Chapter 19

47 4 0
                                    

Rica Castro POV

" uy! Bilin natin toh oh!" Sabi ni doloeras saakin sabay turo sa isang magandang key chain, ang design nun ay red rose na may halong white " nakabili ka na ng sayo diba" aba, mukhang nawiwili tong si doloeras mamili ah, " sira! Hindi toh para saakin, para kay evelyn, diba mahilig sya sa mga rose design?" Ahh haha akala ko sakanya nanaman eh, malapit na ding gumabi kaya nagmadali na kaming umuwi

Ng makauwi na kami sa studio ay nakita namin  si evelyn sa labas, nakaupo lang sya habang nakayuko? ano kayang problema? " evelyn! Bakit andyan ka?" Tanong ni doloeras sakanya , hindi sya agad sumagot, mapansin naming umiiyak sya, nagkatinginan kami ni doloeras ar hinaplos haplos ang likod nya, mukhang alam ko na kung bakit,dahil kay jin panigurado kaya sya umiiyak

Ng mahimasmasan si evelyn ay tinanong ulit sya ni doloeras, sa pagkakataong yun, sinabi nya na ang dahilan, nakita nya pala si jin na may hinalikang babae,mas napaiyak sya ng matindi ng magkwento sya,..ramdam ko sya, mas masakit pa yun kaysa sa nalaman kong may girlfriend na si taehyung

" wag mo ng kaisipin yun, hayaan mo nalang sya" pagbibigay payo naman ni doloeras sabay yakap kay evelyn, kaya niyakap ko narin sila, ito ang panglawang pagkakataon ng makita ko syang umiyak ng ganito, nung una ay nung namatay si denisse tapos ngayon dahil kay jin, kakainis na pag ibig yan! Palagi nalang namamaiyak ng mga babae!,

Ng makapasok kami sa loob ay dumiretso kami sa quarters gusto na daw kasi magpahinga ni evelyn, kaya hinayaan na namin sya, sa kabilang banda nakita namin sina bekah at jade na nag uusap ng pabulong, bakit naman kaya? " hey, ano pinapag usapan nyo? At nagbubulungan pa kayo dyan?" Sabi ko sakanila, nagkatinginan silang dalawa na tila nagtataka pa " andito kasi yung girlfriend ni sir taehyung eh, mukhang dito sya matutulog" teka...girlfriend ni taehyung? Yung sinasabi nilang ka member ng red velvet ba yun?

Sa narinig ko,..aaminin ko,..bigla akong nagselos kasi,..panigurado sa iisang kwarto sila mtutulog ni taehyung,..wala na..wala na akong pag asa sakanya, saka on process naman na ako ng pag mo move on, kaya onwards..mawawala na din tong selos na toh " andoon sila sa dressing room lahat, nagkekwentuhan kakainggit nga eh" katulad namin,.. Nakakaramdam din sila ng selos, nako bagay talaga kaming maging magkakaibigan, pare parehas broken hearted

" teka out nyo na ba? "

" oo eh, kapagod nga eh dami ginawa "

" tara, doo  na tayo sa kwarto, kami din gusto na naming magpahinga" pag aanyaya ko sakanila, ng makapag ayos ay pumunta kami sa kwarto, at kumuha ng makakain, inaaya naming kumain si evelyn kaya lang sabi nya busog pa daw sya, yung kinain namin, yung niluto namin nung lunch, kaya lang ang natira nalang ay caldereta kaya yun lang inulam namin, after din naman naming kumain natulog na kami

Habang nakahiga ako,..nakikita ko yung jacket na binigay saakin ni taehyung,,nakahanger sya malapit doon sa dingding, iniisip ko, kung itatabi ko yung jacket,..lalo ko lang maalala kung paano nya ako inalagaan ng gabing yun, kung paano nya ako bigyan isang makabuluhang ngiti at titig,..hindi na ako nakatiis pa, tumayo ako at kinuha yung jacket, kailangan ko ng ibalik sakanya toh, para matapos na ang kahibangan ko

Pumunta ako sa may tapat ng dressing room nila, medyo maaga pa naman kaya siguro andito pa silang lahat, nagkekwentuhan " oh ano irene at taehyung, kailan nyo balak na i announced sa tv na official na kayong dalawa na engaged?" ..kakatok na sana ako ng marinig ko ang boses ni jungkook na nagsalita..teka..engagement?.. " oo nga! Wag na kasing mahiya! Haha" pangngantaw naman ni j hope pati na si nam joon...

Wala na..durog na talaga yung puso ko, ayoko na! Hindi ko pinigilan ang luha ko na bumuhos, sa sobrang inis ko binitawan ko nalang yung binigay nyang jacket saakin saka bumalik ng kwarto,..doon ko na ibinuhos lahat ng luha ko

..game over na rica! Wala ka ng points at buhay sa laro! Talo ka na!..

A life with them ( BTS Fan fiction) [ COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon