Chapter 16

54 5 0
                                    

" buti nalang sahod na natin noh, ubos na kasi halos yung pera natin eh" sabi ni doloeras, nasa labas sila dahil ngayon ang day off nila, nagpunta muna sila sa malapit na padalahan para maipadala na sakani kanilang pamilya ang una nilang sahod para sa buwan na yun, matatapos na ang isang buwan nila na nagtatrabaho sa studio ng Big Hit, kaya naman naisipain nilang mag celebrate, lumabas sila at namasyal, hindi nila kasama si bekah at jade dahil hindi nila day off

Nagpunta sila sa isang supermarket kung saan napakadaming mga pagkain na pwedeng pagpilian " dito nalang tayo kumain!" Pagtuturo ni castro sa isang food stand kung saan nagbebenta sila ng masarap na korean meat noodles, sumang ayon naman sina doloeras at evelyn, kapwa sila nasarapan sa pagkain

" namimiss ko na ang caldereta" malungkot na sabi ni evelyn, medyo matagal na din kasi silang hindi nakakatikim ng lutong pinoy " ako naman miss ko na ang regadilyo" saad naman ni doloeras " ako naman menudo" dagdag pa ni castro, sabay sabay silang napabuntong hininga,

Ng matapos silang kumain ay, naglakad na sila papauwi, ng bigla silang makakita ng mga tindang gulay, napahinto si evelyn sa paglalakad at pinuntahan ang nagtitinda ng gulay " evelyn, anong bibilhin mo dyan?"  Tanong ni doloeras kay evelyn na dinadampot naman ang isang carrots " magluto tayo ng menudo,regadilyo at caldereta" sabi nito habang nakangiti at itinaas pa ang dalawang hawak nya na carrots, agad namang natuwa ang dalawa at tinulungan na ding mamili ng gulay si evelyn

" hayy, eto na! Kumpleto na toh!" Sabi ni castro, nasakanya ang ingredients ng menudo " eto din!" Sabi naman ni doloeras ng matindi pa ang ngiti habang hawak hawak ang ingredients ng regadilyo" haha eto ding akin kumpleto na:)" sabi naman ni evelyn na hawak naman ang ingredients ng caldereta at naglakad na sila papunta ng studio

Nakita sila ni jade at bekah na andaming dalang gulay at karne kaya naman lumapit ito at tinanong ang tatlo kung ano ang iluluto nila, ng sabihin ni evelyn na lutong pinoy ang gagawin nilang luto, ay natuwa ang dalawa, sabi pa ng mga ito ay ipagtabi sila , dahil yun nalang ang kakainin nila para sa lunch

" chef, pwede po bang makiluto? Saglit lang naman po eh" pakiusap ni evelyn sa isang chef sa cafeteria, hindi naman sila sinungitan nito at pinayagan sila nito at sabi pa ay patikimin sya ng mga iluluto nila, agad naman silang nagpasalamat at dumiretso na sa kusina, sabay sabay nilang iniluto ang tatlong putahe dahil madami namang mga lutuan sa loob ng kusina ng cafeteria, sina castro at doloeras ang taga hiwa, assist ng mga gagamitin at syempre taga luto din pero sabi nila, si evelyn ang magtimpla ng lasa dahil mas sanay itong magluto ng mga ganung lutuin

" wow! Angbango na nito evelyn! Nagugutom tuloy ako eh!:)" nakangiting sabi ni castro habang nakasilip sa nilulutong menudo habang inaamoy amoy ito " haha rica, konting pakulo pa dyan, wag kang mag alala, malapit na yang maluto" sabi ni evelyn habang inaayos ang mga papaglagyan nila ng mga inilulutong putahe " eh itong regadilyo evelyn? Malapit narin ba?" Tila batang pagtatanong naman ni doloeras " oo konti nalang din yan, hay nako! Etong dalawa na toh, wag nyong kabantayan! Sigeh kayo hindi kaagad maluluto yan" pananakot pa ni evelyn kaya naman ang dalawa ay tumulong nalang din sa pag aayos ng mga platong gagamitin at syempre ang mga hugasin nila

" teka, yung kanin, ipasingaw nyo ha" sabi pa ni evelyn, dahil wala silang nabiling bigas, nanghingi nalang sila dito sa kusina, pero pinagpaalam nila yun sa chef at pumayag naman ito  " uyy, mukhang masarap talaga ang iniluluto nyo ah" biglang pumasok ang chef na ikinagulat nila, tinignan nya ang mga iniluto nilang tatlo na pawang kahahango lang sa lutuan

" haha syempre naman po chef, eh luto po ng magkakaibigan eh haha saka magaling po magluto ng mga lutong pinoy si evelyn:) taga assist lang po kami haha" pabiro pang sabi ni doloeras kaya naman pati ang chef ay natawa sa reaksyon nito " oh chef gusto nyo na po bang tikman? Masarap po yan kapag may kanin, wait lang po ipapaghanda po namin kayo:) " sabi naman ni evelyn " totoo po yan chef, makakalimutan nyo ang pangalan mo sa sarap" saad pa ni castro

Ng maihanda na ay, inilagay na nila yun sa isang lamesa doon sa cafeteria, si evelyn, doloeras at castro ay inilabas ang kanilang mga iniluto kasama ang isang plato ng kanin, ng isa isa na itong tikman ng chef  nakaabang ang  tatlo  sa reaksyon nito, ng matapos nya itong tikman, napasandal ito at tumingin sakanilang tatlo

" anggaling nyong tatlo! Angsarap ng mga luto nyo!:)" matinding papuri ng chef sakanila " talaga po?! Nako buti nalang po nagustuhan nyo" natutuwang sabi naman ni doloeras habang hinawakan pa ang kamay ng chef at inalog alog ito " alam nyo, pwede tong isama sa mga inihahanda dito sa cafeteria, bukas pwede bang turuan mo akong lutuin tong mga toh?" Paanyaya ng chef , labis na ikinatuwa ng tatlo iyon, halos magtatalon sila sa tuwa, natutuwa din naman ang chef sakanila lalo na sa mga pagkain na inihanda nila

" oh sya, upo na kayo dito at kainin natin tong mga iniluto nyo, saka malapit naman ng mag lunch kaya kain na din kayo " umupo ang tatlo at sumabay na sa pagkain ng chef, masaya sila habang kakwentuhan ito, pero sa kalagitnaan ng pagkain nila ay nagpaalam si evelyn na ipapagtabi lang sina jade at bekah para sa lunch

Habang ipinapagtabi nya ng pagkain ang dalawa ay bigla syang natigilan bigla

..magustuhan kaya ni jin yung luto ko?..

A life with them ( BTS Fan fiction) [ COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon