Chapter 37

47 4 0
                                    

Nam Joon POV

Dahil maaga pa naman, andito ako sa rooftop ngayon, hindi ko na inalis yung gitara ko dito kasi alam ko na kapag andito si evelyn, panay sya tumutugtog at kumakanta, pero ngayon, hindi na nya toh nagagamit kasi hindi na sya dito nagtatrabaho, ewan ko kung bakit pero..anlungkot kapag wala sya dito,..pero nung dati na pinakanta ko sya, nairecord ko yung pagkanta nya kaya naman yun ang pinapakinggan ko kapag na mimiss ko sya

7:00 AM na kaya bumaba na ako nakita ko sina taehyung at jungkook na kumakain na ng almusal, tsk, basta pagkain talaga! Hindi mga nahuhuli!, habang sina jimin, j hope at suga ay busy naman sa paglalaro ng video games na naka connect doon sa may flat screen TV " leader! Tara! Kain ka na dito oh, andaming inihanda ni jin eh, parang may celebration" pag aaya ni taehyunh habang may subo subo pang tinapay, tumabi ako sakanila at kumuha nadin ng pagkain, oo nga, pansin kong andaming pagkain dito sa lamesa, bakit kaya? " teka, asaan si jin?" Pagtatanong ko sakanila pero ni isa sakanila walang alam kung asaan sya nagpunta

Maya maya pa ay biglang bumalik si jin, may dala itong mga in can na juice, syempre nangunang manguha si taehyung at jungkook, wala eh, nagkahawaan na ata ng ugali ang dalawang toh,hindi na kami nagtanong  kung saan sya galing kasi halata namang namili sya ng mga juice eh " sir, eto na po yung pinapadala nyo" biglang pumasok sina castro at rica na may dalang apat na galon ng ice cream! Yung totoo? Anong meron?! " WOW! Grabe! Sarap nyan ah!" Sabi ni taehyung habang inilalapag ng dalawa yung ice cream " teka, upo nadin kayo dito" pag aaya ni jin doon sa dalawa " po? Eh may trabaho pa po kasi kami eh"

" kami na bahala, sigeh na, kain tayo oh:)" asusss mga the moves nitong si jungkook kay doloeras, halata namang may gusto sya kay doloeras, tingin palang, alam na, umupo ang dalawa na magkatabi, si doloeras tinabihan ni jungkook habang si taehyung tinabihan naman si castro, wala ng kaso kahit na tabihan nya si castro kasi wala naman na sila ni irene, niloko nya lang si taehyung

Habang kumakain kami ay biglang lumabas si jin, ang sabi nya pupunta lang sya sa cr pero, parang may pakulo sya na gagawin, iba kasi ang ngiti at kilos nya eh " guys, meron tayong bisita ngayong araw " bigla nyang sabi nang makabalik sya sa dressing room, bisita? Sino naman? Kaya pala naghanda sya ng napakadami eh, ng pumasok na yung sinasabi nyang bisita, napatayo si castro at doloeras " evelyn! Bumalik ka na! Buti naman at andito ka na! Dito ka na ulit magtatrabaho?" Sunod sunod na tanong ni castro na halatang super excited, ako man gusto kong lumapit pero baka kung ano sabihin nila

" wohoo!!! Andito na ulit si miss super girl!" Sigaw ni j hope sabay akbay kay evelyn, sabay palakpakan naman nila jimin, suga, taehyung, jungkook syempre pati ako " oh! Para pala kay evelyn ang lahat ng hinanda ng chef natin eh;) kaya tara! Kain na tayong lahat!" Ng sabihin iyong ni jimin ay umupo kaming lahat at sabay sabay na kumain, tinabihan sya ni jin, at si jin din ang kumuha ng pagkain para sakanya

" taehyung! Wag mo naman ubusin yung ubas!"

" haha bagal mo kasi jungkook eh haha" tsk, para silang mga bata, parang yun lang nag aagawan pa, pero si jin at evelyn tahimik lang habang kumakain,..sa nakikita ko, hindi ko na kailangang tanungin kung anong meron silang dalawa ngayon,..kitang kita naman na gusto na ni jin si evelyn

..masaya ako para sainyo..

A life with them ( BTS Fan fiction) [ COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon