Chapter Ten: Guilt

313 10 0
                                    

Andi

Mabagal ang takbo ng oras. Hindi ko namalayan na araw na pala ang lumipas at Sabado na ngayon. Napakabagal para sa akin, siguro dahil hindi pa ako sanay. Tatlo ang namatay sa klase namin dahil sa nangyaring gulo nang mapatay ko si Ashley. Pilit kong nilalabanan ang nararamdaman ko pero, tao pa rin ako. Normal naman siguro ito? Normal naman na makaramdam ng guilt dahil nakapatay ako ng isang tao.

Pero hindi ko kailangang magpakita ng kahinaan sa lugar na 'to. Sasamantalahin lang 'to ng kalaban.

"Bakit hindi ka pa bihis?" Tanong ni Blaire na mukhang si Katniss Everdeen sa suot niya ngayon. Tinignan ko nang saglit ang uniform na binigay niya sa akin sabay kuha rito.

"Pwede naman na sigurong hindi ako magsuot ng ganyan." I said, passing the clothes off to Blaire.

"Dahil? You already killed someone while just wearing a fancy school uniform?" Nakapamewang niyang tanong. Tinapunan ko siya ng pinakamasamang tingin na maipupukol ko.

"Tumigil ka na sa issue na iyan, please! Ginugulo ako niyan gabi-gabi!" I bit my lower lip, trying to calm down. I felt guilty.

"Guilty ka ba?" tanong niya. "Huwag mong sisihin ang sarili mo. That was your only choice to live. I call it self-defense."

"Have you ever killed someone?" I asked.

"No, but I---"

"Then stop!" I rushed inside the bathroom and closed the door. Binuksan ko ang shower. 

Madali lang sa kanya sabihin dahil hindi pa niya nararanasan.

"I need to calm down." I told myself. Mas nakapagpakalma sa akin ang tubig.

Siguro nga tama si Blaire. Self-defense.

Natapos na akong maligo at nandoon pa rin si Blaire kung saan ko siya huling nakita. Nakatitig lang siya sa akin at alam kong may sasabihin 'to.

"Andi," tawag niya sa akin. "If you don't want to listen to me, please ito lang. Don't blame yourself and good luck!"

"Good luck?" Nagtataka kong tanong pero umalis na siya at may biglang rumehistro sa utak ko.

Eunice.

Saturday.

Weekly training.

Tumingin ako sa uniform na binigay ni Blaire. Kailangan ko na nga itong isuot. Hindi komportable lumaban kung naka-skinny jeans ako at stylish shirt.

Pinakinggan ko si Blaire. Wala akong kasalanan. I just saved myself from death. Siguro kung ako ang namatay at nang hindi lumalaban, sisisihin ko rin ang sarili ko.

Pagkalabas ko ng pinto ay nagkabungguan kami ni Blaire na kanina pa pala nasa labas. Akala ko ay nauna na siya.

"I'm sorry," sabi niya na ikinangisi ko. Ngumiti na rin siya sabay yakap sa akin.

"Good luck, Andi! Sana pagkatapos ng laban niyo ay buhay ka o bugbog sarado. Hindi ko kayang mawalan ng kaibigan!" Blaire cried. Napaikot ako ng mata habang nagda-drama si Blaire.

"Gumagawa ka na ng eksena," bulong ko sa kanya sabay turo sa mga nakatingin naming kaklase kaya humiwalay na siya ng yakap sa akin. Ang weird niya pero kahit gano'n, gusto ko siya bilang kaibigan sa branch ng impyerno na ito.

Naglakad na kami papunta sa gymnasium. Wala pa ako sa pinto pero napansin kong lahat ng estudyante ay papunta roon kaya mas naging alerto ako. Napansin naman iyon ni Blaire.

"I forgot to tell you. Bawal pumatay hanggat hindi tapos ang oras ng weekly training." 

Mabuti naman.

Nakapasok na kami sa gym. Lahat ay nakatingin sa klase namin. Nagsusukatan pa rin ng tingin ang mga lalaki sa bawat grupo.

"Tara, practice." Hinatak ako ni Blaire palabas at pumunta sa likod ng gymnasium. Lahat ay nag-eensayo. For the first time, we looked normal students with deadly weapons. 

Nahagip ng paningin ko si Eunice. Nakatingin din siya sa akin pero hindi lang bastang simpleng tingin. Sinusubukan niya ba akong takutin? Well, effective. Natatakot ako sa mangyayari sa akin mamaya.

"Andi!" Tawag sa akin ni Blaire. Mukhang siya ang magtuturo sa akin. Nagulat ako nang maglagay siya ng apple sa ulo niya at sumandal sa puno. "Your target is the apple not my head, okay?"

Tumingin ako sa kutsilyo ko at kay Blaire. Nababaliw na ang babae na ito. Paano kung hindi ko matamaan ang apple at ang noo niya ang matamaan ko?

"I trust you, Andi! Do it now!" Sigaw niya habang nanginginig naman na sa takot. Nakita ko ang isang ibon sa isa sa mga puno. Hindi ko gugustuhing mamatay si Blaire. Kaya itong ibon na lang. Diniinan ko ang hawak sa aking patalim at pinuntirya ang ibon.

Biglang umalis si Blaire sa kinatatayuan niya dala ang kanyang mansanas at tinitigan ang ibon.

"Omg! You killed it! It's dead!" Nagdidiwang niyang sabi habang hawak pa rin ang mansanas niya. "I love birds but--Andi! Ang galing mooo!"

Paalis na sana ako pero may humawak sa braso ko. Sino pa ba?

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Eunice. Binawi ko agad ang braso ko. Illegal ang pagpatay ngayon, diba? Siguro ay hindi niya naman ako papatayin.

"Alam kong gusto mo kong patayin pero illegal ang pagpatay ngayon."

Tumawa siya sabay kuha sa sandata na inabot ng kaibigan niya. Alipores siguro para mas tugma.

"Sinong may sabing sa weekly training kita papatayin? I can wait for the elimination. Pero ngayon, magpapractice muna tayo."

Kinalabit ako ni Blaire at iniabot ang kutsilyo ko. Akala ko aalis na siya pero may binulong siya sa akin. "Scare her."

Katulad ng laban ko kahapon, katana ang gamit ni Eunice samantalang ang akin ay kutsilyo lamang.

"Get an apple," utos ko sa kanya.

"Inuutusan mo ba ako?"

"Mamili ka, mansananas o noo mo?" Tanong ko sabay lingon kay Blaire. Lumapit si Eunice kay Blaire at kinuha ang apple. Buong klase namin ay nanonood na sa amin.

"Sumandal ka sa puno at ilagay mo sa ulo mo 'yang mansanas."

"Who do y--"

"Mansanas o noo?" Tanong kong uli. Padabog-dabog siyang pumunta sa puno at sumandal. Pulang-pula na siya sa galit. She could explode anytime.

"Siguraduhin mo na hindi masasayang ang oras ko, Andi!" Sigaw niya sa akin sabay tinapunan ako nang masamang tingin. Hinigpitan ko ang hawak ng patalim sabay hagis sa direksyon niya.

Hindi ito tumama.

Hindi ito tumama sa kanya o kahit sa mansanas. Tumama ito sa puno. Nakatarak ito ngayon malapit sa kanyang mukha. Kitang-kita ko ang pagsinghap niya ng hangin sabay tingin sa akin. Tumawa naman ang iba naming kaklase.

"Walang kwentang palabas, Andi." She smirked. Umiling-iling ako sabay buga ng hangin.

"Ang patalim na 'yan," nakuha ko uli ang atensyon ng klase. "Ay ginawa upang kumitil o manakit ng may buhay."

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang patalim. Katulad ng ginawa niya, sinamaan ko siya ng tingin.

"Ang mansanas ay walang buhay. Ang puno? Meron naman. Lalo na ikaw."

"So anong pinapalabas mo?" Mataray niyang tanong. 

Tiningnan ko siya nang mata sa mata. Kailangan kong ipamukha sainyo na hindi ako basta-basta. In order to survive, I will do it.

"It gave me a hard time picking between you and the tree. Lucky you, I chose the tree."

West UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon