ang klase nila at ito nanaman ako. "Hashtag cafeteria game going strong" isang joke sa sarili na kami lang ni Sherley ang nakakaintindi ng tunay na ibig-sabihin.

Palaging pumupunta si Braiden at ang kanya mga kaibigan sa school cafeteria para kumain ng tanghalian nila. Ako naman ang supportadong asawa ni Braiden na palaging nasa gilid kumakain kasama si Sherley habang hindi ko maalis ang pag titig kay Braiden.

"Isa nanamang araw na tahimik muli akong magmamahal duon sa sulok na medyo malapit sa kanya" mabugtong kong hininga at nagsimula nang maglakad.

...

AUTHOR'S NOTE:

My name's Dwain, I live in Canada🇨🇦. I mostly write my stories in English under the Horror genre. I usually work with Zombies whenever writing my stories but I decided to do something different. This is actually my first time writing a Tagalog story ever so if you find my Tagalog a bit rusty, I'm sorry. This is also my first time writing a story that's under the romance genre with drama and comedy while using a girl's POV.

 This is also my first time writing a story that's under the romance genre with drama and comedy while using a girl's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Thank you for @chemistric for the cover

---Don't forget to vote if you liked the story. Feel free to comment below as well.---

Go Into SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon